Kabanata 10

1.6K 48 26
                                    

Kabanata 10: Calm

MALAKI ang ngisi ko sa aking labi habang nakatingin sa salamin at suot ang uniform na pang servant. Manghang mangha talaga ako sa tuwing suot ko ito.

Special day. . . huh? Stop. Charm. This day was just a normal day.

Hindi ako mapakali. Ako ang magluluto ngayon. Wala pa naman akong alam na lutuin kung hindi noodles at itlog lang. Bahala na talaga. Tatawagin ko na lang si Avery at magpapaturo.

Pumunta ako sa harapan ng kuwarto ni Avery. Lahat kami ay may kaniya-kaniyang kuwarto rito. Malawak din kasi at maaliwalas. Wala akong tigil kakakatakot. Pasado alas sinco pa lamang. Maaga pa at alas dose kami natulog kagabi dahil naglaro pa sila ng UNO. Mga sugarol lalo na sila Callum at Avery.

"Av!"

The door opened. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata at humikab.

"Help me to cook!"

"G. Hilamos muna ako Madame."

I walked downstairs and collected the tools. I've been here almost one week. Gusto ko na kaagad matapos ang isang buwan. Hindi na ako makapaghintay na makaalis, sa totoo lang.

Hindi ko alam ang lulutuin pero gusto kong mag try ng adobo. . . adobong manok. Hindi ako titigil hangga't hindi ako ko nape-perfect! Nakakahiya. . . ang tanda ko na, shunga pa rin ako pagdating sa kusina.

"Madame! Ready na, hehe. Ano lulutin?" nakaligo na siya. Ang bilis. Wala sigurong libag-libag 'yan? Buhos lang ng tubig kaagad.

"Adobong manok."

Ngumiwi ako at naghiwa ng sibuyas. Malapit na mag alas sais kaya nasisiguro kong babangon na si Kaeton. At alas siyete, pupunta na iyon sa office niya para magsimulang magtrabaho.

Hindi siya bumababa, ang mga maid na mismo ang aakyat para dalhan siya ng breakfast.

Pero gusto ko ng adobo. . . hindi ako titigil sa kakaluto no'n hangga't hindi ako natututo. At wala akong pakialam kung magsawa man siya kung araw-arawin ko ang pagluluto. Ang mahalaga, may ulam.

Maarte rin ako sa pagkain pero dapat ako lang ang nag-iinarte. Naiinis ako pag may mas maarte sa akin.

"Ah, adobong manok. . ." she nodded while playing with her tongue. What is she doing?

"Bakit? May reklamo ka ba, Avery?"

Mabilis siyang umiling. "Wala, Madame. Kaya mo naman siguro 'yan? O gamay ka na? Assist na lang kaya kita?"

"Ako?" turo ko sa sarili ko. "Magpapaturo ako sa 'yo, Avery. Dahil hindi ko rin alam kung paano magluto."

"May iba't ibang way kasi Madame ang pagluluto ng adobong manok. Sino po ba ang kakain?"

"Si Kaeton."

Ngumiwi siya. "Sige. . . lilinisin ko muna manok. Continue that."

Halos patapos na kami sa ginagawa namin. Isasalang na lang. Mas inuna kong ni-ready ang mga recipe dahil para hindi na ako magmadali mamaya at mataranta.

"Hala, Madame! Wala na palang gasul! Paano 'to maluluto?!" reklamo niya.

Nangunot ang aking noo at bahagyang nanlaki ang mata sa narinig. Oh my goodness?! Huwag mo sabihing sa kahoy kami magluluto?! Nah. Freaking no! Ayoko ng mausok, may hika ako!

"Sandali, gigisingin ko lang si Callum para utusan sa palengke!"

She quickly called her friend from the stairwell. Nakatunganga lang ako at hindi alam ang gagawin. Sinubukan kong buksan, wala talaga. Hindi sumisindi. Naubusan na nga talaga ng gasul.

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now