Chapter 18

51.8K 1.2K 326
                                    

Sea Without Waves

Hard

"Fine..."

"Fine what?" nanliit ang mga mata ko.

"Fine I'll... study," he looked at my crossed arm and caressed it.

"You are so clingy," iling ko sa sarili.

"I'm gonna missed you when I'm there. Malayo, Ashtraia," halos dasal ang pagkakabigkas niya.

"Then long distance!" giit ko nang matalim siyang nilingon.

His eyes widened. "Long... distance? So we're couples?" he looked so hopeful.

Ngayon naman ako ang natigilan. Umiling agad ako.

"God... Ang rupok mo naman! Hindi dapat ganyan, Draven. Ang bilis bilis mong mauto sa babae. You are smart. Hindi dapat ganito na mabilis kang mababali para lamang sa babae. Sinisira mo ang pangarap mo!"

Umiling siya. "Magtatrabaho lang naman ako, Ashtraia. Hindi ako mag-aadik."

"Anong hindi? Eh adik kana nga sa babae," halos mapairap ako.

He chuckled a little. Mariin ko siyang tiningnan dahil seryoso ako. Ngumuso siya at binasa muli ang labi para magseryoso.

Iba ang pinoproblema ko kanina, na baka makahanap siya ng iba roon ngunit iba na pala ang takbo ng isip niya. Ganito na pala ang binabalak.

It wasn't worth it! I am not even his girlfriend! Sumusugal siya sa akin? Sa babaeng kilalang kilala sa buong lugar na hindi matino? Is he kidding me? Seseryosohin niya talaga ito?

Noong una iniisip ko na baka naghihiganti ang isang ito kaso habang tumatagal ay parang lumalayo na sa iniisip ko ang tunay niyang pakay. O baka naliko lang ang plano nito dahil nawili sa mga halik ko? Sa pinaggagawa namin?

"Nasarapan ka lang sa akin nakalimutan mo na agad ang pangarap mo," giit ko at iritang irita pa rin.

Draven caressed my lowerlip softly using his thumb. Malalim at nanghihila ang kanyang paninitig. I can almost see myself in his eyes.

"That's not my main reason," aniya ngunit umiling agad ako.

Ayokong marinig ang mga plano niyang nakasentro sa akin. Ayokong malaman na ginagawa niya ito dahil nandito pa ako. His charm won't work on me.

"Kahit matigang ako habang wala ka ayos lang sa akin. Chase your dreams instead of chasing me you bastard—"

"What do you mean?" bigla siyang natauhan at ngayon ay napaahon pa ang tingin sa aking mga mata.

"I said chase your dreams—"

"No. The first one."

Suminghap ako. I don't want to give him false hopes but I am such a liar if I didn't admit to myself how much I want him. It's lust. This isn't love.

"Wala kang balak tumikim ng iba habang wala ako ganoon ba?" he whispered.

Iyon pa ba ang concern niya ngayon? Maybe the pleasured shock him? Baguhan siya at noong makatikim ay para nang asong nauulol na sunod na lamang nang sunod.

My jaw clenched and looked away. Draven caressed the side of my waist softly. He crouched and brushed his nose against my nose. I shut my eyes and sighed.

"What is it that you want hmm?" bulong niya sa aking labi.

Fuck it.

"Don't flirt while you're in Manila," deri-deritso kong sabi.

He nodded obediently. "I won't."

Sa isang iglap ay napanatag agad ako. Kahit hindi pasado sa akin ang mga halik niya, gusto ko naman iyon. Kaya nang pagtiisan.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon