Chapter 23

3.6K 87 8
                                    

"Mommy, pwede bang hindi ako pumasok ngayon sa hospital?" tanong ko habang nasa sala siya, naghahanda na sa pag-alis.

"Okay, baby." ngumiti siya.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo ba ako tatanongin kung bakit?" tanong ko.

Tumawa siya saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko at marahang pinisil.

"You're a fine woman already, Devougne. I trust you." aniya.

I sighed heavily.

"I'm sorry, mommy. Alam kong andami ko ng pagkukulang sa ospital. I promise, huli na to." ngumiti ako.

She smiled back at me.

"Fix everything you can still fix. Para walang pagsisihan sa huli."

Tumango ako sakanya.

"I will, mommy."

Nang makaalis si mommy ay agad akong umakyat sa kwarto para magbihis. Alas syete palang ng umaga. Nang matapos akong magbihis ay agad akong kumain. Pagkatapos ay dumiretso ako sa parking lot kung saan nakalaagy ang kotse ko.

Bumuntong-hininga ako ng makapasok sa kotse. Ngayong araw na to, susubokan kong ayosin ang lahat. Ang relasyon namin ni Kyvex. Kung saan ako nagkamali at kung bakit bigla siyang nanlamig. Kailangan kong malaman para naman alam ko kung ano ang pwede kong gawin.

Nang kumalma ay saka ko pinaandar ang sasakyan. Mahigit dalawang oras ang byahe papunta sa kompanya ni Kyvex. Unang beses kong pumunta doon. Hindi ko maiwasan ang kabahan.

Habang nagmamaneho ay maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Mas lalo lang akong kinakabahan. Paano kung wala siya doon? Paano kung ayaw niya akong makita? Paano kung galit parin siya? Mababaliw na ata ako kakaisip sa kung anong pwedeng mangyari.

Nang makarating ako sa kompanya ay hindi agad ako lumabas ng kotse. Parang nagkakarera sa lakas ng tibok ng puso ko. Halos nahihirapan akong huminga.

"Calm down, Devougne." bulong ko sa sarili.

Nakalipas ang ilang minuto at kumalma ako ay saka ako lumabas ng kotse. Habang naglalakad ay humihinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya pag nakita ako. Mas lalo lang akong kinakabahan habang iniisip yun.

Pumasok ako sa kompanya at dumiretso sa receptionist. Ngumiti ito sa akin kaya tipid ko ding nginitian pabalik.

"Hi ma'am, what can I do for you?"

I sighed.

"I'm looking for Engineer Kyvex Beaumont De Leon." sabi ko.

May tinignan siya saglit bago lumingon sa akin.

"Nasa meeting pa po si Engr. De Leon, ma'am. May appointment po ba kayo?" magalang niyang tanong.

Naiilang na umiling ako.

"Wala akong appointment. Is it okay if you call him and tell him I'm here?" malungkot kong saad.

Mukhang napansin niya ang lungkot ko dahilan para lingonin niya ang kasama. May binulong siya dito kaya agad lumingon sa akin ang babaeng kasama niya.

"If you don't mind ma'am, pwede ko po bang malaman ang pangalan niyo at kaano-ano niyo si Engineer?" tanong niya.

Nagulat ako kaya hindi agad ako nakasagot. Nang makabawi ay tipid akong ngumiti saka tumango.

"I'm Devougne Hasiah Carter, his girlfriend." I said.

Nalaglag ang panga nilang dalawa sa sinabi ko.

"Ah why?" kinakabahang tanong ko.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon