Chapter 4

12 4 14
                                    

4

Kanina pa ako nakatulala. Hindi alam ang gagawin. Hindi ko naiintindihan pero parang nawalan ako ng gana sa gagawin namin.

"Nai-empake ko na lahat. Nakaayos ka na ba, anak?" Tanong ni mama.

Tumingin ako sakaniya at pagod na tumango.

Biglang pumasok sa loob si papa at lumapit sa akin.

Hinaplos niya ang aking ulo at nginitian ako.

"Ok ka lang ba, anak?"

Tumango ulit ako at nginitian nalang siya.

"Para ito sa'yo, tandaan mo yan. Hmm?" Malambing na paalala niya.

Nginitian ko siya.

After akong check-up-in ni Doc dinischarge na nila ako at napag-isipan nila mama na lumipat na. Nagulat ako dahil hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ng Doc ngunit ang sabi bibisitahin raw ako para unti-unti akong gumaling.

Kaya ngayon naka-empake na kami at uuwi na raw kami sa bahay.

Nakaayos na ang lahat, at kinuha na ni Papa ang mga gamit namin at inalalayan ako ni mama palabas. Sinabi ko ng kaya ko at mauna na siya ngunit ayaw niya akong bitawan kaya wala akong nagawa.

Nasa pinto kami ng kwarto ko at tinignan ko muli ang kwarto. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko no'ng tinignan ko ito.

I feel like I miss something. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa harapan at nando'n si Doc. Railey.

"We'll check up on you on Friday this week. Inumin mo ang mga nireseta ko sa iyo, ha? And i-explain ko ang lahat 'pag nando'n ka na. Mag-iingat ka, Celine." Nginitian niya ako.

"Thank you, po Doc." Ngumiti ako ng kaunti, aalis na sana kami ng tawagin niya ulit ako.

"Celine. . ." Tumingin siya sa'kin at parang may gustong sabihin ngunit tumingin siya kay Mama at hindi niya tinuloy, "Take care."

Nginitian ko nalang siya at nagpaalam na.

Nang makarating sa sasakyan pinaupo ako ni mama sa likod, at si papa ang nasa driver seat habang siya at nasa passenger seat.

"Mahaba-haba ang biyahe, magpahinga ka muna." Saad niya saakin.

Nginitian ko nalang siya at tumingin sa labas. Pinaandar na ni Papa ang sasakyan. The sun's already setting at naghahari na ang dilim sa kalangitan.

Nilingon ko ang hospital na pinaggalingan namin at habang papalayo kami unti-unting sumasakit ang aking puso. A one piece of tear fall from my eyes, pinahid ko ito at hinawakan ang dibdib.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang may naiwan ako?

Bakit parang ang kulang ko?

Nakapatay ang ilaw dito sa loob ng sasakyan kaya hindi nila ako nakikita.

Umiyak ako ng tahimik iniisip kung bakit ako nagkakaganito, hanggang sa dalawin na ako ng antok at hindi namalayan na nakatulog na.

--

Nagising ako ng maramdamang may nagtatapik sa balikat ko.

"Anak, gising na nandito na tayo." Si mama.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang nakaparada na ang sasakyan namin at nasa loob na ang mga gamit.

Lumabas ako at tumingin sa paligid.

May mga bahay na katabi ng bahay namin at may kalsada sa harapan. Gabi na at halos wala ng tao sa paligid. Tinignan ko ang bahay at pumasok na sa loob.

The house was simple, it has a stair, with simple sofa with carpet, it also have 2 rooms here in first floor at isang C.R. sa taas ay may gano'n din. The color of the house is light yellow. Parang modern house ang style ngunit hindi ganoon ang kulay.

"Halika magpahinga ka muna, dito ang kwarto mo." Iginaya ako ni mama paakyat sa taas at binuksan ang unang pinto na madadaanan. "Simula ngayon, ito na ang kwarto mo. Do you like it?"

Pinagmasdan ko ang loob, ang kulay ng mga pader ay sky blue. May King size bed at white ang kulay nito sa tabi niyo ay may coffee table at lamp shade. May maliit na table at upuan sa kanan ng higaan at may mga unan na marami sa kaliwa na may kasama pang nagniningning na mga ilaw. Sa harapan ng higaan ay may maliit na TV, sa side nito ay may nakasabit na violin at mayroon ring balcony.

Lumapit ako sa may violin at no'ng nahawakan ko ito napapikit ako ng biglang may maalala akong memorya.

"Ang galing naman ng anak ko!", proud na sabi ni papa habang pumapalakpak.

Ibinaba ko ang violin pagkatapos tumugtog  at lumapit sakaniya at umupo sa hita.

"Saan ka natuto mag-violin?" Tanong ni papa habnag nakangiti sa'kin.

"Siyempre, kanino pa po ba? Edi sa papa kong magaling!" I said, happily.

My father chuckled.

"Oh, sabi sayo Andelana nagmana talaga sa'kin si Celine." Pagyayabang niya kay mama nang makarating sa amin na may hawak na meryenda at umupo sa tabi namin.

"Sa katalinuhan naman sa'kin!", hindi patalo na sabi ni mama.

"Mali po kayo, kay Celine po kayo nagmana kaya po magaling si Papa na mag-violin at matalino po si Mama natin dahil sa akin!" Masiglang sabi ko.

"Hehe. . ." Dagdag ko pa.

Nagtawanan sila at pinisil ni Papa ang ilong ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Ikaw talagang bata ka!" Sabi ni papa at tumawa ulit.

"At dahil diyan, ipapamana ko na sa iyo ang aking violin." Biglang sabi ni papa and my eyes widened at what he said.

"Po?!. . .akin na po ba 'yon?"

Tumango siya.

"Ibig sabihin po, may sarili na akong violin?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango ulit siya habang nakangiti.

"At hindi lang 'yon ang meron ka, bago ang violin bow mo!" Dagdag ni mama at mas lalong nagniningning ang aking mga mata.

"Po?! Totoo po ba?!"

Tumango siya habang nakangiti at may inilabas na pa-rectangle na maliit na nakabalot ng regalo at iniabot 'yon sa'kin.

Kinuha ko kaagad iyon at niyakap si mama.

"OMG! Thank you Mama!. . .thank you po!"

Bumaling rin ako kay papa at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you Papa! Thank you so much po!" At pinatakan siya ng maraming halik sa pisngi.

Napamulat ako at nakita ko si mama na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Anak, ok ka lang ba?"

"Ma. . .'yong violin," tinuro ko ang violin at tumingin sakaniya. "Ipinamana ni papa sa akin a-at 'yong violin bow regalo niyo po, 'di ba?"

Tumango siya at nagsimulang magtubig ang kaniyang mga mata, "Naalala mo na ba, anak?"

Tumango ako, naluluha na din.

"Opo, Ma." Saad ko at bigla niya akong niyakap.

Naramdaman kong may lumapit sa akin at nakitang si Papa na nakangiti.

"My Celine," bigkas niya at naluluha na rin bago ako niyakap.

Lumapit na din si Mama at niyakap kamaing dalawa.

"Oh, my two musicians." Iyak ni mama.

"Ma. . .Pa. .", at niyakap sila ng mahigpit.

Ilang minuto kaming nag-iyakan dahil miss na miss na namin ang isa't-isa.

Nang makabawi na ay nagsalita si Mama, "Hindi naman siguro tayo mag-iiyakan hanggang bukas, 'no?"

Nagtawanan kami.

"Oh siya, bukas na natin ituloy para makapagpahinga ka na, anak."

Tumango ako, niyakap muna nila ako bago sila magpaalam na magpapahinga na din.

And when they left, loneliness hit me.

--




















Gleam In My GloomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon