Chapter 5

32.6K 935 252
                                    

Professor Vanessa 👆🏻

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Professor Vanessa 👆🏻

Nakahanap agad ako ng puwesto at agad na umupo. Nasa may pinakadulo iyon at syempre ano pa nga ba, katabi ko si Irish na ngayon ay pasmado na naman ang bibig at dumadaldal na naman.

" Uy beh, bakit naman dito tayo sa likuran? Pwede naman tayo du'n sa may harap oh..."

Anya at ngumuso doon sa harapang bahagi ng mga nakahilerang upuan.

" Who told you to sit here with me kasi, pwede ka namang lumipat doon at nang tumahimik ang buhay ko dito."

Sabi ko at uminom ng tubig na dala ko. Nauhaw ako eh.

" Grabe ka talaga ano, pero sigi na nga dito nalang tayo at baka maabutan pa tayo ni ma'am na palipat-lipat ng upuan. "

Anya at agad na binuksan yung bag niya nilabas yung notebook niya at sandamakmak na ballpen!

" Hoy! Ba't ang dami mong dalang ballpen?"

Tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.

" You'll see.."

Sabi nito at parang bored na humarap sa notebook niya. Tumingin ako doon at pansin kong magaling siyang mag drawing, may mga doodles siya doon na iba't ibang kulay ng pens. Namangha ako sa ginagawa niya kaya hindi ko napansin ang pag tahimik ng lugar at ang pag pasok ng professor namin. Narinig ko yung tagaktak ng heels niya habang papalapit siya sa table sa gitna at nilagay yung itim niyang Hermes bag bago nag halukipkip sa harap namin. Hindi ko alam pero agad akong nabato ng makita ko yung mga mata niya. Her eyes is so familiar to me at kusa nalang nag lakbay ang tingin ko sa katawan niya. I scanned her from head to toe and damn sobrang ganda niya.

" You at the back. Why aren't you standing up?"

Lalo akong nawala sa sarili ng marinig ko ang boses niya. Strict yung boses niya pero para sa akin ang hot ng dating. Nakatunganga parin ako sa kanya habang hawak ko parin yung bote ng tubig na iniinom ko kanina.

 Nakatunganga parin ako sa kanya habang hawak ko parin yung bote ng tubig na iniinom ko kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon