Chapter 13

2.4K 95 0
                                    

CHAPTER 13


MAG-KATABI na nakaupo si Coldy at Nightmare sa sopang kaharap ng ina ni Coldy. Tama, ina ni Coldy ang nakahuli sa kanila.



"How the fbck did she know that I'm here? Damn it!" mura ni Coldy sa kaniyang isipan. Mukha lang siyang hindi bothered pero sa loob loob niya, para na siyang sasabog sa inis. Kilala niya ang ina niya, tiyak na iba na ang nasa isipan nito.

"Mom, I--

Itinaas ng kaniyang ina ang kanang kamay nito. Senyales na kung ano man ang sasabihin niya mas mabuting huwag nalang niyang ituloy.

" Coldy, anak, hindi kita pinalaking ganiyan. Kung gusto mo pala si Nightmare, dapat ay inalok mo muna siya ng kasal bago niyo ginawa ang bagay na 'yun. I'm so disappointed, anak. Pinalaki naman kita ng maayos pero bakit ganiyan ka."


Magsasalita sana ulit si Coldy pero dahil sa talim ng tingin ng ina niya sa kaniya, minabuti niyang manahimik nalang. Hinarap naman ng ina niya si Nightmare na sa ikinagulat niya ay umaakto na namang naiiyak.

"Mommy, nakita niyo naman po diba? Inakit po ako ng anak mo kaya kami humantong sa ganoong sitwasyon. Mommy, papanagutan niya naman po ako, diba?"


Hinawakan ng ina ni Coldy ang kamay ni Elijah habang hinihimas himas ang likod nito. Nginitian siya ng reyna saka tinanguan. Naalarma naman ang binata. Aalma sana siya ng pukulin na naman siya ng matalim na tingin ng kaiyang ina, para tuloy umurong ang dila niya. Palihim na napangisi naman si Elijah.




"Huwag kang mag-alala ija, mamaya din ay pupunta kami sa inyo. Mamamanhikan kami. Hindi maaaring takasan ng anak ko ang responsibilidad niya sayo. Dahil kung hindi, itatakwil ko siya bilang anak ko."


Naiiyak na niyakap ni Elijah ang ina ni Coldy. Sa pagkakataong ito, totoong naiiyak na talaga siya.


"Haluh, dream come true na ba is this?"


"Mommy, thank you so much. The best ka po talaga kaya love na love po kita."


Nakangiting tumango ang reyna habang nasa bising niya si Elijah. Mahigpit ang yakap ni Elijah sa reyna, napaka bait kasi nito. Ang gaan pa ng loob niya dito.

Padabog na tumayo si Coldy. Kung wala lang ang ina niya baka nasakal na niya si Elijah. Kung ano anong kasinungalingan ang pinagsasabi nito.


"Mom, naniniwala ka ba talaga sa babaeng yan? E baliw yan. Natulog lang kami."


Tinaasan siya ng kilay ng kaniyang ina. "Natulog lang kayo? So pag matutulog ng magkasama kailangan may pahalik sa umaga? Gawain ba yun ng natulog lang? At bakit ba kayo magkasama? Aber, sige nga." hindi naman nakasagot si Coldy. E sa hindi niya alam kung anong isasagot niya sa ina niya e.



Inis na lumabas si Coldy, sinubukan pa itong tawagin ng ina niya pero hindi man lang ito lumingon. Humihingi ng paumanhin natinitigan ng ina ni Coldy si Elijah.





"Ayos lang po, mommy, sanay na po ako kay papi ko."



Nagkwentuhan pa sila hanggang sa magpaalam na siyang uuwi na. Napanguso siya ng wala ang papi niya para ihatid siya pauwi kaya wala na siyang nagawa ng inalok siya ng ina ni Coldy, sumabay nalang siya dito. Wala naman siyang Choice e. Iniwan siya ng papi niya.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon