CHAPTER 9

34.8K 1.8K 2.7K
                                    

2 years after


"O ayan, sahod mo. Salamat sa serbisyo mo ha?"

Hindi makapaniwalang tinignan ko ang Donya na siyang may-ari ng Building na nililinisan ko. "70 pesos l-lang po?"

"Bakit? Nag rereklamo ka?" tumaray anyo nito.

"M-madam, parang awa nyo na. Halos buong floor ng building nyo nililinisan ko. Ako na nga halos nagta-trabaho kasi panay lang cellphone 'nong iba dyan. Parang h-hindi naman po makatao na bibigyan nyo lang a-ako ng ganito kaliit na bayad."

Mas lalong tumaray ang dating nito. "E kung ganon, e di sana hindi ka na lang nag-apply kung mag rereklamo ka lang naman pala. Ikaw kaya 'tong ang naki-usap sakin na bigyan ka ng trabaho. O anong sagot ko? Diba sinabi ko hindi ako mataas magbigay ng suhol? Pero anong sagot mo? sabi mo, okay lang kasi ang mahalaga may bayad. Kaya ayan, 70 pesos. Anong pinuputok ng butchi mo?"

Nanginginig ang kamay ko sa pinaghalong pagod at gutom. "M-madam, kahit 150 na lang po. Pandagdag lang sa gatas ng anak ko."

Umiling ito. "Wala na akong pera hija, pasensya ka na. Umalis ka na." padabog nitong isinara ang pinto at iniwan akong wala man lang konsensyang naramdaman.

Puno ng luha kong ibinulsa ang pinag-hirapan kong pera saka nag umpisang mag-lakad. Tinungo ko ang maliit na waiting shed saka pasalampak na pumuwesto sa sementadong upoan. Kinuha ko sa bag ang perang na-ipon ko at kwenenta kung sapat na ba ito para sa mga dapat kong bayaran.

5,840 Eto lang ang halagang naipon ko sa loob ng limang buwan kong kayod, sobrang kulang pa para sa mga gastusin ko sa pang araw-araw.

Ibinalik ko ang pera sa bag saka tumingala sa padilim na kalangitan. Masakit ang buong katawan ko pero ayokong magpa-apekto dahil kailangan ko pang mag hanap ng mapag-kakakitaan, hindi uso sa'kin ang salitang pahinga lalo na't may bata akong binubuhay. Kinailangan kong mag-double kayod para sa aming dalawa.

Tumayo ako saka binaklay ang daan papunta sa mga naglilinyang establishments, isa-isa kong tinignan ang bawat tindahan para alamin kung may nag-hiring ba. Tumigil ako nang makitang mayroong nga at isa yung mini mart/convenient store.

Hiring: Cashier 

Nakaramdam ako ng saya. Inilabas ko agad yung resumé ko sa bitbit kong plastic folder saka pumasok sa nasabing convenient store. "Tao po."

Sumilip ang isang matandang babae. "Anong sa'tin?"

Itinuro ko yung nakapost sa labas. "Uhm hiring po kayo ng cashier?"

"Ay oo, aapply ka ba?"

Excited akong tumango. "Opo, willing po akong magtrabaho."

Lumapit sakin ang babae at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "May bio data ka ba?"

"Meron po, eto o." agad kong ipinakita sakanya ang resumé ko na agad naman niyang tinanggap at binasa.

"Rivah Mohamed Al-Fahreem." wika niya sabay tingin sakin na may bahid na takot. "M-muslim ka?"

"Ay hindi po,"

"Pero ang sabi dito taga Mindanao ka, ibig sabihin terrotista ka."

"Naku ma'am nagkakamali po kayo, hindi po ako ganong klaseng tao."

Umiling-iling ang babae sabay bitaw sa hawak na resume. "Pasensya ka na, pero hindi ka pwede, makakailis ka na." tinalikuran niya nako at nagtago sa likod ng pader.

I felt insulted, yet again. Palagi na lang ba ganito ang mapapala ko sa tuwing mag-aapply ako ng trabaho? Lagi akong napagkakamalang terrorista dahil sa pangalan at lugar na pinagmulan ko. Masyadong silang judgmental at Islamophobic, yung tipong wala ka pa ngang ginagawa pero hinuhusgahan na agad buong pagkatao mo. Nakakasama sila ng loob sa totoo lang. Ang baba ng tingin nila sa amin, kaya madaming muslim ang hindi nabibigyan ng pagkakataong i-showcase ang kakayahan nilang manilbihan sa isang mabuting bagay dahil sa ganitong mindset e.

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon