Ika-66

672 15 10
                                    

METEOR POV'

"K-KUYA! Kuya Jayyvine!" Natataranta akong tumakbo palabas ng kotse ng makarating ako dito sa bahay nila Tita Sadi. Napaka daming tao. Nag sisi takbuhan sila dala ang mga importanteng gamit nila. May mga batang na iyak sa gilid. Mukhang na bitawan sila ng kanilang magulang dahil sa pag kataranta na sagipin ang mga gamit nila. Napaka daming bahay na ang na susunog. Kumakalat ang apoy dahil mag kakatabi lang naman ang mga bahay.

Ilang bahay na ang na tupok ng malakas na apoy. Kasama na doon ang bahay nila Tita Sadi. Sunog na sunog na ito. Tanaw na tanaw ko ang bahay nila Tita Sadi na unti unting bumabagsak ang bawat parte ng bahay. Hindi ko na kilala ang bahay nila Tita Sadi. Wala na talagang pag asa na mailigtas ng mga bumbero ang bahay nila Tita Sadi. Talagang na tupok na ito ng apoy. Mangiyak ngiyak akong nag lakad papunta sa kapitbahay namin na nasa gilid.

Naiyak si Aleng Maricel habang buhat ang dalawang taon nyang anak. Naka kapit naman ang panganay nyang anak na nasa limang taon ang gulang. Naiyak din ang bata habang naka kapit sa suot nyang bestida. Kagat labi akong lumapit kay Aleng Maricel. "A-Aleng Maricel. Alam mo po ba kung asan sila Kuya Jayyvine? At Tita Sadi?" Maluha luhang saad ko. Naagaw ng atensyon ko si Aleng Maricel.

Agad syang na palingon sa akin. "M-Meteor?" Maluha luhang saad ni Aleng Maricel ng lumingon sya sa akin. Mabilis akong tumango tango. "O-Opo. Si Meteor po ito. Alam mo po ba kung asan sila Tita Sadi? K-Kailangan ko po silang makita. P-Parang awa mo na po." Mangiyak ngiyak na saad ko. Mag kadikit ang aking dalawang kama'y habang sinasabi ang bawat salitang iyun.

"P-Pumunta silang hospital. Sapag kakaalam ko. May nangyaring krimen sa bahay nyo. M-May na dinig akong sunod sunod na pag putok ng baril sa loob ng bahay nyo. At d-doon na nag simula ang sunog." Mangiyak ngiyak na pagkukwento ni Aleng Maricel sa akin ng mga nangyari. Mukhang hindi nya matanggap ang mga nangyari. Lalo na sa bahay na pinapagawa nya.

Nakatulala padin kasi si Aleng Maricel sa bahay nya na katabi ng bahay nila Tita Sadi. Mukhang hindi nya padin matanggap ang pag kasunog ng mala palasyong bahay. "A-Asan po kayang hospital sila Tita Sadi?" Kagat labing pag tatanong ko. Mabilis na nag kibit balikat si Aleng Maricel. "H-Hindi ko alam Meteor. Ganyan din ang tinanong sa akin ni Jayyvine. P-Pero nakaka siguro akong sa malapit na hospital lang sila pumunta."

"S-Sige po! Salamat po!"

"M-Meteor sandali lang." Mag sisimula na sana akong mag lakad pero hindi ko na nagawa nung biglang tawagin ako ni Aleng Maricel. Taas kilay akong muling tumingin kay Aleng Maricel. "B-Bakit po?" Taas kilay na tanong ko kay Aleng Maricel. Ngumiti ng tipid sa akin si Aleng Maricel. Bago mabilis na umiling iling. "M-Mag iingat ka." Iling iling na saad ni Aleng Maricel.

Mabilis akong napatango. "S-Sige po. Salamat po ulit." Saad ko at binigyan din ng tipid na ngiti si Aleng Maricel. Tinapik ko ulo ng anak nyang si Romel na limang taong gulang palang. Bago ako nag lakad paalis. Mabilis kung minaneho ang kotse ng makasakay ako rito. Agad akong nag tungo sa malapit na hospital. Napaka bilis ng hakbang ng dalawang paa ko ng makababa ako sa kotseng sinakyan ko. Patakbo kung pinasok ang hospital. Habol hininga akong nag tanong sa nurse. Sinabi ko isa isa ang pangalan ng mga Tita.

Nang banggitin ko ang pangalan ni Tita Lufti ay agad na nag salita ang nurse na nasa emergency room daw si Tita Lufti. Agad akong nag pasalamat sa nurse. At agad na tinungo ang emergency room. Napaka bilis ng takbong ginawa ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung makita ko si Kuya Jayyvine na naiyak sa may pintuan ng emergency room. Kasama nya si Tita Sadi at Tita Atalie na naiyak din sa tabi nya.

Nasa labas sila ng emergency room. A-At hindi nila kasama si Tita Lufti. Asan si Tita Lufti? A-Asan sya? Anong nangyari? Bakit nag kasunog? Bakit nandito sila sa hospital? Wala naman sigurong masamang nangyari kay Tita Lufti diba? Wala naman sigurong m-masamang nangyari diba? P-Pero bakit andito sila sa labas ng emergency room. Bakit andito sila? B-Bakit?

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon