Chapter 17

32.8K 1.4K 817
                                    

Ahtisia Amelie Salvador





"Hindi talaga kayang mag-dean's lister?" tanong ni Mommy sa akin.

Halos malukot ang mukha niya habang naka-tingin sa grades ko para sa first semester.

Hindi ako nakasagot sa kanya, halos magdikit ang baba ko at dibdib dahil sa bigat ng tingin niya sa akin. Ramdam ko ang disappointment sa mga tingin niya, na para bang kahit hindi siya magsalita ay alam kong she's judging me...like, wala namang bago doon.

"Mommy..." tawag ko sa kanya.

"Tsk. Ahtisia naman..."

"I already did my best na po, marami po talagang mas mataas at mas magaling," paliwanag ko sa kanya. I tried to sound respectful and nice habang nagpapaliwanag. Pinaka-ayaw kasi ni Mommy na sinasagot ko siya, kahit minsan hindi ko naman sinasadya.

"Then maging mas magaling ka! You're not trying, Ahtisia. Kasi kung oo, dapat mas mataas ka sa kanila," giit niya sa akin. Bawat Salitang lumalabas sa bibig niya ay may diin kaya naman humihigpit na lang ang pagkakayukom ko sa aking kamao.

Hindi ako lalaban sa kanya, wala akong balak lumaban. I'm just afraid na sasaktan nanaman niya ako physically.

"Susubukan ko po ulit," sabi ko sa kanya.

"Punyetang susubukan ulit, puro ka na lang subok...ang hina-hina mo. Wala akong anak na bobo!" asik niya sa akin kaya naman halos namanhid ang buong katawan ko dahil sa masasakit na salitang ibinabato niya sa akin.

Uminit ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya. Minsan ay ayos naman ang pakikitungo niya sa akin, ibinibigay niya ang lahat ng gusto ko, nang hilingin ko. Pero may mga pagkakataon talaga na kagaya nitong sinasaktan niya ako hindi lang physically kundi emotionally.

Matapos akong kastiguhin ni Mommy ng mga masasakit na salita niya ay tumakbo kaagad ako papasok sa aking kwarto para magkulong. Nang masigurado kong ako na lang mag-isa sa dilim ay doon na bumuhos ang luha mula sa aking mga mata.

Mula sa pagkakayuko ay kaagad akong nag-angat ng tingin nang tumunog ang phone ko dahil sa isang message. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko nang makita kong galing 'yon sa boyfriend ko...galing 'yon kay Hunter.

Wala akong ibang pangarap noon kundi ang mapansin man lang niya, na sa dinami-rami ng babaeng may gusto sa kanya ay mapansin man lang niya ako kahit sandal, kahit matingnan nga lang ay ayos na sa akin.

I felt like I was on cloud nine and dreaming when he told me that he likes me, hanggang sa nanligaw siya at naging kami.

It was a dream come true.

Tipid akong napangiti nang mabasa ko ang laman ng message. He told me that I should sleep early dahil maaga pa ang pasok ko bukas, and he can't wait to see me.

Sa sobrang kagustuhan ko na magkaroon ng totong mga kaibigan ay naging gullible ako sa mga taong lumapit sa akin. Akala ko ay totoong gusto nila akong maging kaibigan pero nagkamali lang pala ako. Ginamit lang nila ako para sa mga masasama nilang plano.

"Aalis na tayo?" tanong ni Kuya Wil sa akin the next morning.

Hapon pa ang class ko pero maaga akong aalis dahil balak kong dumaan sa isang pastry shop.

Marahan akong tumango bilang sagot sa kanya pero nakita ko ang lungkot sa mukha niya habang tinitingnan niya ako For sure alam din niya yung nangyaring confrontation naming ni Mommy.

"Ayos ka lang?" tanong pa niya sa akin while binubuksan niya ang pintuan ng sasakyan para sa akin.

"Ayos lang po," sagot ko sa kanya para hindi na din siya mag-alala.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon