Kabanata 8

1.7K 62 41
                                    

Kabanata 8: Disaster

Kanina pa tawa nang tawa si Avery at Callum habang kumakain kami. Bakit kaya ang ingay nilang dalawa? Kung ibang tao ako, iisipin ko na may something sa kanila dahil sobrang malapit nila sa isa't isa.

Magkaibigan lang naman sila kaya natural na 'yon, ang pagiging malapit. Pero iba na ang nase-sense ko kung sumobra naman.

"Iyong tanong mo kanina, Miss Charm, wala pang naging girlfriend 'yan," tukoy ni Callum kay Chaos. "In short, no girlfriend since birth."

Avery chuckled. "Paanong magkakaroon ng girlfriend, eh, palaging galit? Pfft."

"What's the connect? He can change himself!"

They disagree. "Sa tingin mo ba gagawin niya 'yon? Of course not! Alam mo ba kung gaano kataas ang mga ulap, ganoon din kataas ang pride niyan!"

I smirked. "Cloudy pride?" tinagilid ko ang aking ulo.

Napasinghap silang dalawa at napa takip sa bibig habang nagpipigil ng tawa. Nang sulyapan ko si Chaos, seryoso lang siyang kumakain sa isang sulok. Hindi nagsasalita. Ganito ba talaga siya?

Hindi ba siya nakakaramdam ng OP? Hindi rin ba siya nakikisama? Palagi kasi siyang galit.

"Sanay na kami sa kaniya. . . pero may secret kami noong bata kami!"

"Ano?" I asked.

Callum shook his head. "Secret nga, 'di ba? Bakit namin sasabihin?"

Napaayos ako bigla ng upo at napaisip. Oo nga naman. Pero. . . spill the tea mga sissy!

I am curious.

"Busang ang kaniyang nickname noon!" humagikhik si Avery.

Busang? Pota. Malala.

Ako naman. . . Karisma. Ang cute, hindi ba?

Simula noong high school ako, ang name ng FB ko noon ay Karisma Silleza. Gandang ganda ako sa pangalan ko. . . at proud ako ro'n. But I changed it because my adviser was mad about that. Sa tuwing may attendance sa GC namin, ako lang ang hindi nailalagay. Hindi kasi alam ni Ma'am 'yong nickname ko.

Pero ayon sa mga kaibigan ko at ibang tao sa school, mas kilala nila ako sa pangalang Karisma kaysa sa Charm. Ang weird.

"Busang! Pinaikli ng salitang busangot!"

"Palagi kasing busangot!"

Ang astig naman.

Wala silang tigil sa katatawa kahit na kumakain. Puwede naman silang tumahimik 'di ba?

Umiling ako at nagpatuloy kumain.

Ang daming bagay-bagay sa mundo na gusto kong malaman. Kapag ba bumaba ang ulap sa lupa, magiging uldown na siya?

Hindi ko rin alam.

Ngumuso ako at biglang naalala si Kaeton. Uuwi na ba siya ngayon? Sana nga. Pero sinabi niya 'yon kanina.

Wala akong magawa. Miss ko na mga kuya ko.

"A-Avery, may cell phone ka naman, hindi ba?"

She nodded.

"Puwedeng pahiram? Text ko lang si kuya ko, please?"

"Sure!"

Inabot niya iyon sa akin dahilan kung bakit ako napangiti ng malapad! Hindi ako makakapag open! Hindi ko alam password ko sa FB. Kakapalit ko lang kasi. Nakalagay 'yon sa notes ko.

Kaagad akong nag-type ng number upang mag message kay kuya.

Pero nang pindutin ko na iyon. Bigla akong nagulantang sa nakita!

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now