Chapter 17

2.2K 71 1
                                    

CHAPTER 17

INILAPAG ni Elijah sa harapan ni Coldy ang platong may laman ng strawberry sliced cake saka isang basong ice tea.




"Ano nga palang ipinunta mo dito, papi?" nagtataka kasi siya. Anong klaseng espirito ba ang sumapi sa papi niya at naisipan nitong dalawin siya. Wala naman siyang sakin.



Hindi siya sinagot nito. Nag kibit balikat lang ito saka sinimulang kainin ang sliced cake.




"Bakit ba hindi ka sumasagot? Hah! Uy papi!"




Niyugyog yugyog niya pa ang balikat nito pero ang hudyo, tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa magkabilang balikat nito.




Magtatanong pa sana ulit siya ng sumulpot ang dalawa niyang epal na kapatid. Naupo ang nga ito sa kaliwa at kanang upuan na nasa tabi ni Coldy. Napapagitnaan ng dalawa si Coldy.



Naningkit ang mga mata niya ng akbayan ni Demon You si Coldy. Ang kapal ng mukha nito para akbayan ang papi niya. Mamaya mahawaan pa ito sa kademonyohan nila. Hmp.




"Pwede ba, Demon You, tanggalin mo yang braso mong nakaakbay sa papi ko. Kitang kumakain yung tao oh, respeto naman." inis na sabi niya dito. Naningkit ang mga nata ni Demon You. Binabalaan siyang itikum ang bibig niya at dahil masunuring bata siya, nagsalita ulit siya." Bakla ka siguro, 'no? Balak mo pa yata akong agawan e. Pasimple ka pa. Kunyari akbay kaibigan lang yun pala akbay ka-ibigan na."





O_______o




"WHAT THE FVCK!?"



Mabilis na inautan ni Elijah ng tubig ang papi niya ng mabulunan ito. Hindi niya pinansin ang kuya niyang napasigaw habang nagmumura. Dakilang epal sa love life niya.





"What the hell are you talking about?" seryosong tanong ng kuya Demon You niya.





Tumayo siya saka namaywang sa harapan nito. "What I'm saying is stop being a panira sa love life you. Like, duh! Yan ba ang effect ng walang jowa? Nagiging epal sa relasyon ng iba?"






Mabilis na dumako ang tingin ni Demon You kay Bae Lhat ng marinig niya ang mahinang pagtawa nito. Nang mapansin nito ang masamang tingin niya, umakto itong parang wala lang.





"You brat, I'm not being epal or so whatever you call it. I'm just making sure that you and this guy" saka niya tinuro si Coldy na tahimik lang. Buti pa si Coldy tahimik lang. "Will not do some things that ain't right for your age."




Lumalim ang gatla sa noo ni Elijah. "Something like what?"






Umubo ubo si Bae Lhat. "Something very ahm.. Pfty, hahahaha. Ikaw na nga magsabi kuya. Natatawa ako."





Tinapik pa ni Bae Lhat si Demon You sa braso. Hinimas naman ni Femon You ang braso niya, napalakas kasi ang hampas ng sira ulo niyang kapatid sa braso niya. Nag peace sign naman si Bae Lhat ng mapansin niya ang masamang titig ng kuya niya sa kaniya.





Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon