Chapter 52

980 24 0
                                    


Tumikhim ako.

"Eh bakit ka naman m-magseselos?" Kinunot ko ang aking noo kahit na sa loob-looban ko'y kumakalabog na ang aking dibdib.

What the hell, Reign?!

Bakit nga ba magseselos ang isang tao?

Kahit na may ideya ako sa magiging sagot ni Jordan ay tinanong ko pa rin ito, para lamang makasigurado.

Before I confessed that we have a child together, Jordan and I were already going steady.

I mean- we were doing fine not until Kendall showed me the pictures of Jordan with a girl at the restaurant.

"Baby, do I really have to repeat myself?" Gamit ang kaniyang kanang kamay ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa aking baba. "Damn, kahit ilang beses mo pang ipaulit 'yon sa akin ay uulit-ulitin ko pa rin." Umiling siya sa kaniyang sarili. "I love you, Reign."

Halos matunaw ako ng tinitigan ako ni Jordan sa mata. Kinagat niya ang kaniyang labi at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.

Napasinghap ako dahil sa pagkabigla.

"We w-were okay before you told me about Xanley, right? What happened, baby?" He whispered on my ear using a raspy voice, parang nagmamakaawa na sagutin ko siya.

"Hmm?" Pinakawalan niya ako mula sa yakap at hinawakan ang aking braso. "What made you upset, Reign? Tell me so I can do something about it. I do not want us like this. I don't want you avoiding me. So... tell me, what made my baby upset?"

Napalunok ako nang naramdaman ang mainit niyang hininga sa aking pisngi.

Fuck! Ganoon lang natunaw na ako agad?

Hindi ako makapagsalita.

"Come on, baby, tell me?" Marahang wika niya bago ako pinatakan ng isang halik sa noo.

Kumalabog ang puso ko. Madiin akong pumikit at dinama ang pnibagong yakap na iginawad niya sa akin.

Bakit ganito? Ilang salita lang mula kay Jordan nawawala agad ako sa sarili ko!

I want to curse Jordan for making me feel this way. But I know I can't... I'm too in love to hate him, or to be angry at him permanently.

"I love you, okay?" Naramdaman ko ang labi niya sa aking tenga.

Dahan-dahang kong itinaas ang aking kamay sa kaniyang likuran upang yakapin siya pabalik.

Mahigpit iyon, 'yung tipo ng yakap na ayaw nang kumuwala.

I bit my lip harshly as I try to bury my head in his chest. Pinagilan kong kumuwala ang aking hikbi. Malalim akong huminga upang pigilan ang sunod-sunod na luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mata.

"I-I'm sorry." Humikbing sabi ko kay Jordan.

Humiwalay ako mula sa yakap niya at inalis ang luha sa aking pisngi.

"Don't cry, Reign. What are you even sorry for? It's fine, okay? J-just stop avoiding me." Kuminang ang kaniyang mata habang sinsabi iyon.

Mabilis akong tumango.

Wala na. The walls that I tried so hard to build around my heart has now fully collapsed.

Hinayaan ako ni Jordan na umiyak habang inaalu niya ako. Ibinaon niya ang aking mukha sa kaniyang leeg habang hawak ang aking ulo.

Nang humupa na ang aking iyak ay kusa akong humiwalay sa kaniya, medyo nahihiya pa dahil sa ipinakitang luha.

Lumabi ako. I tucked my hair on the back of my ear.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon