KABANATA CCXXIII

3.6K 32 6
                                    

"Tama nga ang ginawa mong analysis. Nagkakahalaga nga nang dalawang milyong dolyar ang vase na ito kung nasa prestine condition pa ito."

Nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita si Darryl. "Pero nakaligtaan mo yata ang oras noong nabasag ang vase na ito."

Dito na nagbago ang itsura ni Shawn, pero hindi nito nagawang magsalita ng kahit na ano.

"Bata, paano mo nagawang magpanggap na mas marami kang nalalaman kaysa sa isang matagal nang empleyado ng isang museo?"

"Mukha ka lang din isang security guard. Sandali lang, mukhang kagagaling lang din sa washroom ng amoy mo. Isa ka bang janitor?"

Dito na tumawa ang mga tao sa kaniyang paligid. Nag amoy ihi nga si Darryl matapos ng ginawang pagpupumiglas ng inihian niyang si Dalton kanina.

Pero may isang tao na hindi tumawa, ito ay walang iba kundi si Dora na kasalukuyang nakatitig nang husto kay Darryl.

Umupo si Darryl at kumuha ng isang piraso ng nabasag na vase. "Alam ng mga eksperto ang mga gamit noon ng Yuan Dynasty ay gawa sa dalawang bagay – ito ay ang bato mula sa china at kaolinite. Kaya sa sandaling mabasag ito, agad na mangingitim ang manila nilaw nitong kulay dahil sa agarang pagkaexpose nito sa hangin."

Ibinigay ni Darryl ang isang piraso ng porselana sa middle aged na lalaki at sinabing. "Ipinakita lang ng mga basag na pirasong ito ang matagal nang pagkakabasag ng porselanang vase na ito. At kung titingnan ang orihinal nitong kulay, mukhang dalawang dekada na itong basag, maaari ring nabasag ito ng mga taong nakahukay dito mula sa ilalim ng lupa."

Agad na tumingin si Darryl sa dalawang manloloko at sinabing. "Nagkakahalaha lang ng eight hundred to nine hundred dollars ang basag na porselanang ito. Pinuno niyo lang ng basag na piraso ng vase ang inyong maleta para masabing nabasag niya ito. Hindi ba kayo nahiyasa pinaggagawa ninyo?"

Ditto na natahimik ang mga tao sa kanilang paligid.

Nanginig naman ang mga daliri ni Shawn habang hinahawakan ang isang piraso ng nabasag na vase. Bilang empleyado ng museo na may bente taong karanasan sa mga antique, palagi siyang naniniwala na siya ang pinakamahusay sa buong Donghai City! Walang wala maging sina Yvonne at Kingston kung ikukumpara sa kaniya!

Napahiya siya nang maisip niya na nagawang matalo ng isang lalaking na nasa 20's ang bente taon niyang karanasan sa mga antique!

Nacucurious naming tiningnan ng asawa ni Shawn si Darryl, agad siyang namangha sa ipinakita nitong kaalaman!

"Ako nga pala si Shawn Larson. Napakahusay mo bata. Naimpress mo ako sa iyong ipinakitang pagtingin sa antique na ito!"

Nagugulat na naglakas si Shawn palapit kay Darryl para bigyan ito ng isang business card. "Ito ang aking card. Kontakin mo ako kung may kailangan ka sa akin, gusto sana kitang makasamang magtsaa kung wala kang ginagawa!"

Ditto na tuluyang nagulat ang mga tao sa kanilang paligid!

"Puno na noon palang ng mga basag na piraso ng vase ang maletang iyan?"

"Napakaimoral ng dalawang ito!"

Naramdaman naman ni Dora na para siyang nasa loob ngn isang panaginip.

Agad siyang nabalot ng desperasyon kanina habang inaalog ang kaniyang utak para makaisip ng iba't ibang paraan para makakuha ng dalawang milyang dollar. Pero agad na bumaliktad ang sitwasyon sa loob ng isang iglap.

Buong pasasalamat nitong tiningnan si Darryl.

Nagtinginan ang dalawang manloloko bago sila tumuri kay Darryl habang sinasabi na. "Hoy bata, anong sinasabi mo na basag na ang mga vase na ito bago pa lang niya ito mabangga? Sino ka bang hayop ka? Ano bang kinalaman mo sa mga antique? Tigilan mo na ako sa mga kalokohan mo! Dalawa lang ang puwedeng mangyari, puwedeng siya ang magbayad nito o ikaw! Total gusto mo naming maging bayani, bakit hindi mo na lang ito bayaran para sa kaniya!"

Dumukot ang matabang lalaki ng isang patalim at bibuksan ito sa harapan ni Darryl.

Mukhang hindi na ito ang unang araw na mabisto ang dalawa sa kanilang mga ginagawang kalokohan, siguradong nangyari na sa kanila ito ng ilang beses para makapagreact nang ganito.

Confident sila na isa lang walang kuwentang security guard si Darryl, kaya hindi sila nag alala sa anumang gagawin nito.

Nagulat ang lahat ng makita nila ang patalim. Walang sinuman ang nagsalita sa kahit na ano o nagtanggol kay Dora.

Tumawa si Darryl at sinabing. "Sige, mababayaran naman kita, pero hayaan niyo muna akong tawagan ang kaibigan ko na magdala rito ng pera."

"Gaya pa rin ng inaasahan natin!"

Muling nagtinginan ang dalawang manloloko.

"Agad na natakot ang batang iyon nang makita ang hawak na patalim mo. Napakaduwag ng isang ito!"

Kinuha ni Darryl ang kaniyang cellphone at gumawa ng isang tawag.

Agad na nagpanic si Dora na humila sa manggas ni Darryl habang sinasabing. "Huwag, huwag ka nang makisuyo sa kaibigan mo na dalhin dito ang perang kailangan ng dalawa. Ako mismo ang napasok sa gulong ito kaya ako rin dapat ang magbayad sa kanilang dalawa."

Hindi makaisip ng kahit na anong paraan si Dora para makakuha ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi pa rin niya hahayaang bayaran ito ng isang hindi niya kaano ano para sa kaniya! Tinuruan siya ng kaniyang ina na umako ng responsibilidad para sa kaniyang pagkakamali, kahit na mahirap lamang sila.

Inakay lang ni Darryl ang kaniyang kamay, pero hindi siya nagsalita ng kahit na ano.

Agad na sumagot ang kabilang linya sa tawag, dito na in-on ni Darryl ang speaker phone.

"Oy, kapatid kamusta na?" ngiti ni Megan Castello sa kabilang linya.

Nagawa niyang tawagin na kapatid si Darryl kahit na wala siyang kahit na anong kailangan dito. Masyadong nakakagulat ang pagbabagong ipinapakita nito sa kaniyang pagtrato kay Darryl.

"HMMMM?"

Agad na nagbago ang itsura ng dalawang manloloko.

"Hayop! Mukhang pamilyar ang boses na iyon..." simangot ng matabang lalaki.

Napalunok ang payat na lalaki bago tumatagong bumulong ng "Bakit parang kaboses ng isang ito si Sergeant Castello?"

Suki ng mga nakawan sa highway ang dalawang ito.

Kaya ilang beses na silang nahuhuli at naipapakulong ni Megan.

Si Megan ang pinakakinatatakutan nilang pulis sa lahat, kaya agad silang tumakbo na parang mga daga noong marinig ang kaniyang boses sa kabilang linya.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now