21

1K 30 10
                                    

21


They say there are days whereas your patience would be tested. In my case, that day is today.

''Anong silbi ng utak mo kung hindi mo ginagamit?''

Umirap ako at binunggo siya bago nilagpasan. Ilang araw na akong kinukulit ni Chico. Tang ina. Nakakairita. Sinabi ko nang 'wag siyang lalapit sa akin pagkatapos ng ginawa niya, tapos ngayon, nandito siya sa harapan ko at ginagambala ako?

''Humihingi lang naman ako ng tawad, Joshien...''

Humarap ako at pinagtaasan siya ng kilay. ''Hindi ako palengke para tawaran mo, gago. 'Wag ka nang lalapit sa akin! Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo 'yan!'' Tinulak ko ang dibdib niya. Halos maputol na ang ugat sa ulo ko dahil sa iritasyon. ''Pagkatapos mo 'kong lokohin. Tangina ka. May anak ka na, 'di ba?!''

''Bakit ba pinapamukha mo na ako lang ang may kasalanan? Ha? Sobrang busy mo, Joshien! Hindi mo na ako nare-reply-an, minsan na lang tayo magkita sa isang linggo. Madalas nga, hindi na e. Para akong walang girlfriend! Kaya sa iba ako nagha-''

''Fuck you! Isang lapit mo pa, tatadyakan ko 'yang titi mo!''

''Joshien!''

Aambahan ko pa lang sana siya ng suntok ngunit hindi natuloy dahil sa paglingon ko sa tumawag. It was Ligaya. Halos pa-takbo na ang lakad niya. Katulad ko, iritado rin siya.

''Hayaan mo na 'yan. Pangit naman 'yan! Papansin!'' Minatahan niya si Chico. ''Tara na, Joshien. Baka humaba pa pila sa LRT,'' bulong niya. Hinablot niya na ako ngunit bago ako magpa-agos ay pareho naming pinandilatan si Chico. Nakapamewang lamang siya at napakamot ng ulo, parang iritado.

Ang kapal ng mukha! Siya itong nag cheat, tapos kasalanan ko pa? Is it my fault to prioritize my studies and my priorities more than him?

Sinabi ko na sa kaniya, paulit-ulit na nakakasawa na. Kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagiging student assistant, at hindi ang kagustuhan niyang makipag-date kahit alam niyang bawal akong lumabas sa trabaho. Kapag ba nawala ako sa pagiging S.A, sasagutin niya ang tuition ko?

Bukod do'n, kailangan ko rin samahan si nanay ng ilang oras sa palengke, at abala ako tuwing gabi sa mga kailangang tapusin na school requirements. Gustuhin ko mang makita o kausapin siya bilang boyfriend ko noon ay hindi ko magawa dahil sa mga responsibilidad na naghihintay sa akin.

I offered him a break up. He declined! I even repeatedly told him it's the best choice, but he think it was not! Sabi niya naiintindihan niya. Ang sabi niya'y maghihintay siya sa akin. Only for me to wake up one day with a scandal involving him! Tuwing iniisip ko iyon ay para akong sinisilaban sa galit. Nanginginig ako tuwing naaalala ang mga kasinungalingan niya. Tang ina! Nakakagalit!

Ayoko talaga sa mga sinungaling. Tang ina!

''Tama na 'yan, Shien. Sabi naman kasi namin sa 'yo ni Saddie na i-report mo na 'yang si Chico eh. Graduating na rin siya, 'di ba? I-report mo na kasi. Sasamahan kita. Hindi niya naman deserve maka-graduate e. Hina-harass ka na eh!''

"Tapos ano? Trabaho na naman sa akin? Kapag ni report ko 'yong gagong 'yon, kakainin lang ang oras ko, Ligaya. Saka dean 'yung tatay niya sa engineering department. Kukunsintihin lang ng mga gagong professors 'yun.'' Hinawakan ko ang nakasabit kong bag sa balikat nang maigi at saka patuloy na naglakad.

Binuksan ko saglit ang phone ko para tignan kung may na receive ba akong text. Wala pa rin.

Patuloy na lamang akong naglakad sa labasan, mainit pa rin ang ulo. Hindi naging maganda ang break up namin ni Chico. It was bad. Everyone had their own opinion of his scandal and our relationship before.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now