Chapter 3

14 5 16
                                    

3

Nang makalapit siya ng kaunti sa'kin he ask a question.

"Sumasakit pa rin ba ulo mo?", concerned.

"H-hindi po,", I need to use 'po' kasi what if mas matanda siya sa'kin?

"What's with the 'po'?" He chuckled.

As I heard his chuckle, I feel like this scene happened before. What's this? Deja vu? My brows furrowed.

Lalapit sana ang lalaki ng magsalita siya, "Ok lang ba'ng tumabi?"

I nod.

Lumapit siya saakin at umupo sa may paanan ko.

"Are you ok?" He asked.

Tumango ulit ako.

"Anong gusto mo? Gusto mo ba kumain? Tubig? Magpaha-"

Hindi niya na naituloy ang pagsasalita niya ng magsalita ako.

"Who are you?", I'm confused! Bakit siya nandito? Bakit niya ako inaalagaan?

Dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata ngunit ipinagsawalang bahala niya ito at sumagot.

"Someone. . .you used to know.", nginitian niya ako ng malungkot.

My brows even more furrowed. I was about to speak when he change our topic.

"Gusto mo na ba kumain?"

Tumango ako.

Naglagay siya ng pagkain sa mini table at ipinatong sa higaan sa harapan ko. Nilagyan niya ng tubig ang baso at inilagay sa mini table at sinunod ang kutsara at tinidor.

Tinitignan ko lang ang pagkain at hahawakan ko na sana ang kutsara ng kunin niya ito at umupo sa tabi ng higaan ko na upuan. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang kutsara saka dahang-dahan isinubo sa akin.

"Ah," he open his mouth, persuading me to open mine to eat it.

I open my mouth at kinain ang isinubo niya, nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti at ngayon kumuha naman ng soup at isinubo sa'kin.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Tinitigan ko siyang mabuti, tumitig siya sa akin pabalik at bumalik ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

My face heated at what he does!

Nginitian niya ako at itinuloy ang pagsubo ng pagkain sa akin.

Hindi ko alam kung bakit imbes na ako ang magpakain sa sarili ko, hinahayaan ko lang siya na subuan ako.

And, not gonna lie. I kinda like it.

Sinusubuan niya lang ako at kinuha ang baso upang ibigay sa'kin. Inabot ko iyon at hindi sinasadyang mahawakan siya. And as soon as I touch his hand the glass fell on the floor, nagsimulang manlabo ang aking paningin at bumabalik ang boses na aking naririnig.

"Ikaw ang bahala,"

"So promise you'll never change. ."

Nahulog ang mga pagkain sa harapan ko at tinakpan ko ang dalawang tainga upang hindi iyon marinig.

"Doc', architect mo andito na!"

Ngunit ayaw tumigil, naririnig ko pa din.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at bago ko pa matakpan ang aking muka, someone hug me!

"C-celine!", the man said.

"A-andito lang ako Celine. . .'wag kang matakot, andito lang ako." Basag na boses niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking buhok and all I could feel were his comfort and safety.

Hinawakan ko siya ng mahigpit and I closed my eyes, umaasang tumigil ang memoryang nagpapakita at nagsasalita.

"Nakakapagod ka!"

Isa. . .

"You don't deserve what you have right now!"

Dalawa. . .

"Bakit ka nagbago?"

Tatlo. . .

Iminulat ko ang aking mga mata at ibinuhos ko ang lakas ko para lang maitulak siya palayo sa'kin. Naitama ang kaniyang paa at naipaupo at dahang-dahan tumingin sa'kin.

Puno ng galit akong tumingin sakaniya, hindi naiintindihan ang nangyayari.

"A-anong ginawa mo?!", I shout at the top of my lung.

Tumayo siya habang hawak-hawak ang binti at tumingin sa'kin. Hindi ko siya makita ng wasto dahil lumalabo ang mata ko.

Lumapit siya papunta sa'kin at biglang lumuhod. Pinunasan ko ang aking mga mata at tinignan siya, nakayuko siya at hindi nagsasalita ngunit nakita kong umaalog ang kaniyang balikat. Nagpapahayag na siya'y umiiyak.

"L-love. . ."

Pagkabigkas niya'ng 'yon, another memory crashed me.

"Love, tignan mo drawing ko. Maganda ba?", the guy smiled at me habang pinapakita saakin ang hawak niya na may guhit na magandang bahay.

Pinikit ko ang aking mga mata ngunit kasabay nito ang isa nanamang memorya.

"Love, gusto mo ba mag-alaga ng pusa? Kasi para kapag busy ako sa schoolworks may kasama ka.", suggestion ng lalaki habang may hawak na uno card.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin ulit sa lalaki at na nakaluhod sa harapan ko.

"Sino ka ba?!" Sigaw ko, litong-lito na.

"A-anong ginagawa mo. . .sa buhay ko?!" Papahina ang aking boses.

Tumingala siya sa akin at and he speak through his cries. "Love. . .ako to,"

Tumingin ako sa mga mata niya ngunit ang makikita ko lang ay sakit na tumagos hanggang sa aking puso.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Doc. Railey at Nurse Lia habang hinihingal.

Lumapit kaagad sa'kin ang Doctora at may itinurok sa akin ng kung ano hanggang sa magsimulang mandiliim ang aking paningin at tangayin.

--

I woke up inside this hospital room again. Nakita kong nakatayo ang lalaki at babae sa kanan ko at namukaan ko agad sila.

"Ma. . .Pa," I uttered.

Biglang umiyak si mama, "A-anak ko,"

"Yes anak, si papa at mama 'to.", banggit ni papa.

Tumayo ako at inalalayan ka agad ako ni mama, tumingin ako sa kaliwa at nakita si Nurse Lia at Doc.

"Are you feeling well?", the doctor asked me.

"Yes po,"

"Let's check you first then after, let's proceed to ou second session." Sabi niya, ngunit hindi ako nakatuon ng pansin sa kaniya.

I am expecting someone I don't know, nasa'n siya?

Tinignan ko ang paligid ng buong kwarto ngunit wala akong nakitang anino niya.

Napansin ata ng Doctora iyon, "Wala siya rito." Bulong niya.

"Nasaan po?", tumingala ako sakaniya at nagtanong.

"Ano 'yon anak?", napatingin ako kay mama ng magsalita siya.

"'Yong lalaki po na nandito no'ng nagising ako. . .n-nasaan po?"

Nagkatinginan sina mama at papa bago ito nagsalita. And as soon as I heard what she said, a part of me died.

"Umalis na siya, anak. Matagal na."

______










Gleam In My GloomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon