4

4.1K 138 5
                                    


TALK about sexy! The wench had a very nice derriere. Slim though she was, it was well-rounded, Jared thought as his eyes followed her.

She was also tall, must be five-six. And very fair. Mestiza. At mamula-mula ang balat dahil marahil sa init ng araw.

Hindi niya gusto ang mga babaeng sobrang maputi. Kapag pinagtabi sila ay nagmumukha silang kape at gatas. He was a sucker for honeyed-skin women. Nakikita niyon ang totoong ganda ng isang babae.

Kaninang tinititigan niya ito habang nakasandal sa sandalan ng Wrangler niya, wincing at the same time—dahil sa pagkakauntog sa manibela ay nakita niyang may magandang profile ito. She had a small and pert nose and a pouting, almost sensual lips. She would sell millions of L'oréal lipsticks.

Subalit nang mapuna niya ang ilang pinong freckles sa ilong nito, napangiwi siya. That marred the almost exquisite profile.

At nang bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito habang hinihimas nito ang nasaktang ulo ay natuon ang paningin niya sa dibdib nito.

Well-rounded breasts. Katamtaman ang laki. Must be thirty-three... thirty-four cup A. Subalit nasilip na naman niya sa ibabaw ng dibdib nito ang ilang pinong freckles. He grimaced in distaste. Tila iyon mga kusot na ikinalat sa maputi nitong balat.

Ang buhok nitong hindi pantay-pantay ang haba na tila buhok ng leon ay chestnut brown, almost dark. Subalit nang tamaan ng sinag ng panghapong araw ay tila nagkukulay-tanso. Napabuntong-hininga siya. Malamang na galing sa mamahaling botelya.

His male gaze swept over her back. If ever there was a mestiza who might make him reassess his decision never to date one, he was staring at her right now.

Hindi lahat ng magagandang babae ay sexy. At lalong hindi lahat ng may magandang katawan ay sexy. It was inherent. Nasa kilos at galaw ng katawan. Hindi lang dahil maiksi ang tank top nito at nakikita ni Jared ang dimples sa may puno ng balakang nito.

She walked with inherent grace, at banayad na umiimbay ang mga balakang nito habang lumalakad. Natitiyak niyang hindi nito sinasadyang magpakembot dahil bahagya itong umiika dala ng pagkakatalon sa Wrangler mula sa kabayo.

And yet there she was, taunting him... tempting him... My god, he wanted... he wanted to...

Oh, shit, but he wanted her!

Jared reeled with shock. To desire this woman was insane. And stupid. And masochistic.

First, he only met her few minutes ago. At ni hindi pa nga niya alam ang pangalan nito. Second, she wasn't even her type!

Bumaba siya ng sasakyan at sinundan ito. Nakita niyang hinahaplos nito ang ulo ng kabayo.

"Thor, what happened to you? Why did you bolt off like that? You almost get us both killed," she said softly.

Jared rolled his eyes heavenward. She was talking to the stallion as if it were human. Pagkatapos ay tinitigan niya ang thoroughbred. It has a wine-colored coat with almost silver tail. Bigla siyang nakadama ng pangingimbulo.

How he wished he had a horse like that. Mula nang mabili nila ang lupain sa mga del Castro may dalawang taon na ngayon ang nakararaan ay hindi nila napagtuunan ng pansing bumili ng mga kabayo sa ibang bansa at palahian. At natitiyak niyang ang magilas na kabayong ito ay malamang na kasama nang lumaki ng babaeng ito.

Then he frowned as something caught his eyes. Subalit sa puntong iyon ay humarap ang babae at dito natuon ang pansin niya.

She raised her eyes to him and Jared's breath caught in his throat. The woman had soft sea-green eyes, tulad ng payapang karagatan na natatanaw niya sa likuran nito.

"Salamat sa pagkakaligtas mo sa akin—" nilingon nito ang stallion "—sa amin..."

Oh, god. She had a voice that could melt even the coldest heart. At gigising ng anumang natutulog...

And right now, may ginigising ito sa kanya. Natitiyak niyang may dugong banyaga ang babae. She didn't have the stunning beauty that was Carrie when Carrie was this woman's age. She was pretty and attractive in her own way. She had a to die for cheekbones. Ano ang malay niya, baka modelo ang babaeng ito at nagbabakasyon sa Manzanares.

"Your... your hair," Jared murmured before he could stop himself. Tumaas ang mga mata niya sa buhok nito, "natural ba ang kulay niyan?"

He didn't know what prompted him to ask a stupid question like that. He wanted to kick himself. Para siyang ignoramus na ngayon lang nakakita ng babaeng maputi, may mamula-mulang buhok, at may mga matang kakulay ng karagatan.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng babae. Tumaas ang isang kamay sa buhok. "M-my hair?" she stammered. "Tinatanong mo kung... kung totoo ang kulay ng buhok ko?" Her eyes widened in puzzled amusement. Pagkatapos ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

Now that smile really did something to her face. It was heart-stopping. Tila biglang nagliwanag sa buong paligid.

Damn, he muttered. Kailan pa siya naging makata?

He cleared his throat. "Yes."

The smile turned to grin. At napuna niyang ang berdeng mga mata nito ay tila biglang nabantuan—to pale green. The palest green he had ever seen.

"Hindi produkto ng botelya ang buhok ko," wika nito, nakangiti pa rin. "I'm Serena Manzanares." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

He took her hand, grasping it firmly. "Pleased to meet you... Serena." Her name rolled in his tongue, na tila nilalasahan iyon. "Ako si Jared... Jared Atienza..." Umangat ang tingin niya at tinanaw ang paligid.

"Manzanares... hmm. So, we are neighbors," he stated matter-of-factly. Sa main road, bago ang nabili nilang lupain ay makikita ang malaking arko at may nakaukit na Hacienda Manzanares.

"Are we?" she asked, Jared noticed, too innocently. Pagkatapos ay binawi nito ang kamay, which Jared released with reluctance.

Nilingon ni Serena ang pinanggalingan. "Beyond the barbed wire is the Hacienda Manzanares. At ang lupaing ito ay pag-aari ng mga del Castro."

Tumango si Jared. "Bago nabili ng mga magulang ko two years ago." Ibinaling niya ang mga mata sa kabayong nasa likuran nito. "That's a fine horse."

"Yes," may pagmamalaking sang-ayon ni Serena kasabay ng paglingon sa kabayo. Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang ulo ng stallion. "And thank you. Kung hindi dahil sa iyo ay baka pareho kaming napahamak."

"Wala iyon. Ipagpasalamat nating natanaw kita." Patuloy nitong hinihimas ang leeg ng hayop, and Jared thought how it would feel if those hands run through his...

"It's a palomino," she said, cutting off his carnal thoughts. "Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umalma at tumakbo nang ganoon matapos ko siyang sakyan. Thor had always been calm. In fact, nitong nakalipas na tatlong araw na sinasakyan ko siya'y tuwang-tuwa siya. I hadn't ridden him for more than a year."

Humakbang si Jared patungo sa kabayo, sa may kanang bahagi ng likuran nito malapit sa saddle. Nilapitan ang bagay na tumawag ng pansin niya kanina. Hinawakan niya ang buhok ng kabayo at pagkatapos ay itinaas niya ang kamay.

"This is blood," aniya at ipinakita kay Serena ang kamay niya.

Serena's eyes widened. "Blood!"



******Hinay - hinay lang sa pagbabasa mga bes, pero magandang month ngayon apra humilata ang magbasa sabayan pa ng malamig na panahon. Pero heto ako busy at nagpapahinga huhuhu :( . Sana okay lang kayo mga beshie. :) If may itime kayo at makakapunta sa MIBF SMX kitakits tayo dun char hahahaha. Hanapin n'yo ako . - Admin A **************

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon