CHAPTER 12 : IS HE OWNING ME?

60 1 0
                                        

Humihikab ako habang naglalakad. I really hate morning classes.

Pinupunasan ko pa ang mata ko nang matanaw ko si Paulo na nakasandal sa puno sa may catwalk ng school.

May hawak itong sigarilyo.

Nagtama ang mga mata namin.

Humits siya ng isang beses at binuga ang usok bago tinapon ang yosi at tumakbo papalapit sa akin.

Hayaan na naman ang fiesta sa loob ng puso ko.

Mabilis akong tumalikod dahil hindi ko alam paano siya haharapin.

Syempre magkaiba naman ang video call at ang personal.

"Agassi" sigaw nito sa pangalan ko pero di ko siya nilingon.

"Ms. Perfect" sigaw muli nito na nagpangiti sa akin pero kahit kinikilig sa tawag niya sa akin ay hindi ko pa rin siya nilingon.

Natigil lang ako sa paglalakad nang biglang lumitaw si Paulo sa harapan ko na hinihingal at nakataas ang kilay.

"Why are you avoiding me?" tanong nito

"Uy, Paulo! Ikaw pala di kita nakita" pagsisinungaling ko dito

"Talaga? Hindi mo ko nakita?" sabi nito at humakbang palapit sa akin.

Agad naman akong umatras.

"Oo nga" nauutal kong sagot dito dahil hindi siya tumitigil sa paglapit sa akin kaya naman atras din ako ng atras.

"You're nervous" ngayon ay pilyo na siyang ngumiti.

Nanlaki ang mata ko nang lumapat na ang likuran ko sa dingding.

Wala na akong maatrasan.

"I'm not" sabi ko dito at inis na hinampas ang dibdib niya.

"Ano ba?! Lapit ng lapit! Laki laki ng catwalk oh" iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sobrang lapit na namin sa isa't isa

Naikuyom ko ang aking mga kamay nang itukod niya ang kamay niya sa dingding.

Ngayon ay napapagitnaan na ako ni Paulo at ng dingding.

Nagtama ang mga mata namin.

Amoy na amoy ko ang pabango ni Paulo na mas nakakapagpagwapo sa kanya at ang amoy mint nitong hininga dahil sa mouth spray na ginamit.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi at naalala ko na naman ang paghalik na ginawa ko dito. Ipinikit ko ang aking mata at ipinilig ang ulo para mawala ang memoryang iyon.

"You remembered" napadilat ako at napatingin dito. Pilyo itong nakatingin sa akin.

"Ang alin?" pagpapatay malisya ko dito

"What you did to me in the Night District" nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na ang halik ang tinutukoy nito.

"Wala akong naaalala. I was wasted that night" sinunod ko ang payo ni Amber.

Paulo chuckled bago nito inilibot ang mata sa aking mukha at huling idako yun sa aking labi.

"Then let me make you remember" mapang akit nitong sabi at walang sabing tinawid ang pagitan ng aming mga labi.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at napataas ang dalawa kong kamay.

I looked at Paulo and his eyes are closed.

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko at mukhang naramdaman din yun ni Paulo dahil mabilis niyang ipinulupot ang kamay niya sa aking beywang at hapitin ako palapit sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WE FALL : (Can't Help Falling Inlove With You)Where stories live. Discover now