Chapter 36: Sa ngayon..

506K 14.9K 9.3K
                                    

Warren's POV

Para akong siraulong pabalik balik sa pwesto ko. Baka nga hilo na rin si Nate kakapanuod sa ginagawa ko.

"May hindi mapakali." Mapanuksong tono niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at naupo ulit pero hindi rin ako nakatiis kaya napatayo ulit ako at lumapit sa pinto saka bumalik sa inuupuan ko kanina.

Ang gulo. Nakakabanas. I like her first. Kaya lang bakit siya napunta kay Hunter?

"May kinakabahan." Ano bang problema ng lokong 'to? "May gustong puntahan."

"Ano bang trip mo, Nate?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"May kasama akong pikon kasi hindi makamove on." Nang matingin ako sa kaniya ay unti-unti siyang napangiti, "Rhyming, bro! I'm so cool!"

"Gago."

"Mabilis mapikon kasi hindi pa rin nakakamove on. Si Warren, hanggang ngayon nasa friendzone pa rin. Kasi si Piper, boyfriend na si Hunter."

Ibinalabig ko sa kaniya ang unang bagay na nadampot ko. 'Yung nakapatong na cd ng bandang gustong gusto niya.

"Siraulo ka! Kapag nagasgasan kahit dulo lang ng case nito sisiraan talaga kita kay Piper para 'yung 1% chance mo sa kaniya maging 0 na," sagot niya at hinihimas himas pa ang cd. Wala ng pag-asa ang isang 'to.

"Sa tingin mo.. kailan pa naging sila? Nagliligawan na kaya sila noong hindi pa umaalis ng grupo niya si Piper?"

"Aba, anong malay ko. Kanina ko nga lang nalaman na sila na, malamang wala akong alam na details. Bakit hindi na lang silang dalawa ang tanungin mo kung nilalamon ka na ng curiosity mo?"

"Tingin mo sasagot sila? Magkwekwento kaya 'yung dalawang – "

"Kulit naman! Sabi na ngang sila ang tanungin mo."

Tss. Hindi maaasahan 'tong si Nate, ha. Huwag na lang. Hindi ko na lang aalamin. Sasabihin naman siguro nila 'yon ng kusa.

Kaya lang baka hindi ako makatulog ng maayos kung hindi ko aalamin. Fck it. Tatanungin ko na nga.

Palabas pa lang sana ako ng kwarto ni Nate nang biglang pumasok si Hunter.

"Tamang tama ang dating mo, Hunter. May itatanong sa 'yo si Warren."

Tinignan ako sandal ni Hunter at nilagpasan, "Hindi kami." Diretsyo niyang sagot na parang alam na niya kung ano ang nasa isip ko.

"Weh?" tanong pa ulit ni Nate pero hindi siya pinansin ni Hunter at humiga lang.

"Sabi mo kaya kanina – "

"Naniwala naman kayo?"

"Bakit hindi man lang sinabi ni Piper na hindi naman pala kayo?"

"Sinabi niya."

"Bakit hindi ko narinig?"

"Hindi mo pinakinggan."

Tanong pa ng tanong si Nate sa kaniya pero hindi na ako nakinig at tuluyang lumabas.

Hindi naman pala sila. Kaya lang ano ba ang mag-iiba kung sila na o hindi pa? Parang ganoon pa rin naman.

Nagpunta ako sa tapat ng pinto ng guest room kung saan natutulog sila Piper. Kung kakausapin ko siya, ano naman ang sasabihin ko sa kaniya? Huwag na lang. Isa pa baka tulog na rin 'yon. Past 12 midnight na.

Dumiretsyo ako sa kusina para uminom ng tubig at doon, nakita ko si Piper. Nakaupo siya sa may dining at parang naglalaro lang sa phone niya.

Dito ata nanggaling si Hunter? Ibig sabihin.. tss. E ano naman, Warren?

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon