Chapter 68

245 6 0
                                    

ALTAIR

Nakabalik ako agad sa dorm. Naabutan ko si Eunice na nagpapagulong-gulong sa kama niya habang hawak ang phone niya.

"Psst. Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Dahil ata sa gulat, nagderi-deritso siya sa dulo ng kama niya at nahulog. Agad siyang bumangon. "Aray naman, Altair. Bakit ka nanggugulat?"

"Pa-Pasensiya na. Hindi mo ba narinig pagbukas ng pinto?"

"Hindi. Nabusy ata ako sa phone ko e." Ipinakita niya sa akin ang phone niya. "Tsaran. Nahanap ko sa wakas phone ko."

Umupo ako sa kama ko. "Buti naman. Saan mo nakita?"

"Doon sa ilalim ng mga damit ko."

"Ah."

"Tapos ka na sa meeting mo sa commander niyo?"

"Siguro. May biglang meeting sila ngayon e."

"Ganun ba? Kung ganun free ka today?"

Tumango ako.

"Ah yes! Tara sa labas. Pasyal tayo sa campus. Gusto kong kumuha ng mga pictures natin. Wala pa pala akong pictures dito sa phone ko na nandito tayo sa academy."

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya.

"Sige na, Altair." Lumapit siya sa akin. "Please."

Unti-unti akong napangiti. "Oo na."

"Yey!"

Agad kaming lumabas ng dorm at pumunta sa kung saan niya gusto kumuha ng litrato.

"Smile ka, Altair," sabi ni Eunice habang naka-ready na niyang pindutin ang phone niya para sa pagkuha ng litrato naming dalawa.

"Heto na nga oh. Nakangiti na nga," reklamo ko.

"Aish. Ngiti pa. Kulang pa e."

Napabuntonghinga muna ako bago ngumiti ulit.

"Ayan. Ganiyan dapat," komento ni Eunice nang tingnan na niya ang nakuhang litrato. "Tapos punta tayo sa may border ng Freshmen Section at Trainee Section."

"Balak mo ba talagang magpa-picture sa bawat anggulo ng academy?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung kaya, why not? Memories ko 'to---I mean, natin."

Shemay.

Maglalakad na sana kami patungo sa sunod niyang destinasyon nang biglang may nag-flash na hologram sa ere. Kita ko rin ang iba pang hologram na nagsilitawan sa iba't ibang parte ng campus.

"Good morning students! Announcement: lahat ay magsihanda dahil mamayang gabi sa oras na 7:00, ay pupunta na kayo sa Elemental Army Main Campus. Sa mga nakakalimot, ang campus na ito ang main ng buong Elemental Army at ang campus kung saan namamalagi ang Heneral natin.

Bukas na ang inyong moving up at doon mismo gaganapin ang seremonya sa Elemental Army Main Campus."

"Wait. Diba sa Sabado pa ang moving up? Hindi pa naman Sabado bukas diba?" Tanong sa akin ni Eunice.

Nagkibit balikat lang ako.

"Napag-usapan ng lahat ng Commander na bukas na idaos ang inyong moving up. Uulitin ko, maghanda na kayo ngayon dahil mamayang gabi sa oras ng 7:00 ay pupunta kayo sa Elemental Army Main Campus upang doon idaos ang inyong moving up."

Pagkatapos nun ay naglaho na ang hologram. Rinig ko ang ilang hiyawan ng ibang estudyante mula sa malayo dahil sa tuwa. May ilan akong narinig mula dito sa kinatatayuan namin na mga studyante na excited na raw sila kaya magsisibalik na sila sa dorm nila upang mag impake.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon