Chapter 49

953 20 2
                                    

Matapos ang gabing 'yon ay dinala si Magaux sa hospital para ipagamot ang kanyang sugat, masaya naman sina Thunder dahil sa wakas ay nabawi nila ang kanilang anak pero nakaranas ito ng trauma kaya kailangan nila itong dalhin sa isang psychiarist para mapatingnan at naging maayos ang kanilang anak. Alam nilang hindi madali sa anak nila ang nangyari ng gabing 'yon.

Kasalukuyang nasa bahay ng mga Dawson ang mga magulang nina Daven at Margaux, labis ang paghingi nila ng tawad dahilsa ginawa ng kanilang anak. Nang marinig nila ang balita ay agad silang kumuha ng flight para makauwi agad rito.

"Mare pasensiya na talaga kayo sa ginawa ng anak namin, hindi namin alam na aabot siya sa ganito," anas ng ina ni Marga.

"Okay na 'yon mare ang importante ay walang nasaktan,"

"Kamusta na po pala si Marga? Nasaan na siya?" hindi mapigilan ni Jewel ang hindi magtanong, kahit na nakagawa ito ng masama sa kanila ay hindi maipagkakailang mahalaga pa rin ang dalaga sa kanya dahil kapatid ito ng matalik niyang kaibigan.

"Okay na siya at nakalabas na ng hospital, napagdesisyunan din naming ng tita mo na ipasok muna siya sa rehan para magamot siya," sagot ng ama ni Daven.

"B-bakit tito?"

"Kailangan namin yung gawin para sa kanya, she is not well Jewel, Marga is sick," dugtong ng ina ni Daven.

Nagsimula ng ikwento ng ginang ang tungkol kay Marga, matagal na pala nilang napapansin noon na iba ang trato nito sa kanyang kuya na si Daven, nagiging matampuhin ito pero noong una ipinagsawalang bahala lang nika dahil natural naman sa magkapatid ang ganun. Ngunit isang araw nung ipinakilala ni Daven si Monique bilang kasintahan nito ay maraming nag iba sa dalaga, naging mainitin ang ulo nito at nagiging possessive na din sa kanyang kuya, kaya napagpasyahan nila na paglayuin muna ang dalawa.

Naging maayos naman ang lahat dahil bumalik sa dati si Margaux, kaya ang akala nila ay mali lang sila ng hinala, hanggang sa isang araw ay narinig nila itong kausap ang isa sa kaibigan nito at nalaman nila na may lihim na pagtingin ang dalaga sa kapatid nito, kinausap nila si Margaux tungkol dito at naging maayos naman ang lahat. Minsan na lang umuwi si Daven dahil naging busy din ito sa pag aaral.

Hanggang sa isang araw ay mabalitaan nila ang nangyari kay Daven, naging malaking epekto ito kay Margaux nagkaaroon siya ng depresyon, naging tahimik ito at madalas magkulong sa kwarto mabuti na lang ay nandoon si Monique para kausapin ito at samahan hanggang sa bumalik ang dating sigla niya. Akala nila ay gumaling na ito dahil wala naman itong sinasabi sa kanila ng kung ano. Hanggang sa nagpaalam ito na uuwi ng Pilipinas ay pinayagan na din nila, lingid sa kaalaman nila ay may pinaplano pala itong iba.

Matapos ang ilang oras ay nagpaalam na din ang mga ito dahil bibisitahin pa nila si Marga, habang ang mga magulang naman ni Jewel ay umalis din dahil may aasikasuhin pa sa kompanya.

Naiwan naman ang magkakaibigan, wala dito ngayon si Storm dahil may check up ito at kasama nito ang mga magulang ni Thunder.

"I know it! Sinasabi na nga ba eh, baliw talaga ang babaeng 'yon," bulalas ni Calli

"She is not crazy, don't judge her. Mabait si Marga," sabat naman ni Monique

"Oh com'on Nique, don't defend her we all know the truth. Kung mabait siya sana hindi ito nangyari, dinamay niya ang bata na walang kamuwang muwang! Look what happen to Storm he is suffering from trauma because of her," wika ulit ni Calli

"She has a reason, she is also a victim here. Hindi ko siya kinakampihan dito ang sa akin lang intindihin din natin ang side niya kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon," depense ni Monique.

"What ever reason she has, mali pa rin ang ginawa niya. Walang kasalaan si Jewel sa pagkamatay ni Daven. Sana inisip niya din 'yon."

"Enough babe, don't stress yourself about it," saway ni Dark kaya natigil sa pagsasalita si Calli

"No matter what will you say Calli it won't matter to Monique, she will defend that girl because they are friends," panunuya ni Cain.

"Even if she is not my friend Cain, I will say my opinion in this things. We don't have rights to judge someone dahil lang sa pagkakamali na nagawa nila," sagot ni Monique.

"Just like you? Iyan ba ang gusto mong sabihin? Kagaya ng nagawa mong kasalanan sa mga kaibigan ko, hindi ka pwedeng ijudge? At anong gusto mo hayaan na lang ang mga nagawang kasalanan kahit nakasakit at nakasira ka?" mariin na tanong ni Cain

Agad na pumigitna na si Jewel dahil ayaw niyang magkaroon pa ng away. "Tigil na 'yan guys, ang mabuti pa kumain na lang tayo." yaya nito.

Mabilis naman na tumango silang lahat ang sabay sabay na pumuntang hapagkainan.

"You know what guys, I think we need some vacation," aniya ni Calli.

Tumango naman si Dark. "You are right babe, ang tagal na din simula nung nagkaroon tayo ng bonding na magkakasama," sang ayon naman ni Dark.

Bumaling naman si Thunder sa kanyang asawa. "What do you think hon?"

"Yes sure, siguro naman kailangan natin lahat makapagrefresh din. It's been stressful weeks for us," sagot ni Jewel.

"How about you, Cain? Monique?" tanong ni Calli.

"Ahm I'm not sure pa," sagot nito," sagot nito.

"Ay ano ba naman yan ang daya," wika ni Calli.

"Count me in, sabihan niyo lang ako kung kailan. And about her, if she doesn't want to go let her. Hindi naman tayo ang mga kaibigan niya," anas ni Cain.

"She is part of the circle Cain, she is not your friend naman talaga kasi she is your --- ," hindi na natapos ni Calli ang sasabihin ng pinutol ito ni Cain.

"Don't continue to what you will going to say Calli, noon 'yon at hindi na ngayon, huwag balikan ang tapos na," seryosong saad ni Cain.

Agad na nagtingilan ang apat na sina Thunder, Jewel, Dark at Calli at sabay sabay na umiling.

"You know what if you two have a problem pag usapan niyo, tapusin niyo na ang dapat tapusin," wika ni Dark.

"Wala ng dapat pa pag usapan pre, matagal ng malinaw ang lahat at tapos," balewalang sagot ni Cain.

Si Monique naman ay nanatiling tahimik lang habang kumakain, "Tama na muna 'yang usapin sa mga ganyan, magplano na lang tayo ng tungkol sa bakasyon natin," bulalas ni Jewel.

"You are always a light saver hon."

"Oo naman hon, gano'n dapat talaga if mabigat ang atmosphere," natatawang sabi ni Jewel.

"Parang kailan lang hindi naman kayo ganyan ah," pang aasar ni Cain.

Sumimangot naman si Jewel. "Ang sama mo sakin Cain, dapat diba support ka. Hmp!"

"Nagbago isip ko ayaw ko na pala, kung kiligin ka diyan parang high school ka samantalang noon dinaig pa bata kung makangawa," pang alaska lalo ng binata.

"Hayaan mo na hon, madaming ampalaya yata ang kinain niyan. Ganyan pag mga broken ang tao," pagtatanggol naman ni Thunder sa asawa.

Napuno ng kulitan at tawanan ang hapagkainan nila.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon