KABANATA CCXXV

3.7K 29 11
                                    

Bahagyang ngumiti si Abby at tumingin kay Darryl. "Oo, niligtas mo nga ako noong kasal ni Jackson, pero binigyan naman kita ng spiritual herb bilang kapalit nito. Hindi ka magiging isang cultivator kung wala iyon. Matagal ko nang nabayaran ang utang ko sa iyo.

Wala nang nagawa pa rito si Darryl. Mapait siyang ngumiti at sinabing. "Sige, dahil quits na tayo, bakit mo ako kinidnap ngayon?"

Humigop si Abby sa kaniyang wine glass at nanlalamig na sinabing. "Ganiyan ka ba talaga kainosente, o nagmamaang maangan ka lang sa harap ko ngayon? Nagpadala ang aking kuya ng mga tao para kidnapin ang asawa ni Dax Sanders, pero pinigilan mo ang mga ito. Napakalakas din ng loob mo para manghimasok sa isyu ng aming pamilya.”

Nanlalamig niyang tiningnan si Darryl.

Nakakaubos ng hangin ang tindi ng tensyon sa loob ng kwartong ito.

“Kung ganoon, dahil para ito roon.”

Natuwa rito si Darryl, tumitig siya sa mga mata ni Abby at sinabing. “Kaibigan ko si Dax kaya ituturing ko ring kaibigan ang kaniyang asawa. Natural lang napigilan ko ang pagdukot ng kahit na sino sa kaniya.”

Nanggigil si Abby habang ibinubuhos ang wine sa mukha ni Darryl.

Buwisit…

Npamura nalang si Darryl sa kaniyang loob habang nagagalit nang husto. Hindi niya mapakawalan ang kaniyang sarili sa sobrang higpit ng pagkakataling ginawa ng mga ito sa kaniya.

Dinilaan niya ang ibinuhos na wine s kaniyang labi at ngumiti habang pinipigilan ang kaniyang galit.

“Hindi ganito ang tamang paraan para ilibre mo ako ng maiinom, Ms. Guy.”

Bumungisngis naman dito si Abby at sinabing. “Itigil mo na ang mga kalokohan mo! Matagal naming pinagplanuhan ang pagdukot kay Nancy pero nagawa mong sirain ang  lahat ng ito at saktan ang aking mga tauhan! Mahilig k aba talagang mangialam sa problema ng iba? Sige, ipapakita ko sayo kung ano ang mangyayari sa mga taong mahilig mangialam.”

Kumuha si Abby ng isang latigo sa ilalim ng kaniyang lamesa habang nagsasalita.

Hindi lang sa pangingialam ni Darryl nagalit ng husto si Abby.

Ang kalbong lalaki na namuno sa kaniyang mga tauhan para dukutin si Nancy ay walang iba kundi ang pinsan ni Abby na si Pete Yames.

Hindi nagtagumpay si Pete sa pagdukot kay Nancy at sa halip ay nabugbog pa ng husto ni Darryl. Kasalukuyan na ito ngayong nagpapagaling sa ospital.

Palaging hinahangaan ni Abvby ang pinsan niyang iyon kaya hinding hindi niya mapapatawad si Darryl nang ganoong kadali.

“Grabe, wala talagang kinakatakutan ang babae na iyan.”

Agad na nagbago ang itsura ni Darryl nang makita niya ang latigo sa kamay ni Abby.

“Sumusobra ka na, Abby Guy.”

“Talaga ba?”

Ngumiti si Abby habang hawak hawak ang latigo sa kaniyang kamay.tiningnan niya si Darryl gamit ang mapanloko niyang mga mata habang sinasabing. “Sumusobra na ba ako? Ikaw ang sumira sa aming plano at nanakit sa aking mga tauhan!”

Hinampas niya ang latigo habang sinasabi ang mga bagay na iyon!

Crack!

Bumaon ang latigo sa balikat ni Darrylat gumawa ng sugat na agad naglabas ng sariwang dugo.

“Buwisit! Seryoso talaga siya sa bagay na ito?”

Nagngitngit ang mga ngipin ni Darryl pero hindi niya nagawang sumigaw. Namula ng husto ang kaniyang mga mata sa sobrang sakit.

“Kaya ko naming hindi mangialam sa gusto niyong mangyari Abby, pero ipangako niyo sa akin na hindi niyo na guguluhin pa si Dax pagkatapos nito.” Nanlalamig na sabi ni Darryl matapos huminga ng malalim.

Tumawa naman si Abby habang interesadong tinitingnan si Darryl.

“Masyado kang nakakatawa. Iniisip mob a na nasa posisyon ka ngayon ng pakikipagnegosasyon sa akin?”

Agad niyang inangat ang latigo at paulit ulit na hinampas si Darryl.

Crack! Crack! Crack!

Masyadong nagging malutong at malakas ang mga hampas na ito ng latigo! Nagawang tiisin ni Darryl ang sakit na kaniyang nararamdaman habang nagngingitngit na nilalabanan ang unang hampas, pero hindi na niya kinaya ang mga sumunod na paghampas ng latigo ni Abby. Dito na siya sumigaw ng, “Abby Guy!”

Gusto niyang magmura pero masyado nang masakit ang mga tinamo niyang latay para makapagsalita pa!

“Buwisit!”

Nabalot ng pawis ang mukha ni Darryl habang ballot na ballot ng dugo ang kaniyang mga damit.

Huminto si Abby matapos hampasin si Darryl ng higit sa 20 beses at nakangiting sinabi na. “Binigyan mo noon ng Godly pill ang kuya jo Darryl. Kaya siguradong mayroon ka pang natitirang ilang piraso hindi ba?”

“Bakit hindi mo na lamang ako bigyan ng isang piraso nito para makawala rito. Maganda ang mood ko ngayong araw.”

“Gusto mo ng Godly pill? Walang problema, may dala ako na ilang piraso ng Godly pill ngayon. Pakawalan mo na ako nang makuha ko ang mga ito para sa iyo.” Ngiti ni Darryl.

Ngumisi si Abby at sinimulan nang tanggalin ang taling nakapulupot sa katawan ni Darryl.

Masyado nang matindi ang tinamong sugat ni Darryl kaya hindi na nag alala si Abby na baka lokohin lang siya nito.

“Nasaan na ang pill? Ibigay mo na sa akin!”

Itinaas ni Abby ang kaniyang kamay at nanlalamig na nagsalita matapos pakawalan si Darryl.

Inunat ni Darryl ang kaniyang katawan at nanghihinang sumagot ng. “Bakit ka nagmamadali?”

Walang awa ang babaeng ito.

Pero hindi niya naalala ang mga tinamo niyang sugat dahil magagawa niyang gamutin ang lahat ng ito matapos niyang uminom ng ilang mga pills.

Napamura sa kaniyang loob si Darryl habang nilalabas ang mga natitira niyang Godly pills. Masyadong kaakit akit ang itsura ng mga pills na ito na naglabas ng mahinang amoy ng gamut habang nakalatag sa kaniyang palad.

Dito na nanginig ang buong katawan ni Abby habang mas tumitindi ang ginagawa niyang pagtingin.

“Ibigay mo ang lahat ng iyan sa akin!”

Nastuck din si Abby sa level five ng master domain gaya ng kuya niyang si Brandon nitong mga nagdaang taon.

Sumubok na siya ng iba’t ibang paraan nitong mga nakaraang taon para magawang tumawid sa susunod na domain pero hindi pa rin niya ito nagawa. Masyado na siyang nabagabag at nafrustrate sa bagay na ito.

At pagkatapos ay nalaman niya mula sa kuya niyang si Brandon na nakakuha ito ng isang Godly pill kay Darryl na nakatulong sa kanya para tumawid papunta sa Level One ng Master General Domain.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now