Prologue

18.3K 253 62
                                    

"SASABIHIN ko ba kay Kathleen kung saan ka nagpunta, Jared?" tanong ni Jordan sa kakambal na may kasamang panunudyo. Si Kathleen ang latest nitong girlfriend na gusto na nitong idispatsa subalit tila ito talaba na mahigpit na nakakapit sa gilid ng bato.

"Tell her or anyone else where I am and you're dead meat!" Jared stared at his older brother threateningly. Pagkatapos ay sumakay na sa four-wheel drive jeep at ikinabit ang seat belt. "Kaya ko lang sinasabi sa iyo kung saan ako pupunta ay para madali mo akong matunton kung may importanteng pangyayari."

"Seryoso si Carrie na magpakasal sa bago niyang boyfriend. Don't you think that's important?"

Jared's face softened. "I am happy for her. Napaimbestigahan mo na ang Emilio Mendrez na ito at napatunayan mong mabuting tao. Sana'y maging maligaya si Carrie sa pagkakataong ito. Hindi ako nangangako, but i will try to be back on or before the wedding. May plano na ba kung kailan?"

"Nothing definite. But knowing Carrie, it's gonna be soon. Anyway, ano sa palagay mo ang mapapala mo sa ginagawa mong ito?" Ibinalik nito ang usapan sa pag-alis ni Jared. Nakasandal ito sa poste ng garahe at nakakrus ang mga braso sa dibdib.

The twins could have been identical. Magkasintaas at halos magkahawig ang dalawa, maliban sa may-kaputian si Jordan at si Jared naman ay kulay-kamagong ang balat. And both were extremely good-looking.

Pero doon nagtatapos ang similarity ng magkapatid. Jared was the brown-eyed charmer and was dazzled by long-legged women with more boobs than brains.

While Jordan, who was ten minutes older, was fascinated by matured and intelligent women who carry briefcases larger than his.

And the Atienza brothers were the favorites of the paparazzi. Bawat iskandalong maaaring ikapit sa magkapatid ay pinagpipiyestahan ng mga ito.

"Gusto kong mag-unwind... mag-isip, bago dumating ang Papa at Mama mula sa Europa," sagot ni Jared sa tanong ng kapatid.

"At sa asyenda sa Marinduque mo gustong magtungo?" nakangiting sabi nito. "Kunsabagay, natitiyak kong matutuwa si Lola Eleanor kapag dumalaw ka. It's been more than a year since we last saw Grandma."

Matagal-tagal na nilang hindi nadadalaw si Eleanor—their mother's mother. Nang mamatay si Roberto, ang lolo nila, ipinasya ni Eleanor na mamirmihan na lang sa Marinduque. Ang papa nila, si Jake Atienza, ay biniling muli ang kapirasong lupang dating pag-aari ng pamilya ni Eleanor.

Hindi lang iyon, kasamang binili ni Jake ang malawak na lupaing katabi ng lupain ng namayapang mga magulang ni Eleanor. Kasabay niyon ay nagpatayo ng bahay-bakasyunan sa nabiling lupain si Jake para sa biyenan.

"Then there's no need to lie of your whereabouts," patuloy ni Jordan. "Natitiyak kong hindi ka susundan ni Kathleen doon at ng iba pang girlfriends mo." He slanted a teasing smile at his brother. "Kathleen hated country life."

Jared grunted. "Oh, she will follow me to hell, Jordan." His smile was self-mocking. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng malalim na hininga. "If only grandfather hadn't made that stupid codicil in his testament."

"It was your fault, anyway," wika ni Jordan, dumilim ang mukha. "Binigyan mo ng dahilan ang Lolo para gawin iyon sa atin. Sukat mo ba namang sabihing wala kang intensiyong mag-asawa!"

"And I would have!" Jared's sigh was troubled. "Kung hindi lang dahil diyan sa codicil na iyan." Itinaas niya ang kamay at itinuro ang forefinger sa kapatid. "But don't count on it."

"Pareho nating hindi gusto na ang pinaghirapan ng Papa ay mauuwing lahat kay Uncle Ryan," Jordan said grimly. "Ikaliligaya ni Uncle Ryan na mauuwi sa kanya ang Batangas paper mill, hindi dahil sa perang iaakyat niyon sa kanya kundi sagisag iyon ng pananagumpay niya laban sa Papa. Alam niya kung gaano kahalaga kay Papa ang pabrika na magkasamang itinatag at pinaghirapan nila ni Lolo. At sa isang kisap-mata'y iguguho ni Uncle Ryan ang paper mill. If only to spite Father."

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon