Chapter 12

25.8K 822 153
                                    

Nakalapit na ako sa kanya at agad niyang tinanong kung ano yung binili ko.

" Ano yang binili mo?"

" Blank tapes."

" Huh? Bakit blank? Anong papakinggan mo kung walang laman?"

" Hindi ko rin alam. Basta binili ko nalang."

Tinitigan niya ako ng weird habang umuupo ako sa tabi niya. Kumakain pa rin siya ng ice cream nang biglang nag ring ang phone niya.

" Hello ate? Uhmm yes po. I'm here sa mall kasama yung friend ko. Oh is that so? Sigi ate I'll be waiting outside nalang po."

Kausap niya sa kabilang phone. Nakikinig lang ako sa kanya. Nang maputol yung call ay agad siyang humarap sa akin.

" Beh, sorry ah kailangan ko na kasing umalis eh. Pinapauwi ako ng step sis ko may emergency kasi sa bahay namin kailangan ko umuwi."

" Wait. Don't tell me iiwan mo'ko dito mag-isa? Hindi ko alam ang daan pauwi!"

Sabi ko at sumunod sa kanya, nagmamadali na kasi siya eh.

" Sumakay ka nalana ng taxi beh, sabihin mo yung school at alam na ng driver yun."

Sabi niya at binigyan ako ng isang daan. Wala na akong nagawa nang pag tingin ko sa harap ay wala na siya.

" Damn it!"

Inis kong saad at lumakad na sa labas para sana mag abang ng taxi at uuwi na ako nang may makabunggo sa akin.

" Ay, naku. Pasensya ka n- Kai?!"

Handa na sana akong magmura nang makilala ko sino ang nakabungguan ko.

" Old man? What are you doing here?"

Nagtaka ako at agad nagpalinga linga sa paligid at hinanap ko kung sino ang kasama niya.

" Are you with my father?"

Tumawa siya at umayos ng tayo bago ako sinagot.

" Ah eh,hindi Kai. Pinag day off niya ako kaya wala akong duty ngayon. Narito ako kasi iginala ako nang anak ko at bonding daw muna kami."

Anya habang nakangiting nakaharap sa akin, pansin ko rin na hindi siya naka uniform at casual na outfit lang yung suot niya.

" Ah, kaya pala. I'm also here with my friend kaya lang nauna na siyang umuwi. "

" Ganun ba, eh kumain ka na ba Kai?"

Tanong niya sa akin at sasagot na sana ako ng may biglang nag salita sa likod ko.

" Pa? Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.."

Agad akong natigilan nang makilala ko yung may-ari ng boses na iyon. Agad siyang lumapit sa gilid ni old man at nagulat siya ng makita ako..

" M-Ma'am?"

" Ms. Hendrix.."

" Magkakilala kayo nak?"

Naguguluhan akong tumingin kay old man at kay ma'am.

" Ay, oo nga pala. Kai, ito si Vanessa nagiisang anak ko. "

" You know her, Pa?"

Tanong ni ma'am sa ama niya. Hindi pa rin ako nakaimik at tulala lang ako kay ma'am.

" Oo,kilalang kilala ko siya, ako na ang nag bantay sa kanya simula noong bata pa siya."

Sabi ni old man sa anak niya habang nakangiti. Hinawakan niya ang ulo ko at tinap ng bahagya.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon