Kabanata 12

1.3K 35 29
                                    

Kabanata 12: Phone

NATAPOS na ang aking kaarawan nang may ngiti sa aking labi.

Alas tres na ng madaling araw pero hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko. Hindi ako makatulog.

I quickly closed my eyes and pretended to be asleep as the door opened and my heart began to race. I was so anxious.

Naglakad ang taong pumasok sa aking kuwarto. Malakas ang kalabog ng aking dibdib habang nakapikit nang mariin at pinakikiramdaman ang taong iyon.

He laid on my bed, gently stroked my hair, and gave me a forehead kiss.

"Good morning, Charm. . ." halatadong antok pa ang kaniyang boses.

Tahimik lang ako na nagpapanggap na tulog. Hindi ako gumigising dahil ayaw kong malaman niyang gising ako.

Nakatagilid ako sa kaniya at nasa likod ko siya. Naramdaman kong humiga siya sa aking tabi at saka ako niyakap nang mahigpit sa aking likod.

"I love you," he mumbled quitely.

Naka ilang mura na ako sa kaniya sa aking isipan nang marinig ko iyon. Hindi ko magawang buksan ang aking mata.

Kung kaya ko lang ay nabigyan ko na siya ng malakas na suntok sa kaniyang panga para mahinto na siya sa pagsasalita niya ng kung anu-ano sa akin.

"And I missed you. . . Charm," mas lalo niya pa iyong hinigpitan na halos mapisak ako.

Ulol!

"You know, baby, I've been missing you for a lot longer. I've been searching for your presence for a long time, and now that you're here by my side, I won't let you go. Let me borrow you from fate even if it's only for a while. . . let me give you the love I never gave before. . ."

He didn't love me back then? But I didn't even know him?

I'm confused. . . paano kung may amnesia ako at hindi makaalala?

Fuck. That was so fucking gross. Kung may amnesia ako, bakit naaalala ko ang childhood ko. . .

Pero ang memoryang iyon ay hanggang elementary lang. Malamang, masyado pa akong bata kung maalala ko ang nagaganap noong day care or kinder ako! I was just five years old back then. . . matagal na panahon na iyon.

At isa pa, wala naman akong maalala na may kakilala akong Kaeton noong high school ako at kahit sa college, iniisip ko, wala talaga.

Hindi kaya baliw lang siya? Sa sobrang dami ng tinatrabaho niya at halos pang matatalino pa. . . nasira na ang kaniyang utak?

Baka nga.

"I'm sorry if I hated you before. I regretted it so much. I love you. . . I love you. . ."

Bahala na nga siya sa kakasalita niya mag-isa. Basta ako matutulog na lang.

Hindi ko na naiintindihan ang kaniyang sinasabi sa akin dahil tuluyan na akong hinila ng antok. Nagising na lamang ako na humahalik na sa aking mukha ang mainit na pagsikat ng araw. I opened my eyes immediately and stood up.

Wala akong maalala sa iba niyang sinabi kagabi. Nakatulog na ako pero may saysay pa ba 'yon?! Ni hindi ko alam nga pinagsasabi niya.

"Madame! Good morning!"

"Maganda ka pa sa umaga, Ma'am," si Callum.

Siniko siya ni Avery.

"Sumbong kita, hinaharot mo si Madame."

"Maganda naman talaga si Miss Charm, Ah?"

"Oo nga pero parang hinaharot mo!"

"Sumbungera ka talaga! Basta, totoo namang maganda si Miss Charm!"

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now