KABANATA XIV: THE TWO PERSONA

61 2 0
                                    

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Xiaoyue, kailangan niyang makagawa ng paraan upang makapunta muli sa Blossom Sanctuary at makausap ang nagmamay ari ng katawan niya or should I say her other persona.

Nagpapahinga na ang lahat subalit heto siya nakatitig pa rin sa salamin habang binabasa ang diary. Kahit na wala naman siyang mabasa mula rito na patungkol sa pagbalik ng espiritu sa Sanctuary. Sapagkat bukod sa liham ng kanyang lola doon ay wala ng ibang laman iyon kundi ang mga nararamdaman ni Yue'er sa dating kasintahan na si Prinsipe Zhi Tian, ang nakatatandang kapatid ng kanyang asawang si Prinsipe Zhi Cheng at siyang asawa ng kapatid niyang si Chen Jian.

This is frustrating, kapag talaga nakabalik ako doon sasabunutan ko ang bruhang iyon eh pinahihirapan niya ako!

She was about to throw away the diary out of frustration but all of a sudden an idea comes onto her mind.

What if pahiran ko kaya ng dugo ang bulaklak na ito? Baka sakaling gumana ulit gaya nung huli.

Walang patumpik tumpik niyang kinuha ang maliit na karayom na ginagamit niya sa pagbuburda at tinusok ang kanyang daliri upang dumugo iyon at dahan dahang ipinahid sa bulaklak and it worked. Nakaramdam siya ng antok matapos iyon subalit parang may kakaiba na tila ba kung saan na naman dinadala ng kung ano ang kanyang diwa. At makalipas ang ilang saglit ay tila na punta na siya sa lugar na matagal na niya gustong mapuntahan.

The Blossom Sanctuary...

(Photo used from pinterest)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photo used from pinterest)

Sinalubong siya ng isang nakangiting si Yue'er na tila ba inaasahan na nito ang pagdating niya. "Xiaoyue natutuwa naman ako at nakabalik ka"

"Oo tama ka may sadya ako sa'yo at alam kong higit kanino man ay ikaw lamang ang makakasagot"

"Kung gayun ay sige lang at magtanong ka makikinig ako at sasagot sa lahat ng iyon"

Napanatag naman si Xiaoyue sa sinabing iyon ni Yue'er. Isinalaysay niya ang mga nangyari rito at mga bagay na bumabagabag sa kanya at wala siyang narinig mula kay Yue'er hanggang sa matapos siyang magsalita.

"Kung gayon, unti unti na palang napapalapit ang loob mo sa prinsipe tama ba ako?"

"Ipagpagpaumahin mo subalit, oo alam ko na hindi dapat pero..."

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman niya subalit hindi niya maitatanggi ang katotohanan. "Hindi, wala kang dapat na ihingi ng tawad, gaya ng sinabi ko noon ikaw at ako ay iisa naisip ko na ang mga mangyayari bago pa man maganap kaya wala kang dapat na ipag-alala"

"P-pero..."

"Wag mo na lamang muna iyong alalahanin, Xiaoyue may mas mahalaga akong nalaman tungkol sa bulaklak. Kailangan mong pagkaingtan ang iyong katawan wag mong hahayaang masugatan ka dahil maari mong ikapahamak kapag may nakaalam na ikaw ang tagapangalaga ng Blood Blossom pinaghahanap ng Dark Emperor ang tagapangalaga nito at ang bulaklak. May kakaiba sa dugo ng tagapangalaga nakagagamot ito hindi lamang ako sigurado kung anong karamdaman o lason subalit ingatan mo na huwag kaang masusugatan kung ayaw mong mapahamak"

Hindi ma nagulat si Xiaoyue sa mga narinig sapagkat ang ibig sabihin lamang niyon may impornate talaga siyang misyon na hindi dapat balewalain. "Bukod pa riyan kailangan mo rin na magsanay hindi lamang ng martial arts, kailangan mo ring matutu sa pag-gamit ng iyong panloob na kapangyarihan makakatulong iyon sa'yo sa mga darating na panahon"

"Sabihin mo paano ko iyon gagawin kung walang gagabay sa akin? Ni hindi ko nga alam kung ano ang kapangyarihan na sinasabi mo eh"

Yue'er smirks and that made Xiaoyue annoyed. "Wag ka mag-alala may kilala akong makaktulong sa iyo, sa pagkakaalam ko na Dongyue na rin siya, si Master Wong ayon sa mga nabasa ko siya ang pinaka magaling na master sa angkan ng mga tagapangalaga sa nakalilipas ng tatlong daang taon"

Seriously sinong tao ang mabubuhay ng ganun katagal?

"Seryoso ka diyan? At saan ko naman siya makikita?"

"Hindi ako sigurado subalit sa pagkakaalam ko ginagamit niya anyo ng isang lasenggong pulubi upang hanapin ang susunod na pinuno ng kanilang angkan ikaw ang babaeng isinilang kasabay ng pamumukadkad ng Blood Blossom, subalit mag-iingat ka sapagkat nagkalat rin sa ganoong anyo ang mga kalaban nais ka nilang paslangin kapalit ng iyong dugo upang i-alay sa paglaya ng Dark Emperor"

Mas nadagdagan pa ang pag-aalala ni Xiaoyue alam niyang kasing mas mahirap sitwasyong kinakaharap nila at may nais pa siyang itanong ng biglang hawakan ni Yue'er ang kamay niya kung nasaan nakalagay ang Blood Blossom.

"Hindi ka palaging makapupunta rito kaya naman hayaan mong tulungan kita gamit ang bulaklak na ito nagliwanag ang bulaklak at naging dalawang magkatulad na pulseras ang isa ay ang kanya na lila at pula sa gitna, samantalang kabaliktaran naman ang ikalawang pulseras pula ang kulay ng mga talulot nito at lila naman ang gitna.

"Gamit ang mga ito makapag uusap tayong dalawa gamit ang ating mga isip, paalam Xiaoyue wala na tayong oras kailangan mo nang bumalik hindi ka na maaring magtagal pa o iisipin nilang patay na ang ating katawanng lupa"

Ani nito at bigla na lamang siyang itinulak palabas at ilang saglit pa ay tila nakabalik na nga siya sa reyalidad subalit hindi na sa posisyon niya kanina sa harapan ng salamin sapagkat ramdam niya na parang nakaangat ang katawan niya at ng bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata ay ang Prinsipe ang kanyang nakita. Kaya pumikit siyang muli at nagpanggap na tulog pa.

"Higit kanino man ikaw ang aking consort, mas pahahalagahan kita at hinding hindi kita ibibigay sa kanya, siyang man ang una mong minahal ako naman ang asawa mo, Chen Yue ipagpatawad mo kung ipagdadamot kita sa sino mang magnanais na agawin ka..."

Ani nito ng maihiga siya ng maayos sa kanyang higaan, hindi niya naunawaan ang sinabi nito subalit tila ba nakadama siya ng tuwa iba sa naging reaksyon ni Yue'er. At inakala niyang aalis na ng ito matapos siyang iayos nito subalit nagulat siya sa sumunod na nangyari nagtangal ito ng sapatos at nahiga sa kanyang tabi kaya mas lalo siyang kinabahan. Subalit ng maluwag ng wa naman itong ginagawa bukod sa pagtulog kaya ganun na lamang rin ang ginawa niya.

Patawarin mo ako sa nararamdaman ko Yue'er, subalit kung nais niya ako para kanyang sarili ay malugod ko iyong ibibigay ng walang pag-aalinlangan...

Xiaoyue, ramdam ko ang iyong pagnanais kaya patawad din kung mahihirapan ka subalit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya sana maintindihan mo, subalit kung mapatutunayan ng iyong prinsipe ang pagpapahalaga at pag-iingat niya sa iyo na higit sa nagawa ng lalaking minamahal ko papayag ako sa gusto mo..

Xiaoyue, ramdam ko ang iyong pagnanais kaya patawad din kung mahihirapan ka subalit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya sana maintindihan mo, subalit kung mapatutunayan ng iyong prinsipe ang pagpapahalaga at pag-iingat niya sa iyo na higit s...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
His Royal Mistress (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon