Kabanata 7

1.7K 58 62
                                    

Kabanata 7: Dangerous

Come back alive?

Kung hindi siya bumalik, mamamatay na ba siya?

"Are you sure about that? At bakit naman siya matatakot sa camera? Totoo ba ang sinabi mong 'yon?"

Ang weird naman ni Mr. Valeros.

Takot sa camera? May ganoon naman pero totoo bang simula nabuhay siya, wala man lang siyang litrato?

"Hindi man lang ba siya kinukuhanan ng litrato ng parents niya noong baby siya?"

Ngumiwi siya sa tinanong ko.

"Paano siya makukuhanan ng litrato noong bata siya eh wala naman silang cellphone noon?"

Napatungo ako bigla at napakurap-kurap. Ah, ganoon ba.

Hindi na lang ako nagtanong hanggang sa bumagsak ang balikat ko. Hindi ko ba siya masisilayan this week? After two weeks?

Ay, ano bang pakialam ko kung hindi ko siya makita?! Charm, servant ka lang. Huwag kang OA.

At bakit ako mag-aalala sa kaniya? Diamond ba siya?

Mas tatanggapin ko pang alikabok siya kaysa ginto.

"Hayaan mo 'yon! Sanay sa labanan si Mr. Valeros. Magaling sa lahat 'yan lalo sa kama. Ay, sorry na spill," napatakip siya bigla sa kaniyang bibig.

What?!

Magaling sa kama?! Bakit, may na kama na ba ang lalaking 'yon?

Nangunot ang aking noo at bahagyang nakaramdam ng disappointment kay Kaeton. Tss. What a freak. Big time. Don't tell me, you're jealous, Charm? Aha! Loyal ka sa sarili mo! Wag ka papauto sa mga mukhang garapata! Tama! Tama! Self love for the whole existence is enough. Hehe.

"What kind of sketching do he like?"

She looked into my eyes. "Portrait. . . his clear face."

I raised an eyebrow. "Bakit mo alam? Kabit ka ba niya? May gusto ka kay Mr. Valeros 'no? May gusto ka sa fianceé ko?" pangungulit ko.

Kaagad na nanlaki ang kaniyang mata at halos masuka sa sinabi ko. Napalayo siya at umaambang naduduwal.

"Pwe! Anong klaseng tanong 'yan, Ms. Charm?! Yuckie! Mas papayagan ko pa na mahalin ako ni Clarence ulit kaysa magkagusto diyan! Pwe!"

Clarence? Familiar.

"What about Callum? Don't you like him?"

Namula bigla ang mata niya at para bang naluha siya kakaduwal. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Mas lalo na 'yan! Putangina! Pwe!"

Hmm. Okay. No problem naman pala sa girl best friend niya. Pasado na.

Tumuwid ako ng tayo at mabilis na tumalikod sa kaniya. Punyetang buhay 'to. Gusto ko makalaya sa room na ito. Now na.

"I need the key."

"I will not give you. Hehe. . . unless na lang kung sagutin mo tanong ko."

I hate questioning me. But this time, okay. Pagbigyan si Avery. Mukhang loka-loka lang din naman yata ang itatanong, bakit hindi ko sabayan?

"Okay?"

She cleared her throat. "May pogi ka bang kuya? Napansin ko kasi na ang ganda ng genes mo. . . baka. . . ehem," she nervously laughed. "May kuya ka bang hot?"

Halos matawa ako sa kaniyang tinanong. Eh? Hindi siya papasok sa standard ng kuya ko!

"Before answering that question, let me ask you first. What is your name?" my brows rose up a bit.

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now