Kabanata 24

1.6M 45.2K 24.7K
                                    

Kabanata 24

Peace Offering

Hinayaan ako ni Jacob na deadmahin siya. Isang buwan ko siyang dinideadma, kinakausap lang kung may sadya at lahat ng tanong niya oo o hindi lang ang sagot. Wala din naman siyang imik sa buong buwan na yun pero ginagawa niya ang lahat para makausap niya ako ng at least once a day.

"Rosie, one-fourth sheet bah?"

Tango lang ako.

"Rosie, kelan natin gagawin yung thesis?"

"Next month."

"Rosie... dito ka ba kakain mamaya?"

"Di."

"Congrats nga pala kay Maggie ah, nakapasok siya sa J.A."

Walang imik. Ganyan araw-araw. Si Maggie ay nag apply ng isang trabaho sa Juan Antonio Food Corps. Sure ako na si Mama ang nag encourage sa kanyang doon mag trabaho nang masubaybayan si Jacob... whatever! Sabi ni Maggie, pang matrikula niya raw next year yung pag iipunan niya. Bakit? Mag cocollege siya? Di nga kami makabalik ng Maynila. At kung babalik man siya, pwede ba akong sumama?

Ugh! This is the worst place ever! I hate this place! I hate my life! I hate people! Kahit na mejo sumikat talaga ako dahil sa Ms Intramurals na yun, narealize parin ng mga tao na di ako ganun ka welcome sa mga nagiging fanatic sakin.

"Rosie, na add na kita sa Facebook! Confirm mo ah?"

Facebook? Talaga palang masyado kong minamaliit ang Alegria... Kilala pala nila ang Facebook! Well, may signal dito pero yun nga, masyadong mahina. Pero mamaya mag papaload ako nang makita kung makakapasok ba ako sa Facebook.

Araw-araw nakikita ko ang mukha at ngiti ni Jacob na sumisigaw ng HELL-YEAH-I'M-FILTHY-RICH-AND-YOU'RE-NOT-SO-TAKE-YOUR-BROKE-ASS-HOME - at lagi akong nababadtrip lalo na pag dumadapo ang paningin niya sakin.

"Nag away ba kayo ni Jacob?" Naninibago parin ako sa mukha ni April ngayong nakalugay na ang straight niyang buhok, wala ng nerdy glasses at may lip gloss na sa labi.

"Huh?"

"Kung iniiwasan mo siya, wa'g kang mag alala, tutulungan kita."

Malaki ang naitulong ni April sa pag iwas ko kay Jacob. Tuwing hinihintay ako ni Jacob pagkatapos ng klase ay tinatawag niya ito saka ako nakakatakas. Pero habang tumatagal di ko alam bakit pero naiinis na lang ako.

Isang araw sa library period namin para sa thesis, hindi na talaga ako pinansin ni Jacob. LIBRARY PERIOD SA THESIS KAYA DAPAT NGAYON TAYO GUMAGAWA NG THESIS DIBA? Pero hindi... kinakausap niya, animatedly, si Eunice.

Nagtawanan silang dalawa at minsan ay nasisita ng librarian pero mukhang mas ikinatuwa pa nila ito. Nasa tabi din ni Jacob si Leo at si Luis. Samantalang sa gilid ni Eunice ay nandoon si Rica at Sheena. Si Teddy naman ay nasa harapan nila na tinitignang mabuti si Eunice na para bang naiinis. Kaharap ni Teddy ang limang malalaking libro at para bang may hinahanap.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon