Chapter 9

2.9K 113 22
                                    

CHAPTER 9


FLIRTING WITH MR. PROF, CALLING PAPI, WITH CLOUD, THE DARE

"Aurghhh!! Nakakainis, sabihin mo nga sa akin, Crystal. Bakit kailangan ko pang pumasok sa school? Bakit? Hah! Bakit?"

Hindi naman alam ni Crystal kung ano ang isasagot niya. Nababaliw na naman kase ang young lady Nightmare niya. Ano pa bang bago, palagi naman itong nababaliw. Palagi din itong nagrereklamo. Kesyo bakit daw kailangan niya pang mag-aral. Napapakamot na lamang sa kaniyang ulo si Crystal.

"Panay ang reklamo niya pero magbibihis at papasok pa din naman. Baliw talaga."

Buti nalang talaga walang kakayahang maka basa ng isipan ang young lady niya, dahil pag nagkataon, tiyak na malilintikan siya. Palagi niya pa namang tinatawag na baliw ito sa kaniyang isipan, totoo naman kase na baliw ito.

"Crystal, alam kong maganda ako pero tama na yang kakatitig mo. Baka mamaya niyan matunaw ako. Hmm?" lumapit pa ang young lady niya sa kaniya, iniangat ang kaniyang mukha gamit ang isang daliri nito. Nanlaki ang mga mata niya ng bigla nalang siyang halikan ng young lady niya sa pisngi.

"Clean my room, pretty Crystal. See ya later. Don't forget to eat breakfast."

0____o

"What the??? Iniengkanto ba ang young lady? Pero bakit ganun, bakit parang may naglilioarang paru-paro sa tiyan ko. Hmp, siguro dahil malakas ang dating niya.. Tama, tama. Yun lang yun. Nako, ang young lady talaga."

__

Napairap na lamang si Elijah habang sinisimulan ng magtahi. Kase naman, tinuturuan sila ng iba't ibang uri mg stitches. Tsk.

"Ano ba ang pumasok sa utak ng Night na yun at sumali sali siya sa dressmaking class? Mukha ba akong mananahi? Anak ng tinapa, pempem na maluwang pa iharap nila sa akin for sure tatahiin ko, walang halong biro, walang reklamo.."

Napansin naman ng kaniyang guro na si Prof. John Arthur na parang wala sa sarili ang dalaga. Halata din ang iritasyon sa mukha nito habang pinipilit na gayahin ang stitches na nasa larawang ibinigay niya sa mga estudyante niya.

"Ouch"

Mabilis pa sa kidlat na lupait si prof. Arthur kay Elijah. Hinawakan niya ang kamay nito, inilagay niya sa bibig niya ang daliri nitong natusok ng karayum na ngayon ay nagdurugo.

Sinipsip ni Prof. Arthur ang dugo mula dito. Titig na titig naman si Elijah sa propesor niya habang ang mga kaklase naman niya ag gulat at nagtataka.

"Pinaglalaruan ba ako ng mga mata ko?"

"Anong nagyari? Nasa Sentro pa ba ako? Baka nasa ibang planeta na ako."

"Jusko, my eyes. My virgin eyes."

"I never felt so single in my whole life."

Nang matapos nitong masipsip ang dugo, kumuha si Prof
Arthur ng band aid sa kaniyang bulsa. Nangunot naman ang noo ni Elijah. Pigil ang ngiti niya di kalaunan.

"Ayan, bakit kasi hindi ka nag-iingat?"

Sinimangutan naman siya ni Elijah na ngayon ay nakakunot na ang noo. Hmp, kasalanan ba niyang hindk siya marunong manahi? Ang hirap kaya.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon