Kabanata 11

1.3K 43 31
                                    

Kabanata 11: Cared

WALA akong tigil sa kakangiti dahil sa mga handang nakahain sa lamesa. Napakarami no'n. . . kumpleto ang handaan sa birthday. At may cake pa.

I smiled sadly. Naalala ko noon na pinapagalitan ako ni Mommy na bumili ng cake dahil pang bata lang daw 'yon. Simula noong nag elementary ako, hindi na ako nakakaranas ng cake hanggang ngayon. At siyempre, hindi alam ng mga kuya ko 'yon. Sinasarili ko lang at tumatanggi ako sa kanila minsan.

Sinasabi kong ayos lang 'yon. . . totoo namang malaki na ako at hindi na dapat mag cake. Pero ang totoo niyan, sa loob-loob ko, nalulungkot ako at nasasaktan.

Ni hindi ko naranasang maligo sa ulan dahil sa sobrang higpit ni Mommy sa akin. Hindi ko naranasang makakain sa Jollibee, puro sa restaurant lang. Ni hindi ko naranasang makakain ng mga masasarap na street foods. Ni hindi ko maranasang magkaroon ng maraming kaibigan at iyon ang aking hinahangad.

Naging kaibigan ko lang si Prudence dahil sa yaman nila. Masyadong sumisipsip si Mommy sa kay daddy niya. Pero pasalamat na lamang at mabait siya dahilan kung bakit naging matalik kaming magkaibigan. Pero once a week lang nga kami magkita at hindi pa kilala ang buo naming pagkatao.

Tinuturing ko pa rin siya na isang matalik na kaibigan kahit hindi kami madalas magkita. Medyo awkward din kami minsan. . . pero masaya ako na kahit sa ganoon, may kaibigan pa rin ako.

Nakangiti silang lahat sa akin, lalo na si Avery. Si Kaeton, namumungay ang mata habang pinapanood akong tahimik at halos maiyak na. Sobra akong na-touch sa ginagawa nila sa akin. Si Callum na malakas ang palakpak at ang pagkanta. Si Chaos na nakangisi na sa akin at mahinang kumakanta.

Napatingin ako sa handa. May mga order ng jollibee ro'n at tatlong cake.

"Grabe, twenty three ka na, Charm! Dalagita ka na!" proud na ani Avery.

I bit my lower lip and tilted my head. "Matagal na akong dalaga."

Nakangiti lang ako, wala na yatang sasaya pa sa akin. Sobrang saya ko.

"Kaeton, kainin mo na si Charm!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Avery. But as her mind digested what she had uttered, she quickly covered his mouth. Kaeton scowled as the two men giggled.

"I mean, pakainin mo na si Charm! Mukhang gutom na!" hagikhik niya.

Umiling-iling ako at umupo sa lamesa. Kanina pa kasi ako nakatayo habang kinakantahan ako.

Hindi ko maiwasang hindi manigas sa kinatatayuan ko kanina. Gulat na gulat akong sobra. At hindi ko inaasahan na malaman nilang birthday ko.

"How did you know that today is my special day?" I raised an eyebrow at them.

Unti-unting lumawak ang ngisi ni Avery at siniko si Callum.

Nakaupo si Kaeton sa pinaka dulo ng lamesa, nasa gilid niya ako. Samantalang magkatabi naman si Callum at Avery. Si Chaos, may sariling mundo at busy kumain.

"Siyempre! Anything for you, he can do! Ikaw ba naman sobrang mahal ni Boss! Shet! Kailan kaya ako magkakaroon ng ganiyang lalaki?"

Callum laughed. "Last time kasi na nagkagusto ka sa lalaki, ayaw sa 'yo, eh."

Avery pouted. "Shut up! At least, hinahabol na niya ako ngayon pero asa siya! Hindi ako marupok! Sobra niyang nasaktan ang damdamin ko! As if namang desperada ako at patawarin ko siya kaagad matapos niya akong ipahiya?! No, no, no, way! Isaiah is a bullshi-"

Hindi niya natuloy ang kaniyang sinabi nang magtama ang aming paningin. Nahinto siya at siguro ay naalala na kapatid nga pala ako ni Isaiah. Ang lalaking tinutukoy niya sa kaniyang chismis. Tinikom niya ang kaniyang bibig at nanahimik na lamang.

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now