Prologue

81 10 20
                                    


PROLOGUE

"Happy seventh anniversary, my love!", Fifth said, smiling.

"Happy anniversary, love!"

"Blow na natin dali!", ipinalapit niya ako tabi sakaniya. We were about to blow when he halt me, "Wait!!! Hindi pa tayo nagwiwish! Close your eyes, sige na!"

I closed my eyes and wish that we will get old happy together, and when I open it I saw him looking while smiling at me.

"Anong winish mo?"

"I wished na ikaw ang maghugas ng pinggan ngayong gabi." I said habang may mapaglarong ngiti sa labi.

"Ako na nga araw-araw halos masira na ang makinis kong mga kamay dahil sa kahuhugas!" Sabi niya, kahit ako naman talaga.

"Ay...ay kawawa naman ang kamay ng lolove ko, akin na." Kiniss ko ang likod ng kamay niya.

"Dito pa..", itinuro niya ang palm niya at kiniss ko rin doon.

"Pati dito...kawawa na 'to." Tinuro niya ang pisngi.

"At bakit naman kawawa 'yan?" I asked first bago patakan ng halik.

"Nagkaka-wrinkles na, 'di ba ayaw mo 'yon?.......pati rin dito." He said, at tinuro niya ang sentido ng ilong.

"Pati ilong?", I asked. "Aba, nakakarami ka na ha?!"

"Ouch..ouch, sumakit dito." Kunwaring sakit niya at hinawakan pa nga ang ilong!

"Last na, akin na...", pinatakan ko ng halik at nakita ko naman ang pasimpleng pag-ngiti niya.

"Hala! Sumakit labi ko....ara-"

Pabiro ko siyang pinalo at pinigilan ang susunod niya pang sasabihin. "Ang landi mo!", I said.

"Gusto mo naman!"

"Duh!"

He just chuckled.

"I love you, my Addie.", he said.

"Mas mahal kita," I also said before blowing the candle in our cake. Ibinaba niya ang cake at pinatakan ng halik ang aking labi.

"Mas mahal na mahal kita." Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko, ayaw patalo ha!

"Mas mahal na mahal na mahal kita." I said, aba kung mas mahal niya ako mas sobrang mahal ko siya!

"Mas maha-"

"Shh," pinigilan ko ang pagsasalita niya, "Oo na, alam ko sino ba namang hindi magmamahal sa katulad ko 'di ba?" Nginitian ko siya ng malambing.

"'Wag mo akong ginaganiyan, love."

"Ano ba'ng ginagawa ko?" I smiled again.

"Ang cute...", pinisil niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay,"Cute...cute ng bebe ko, sobra!", mas hinigpitan niya pa ang pagpisil saakin kaya tinanggal ko na iyon habang masama ang tingin sakaniya.

He chuckled! Kaya mas lalo kong sinamaan ang tingin sa kaniya.

"Che! Kumain na nga tayo!"

Tinawanan niya lang ulit ako bago nagsimulang kumain. Nandito kami sa Garden of Picnic ngayong gabi kung saan nagppicnic ang mga tao at may simpleng coffee shop sa tabi dito sa Baguio.

Ngayon ang pang-pitong taon namin ni Fifth at sa bawat Anniversary namin dito kami palaging pumupunta dahil dito kami unang nagkita at dito ko siya sinagot. It's like it's our own place yet with sentimental value kaya rito namin napagkasunduan na every our Monthsary and Anniversary na magcelebrate.

Gleam In My GloomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon