Chapter 55

938 12 0
                                    

Monique POV

Nandito ako ngayon sa labas kasama si Zach, nakilala ko siya noon sa isang fashion show at nagulat ako ng makita ko siya dito dahil ang pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa ito.

Habang masaya kaming nag uusap ay nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan, hindi ako nakagalaw agad dahil na rin siguro sa kalasingan. Napabitaw na lang ako sa kanya ng mapansin ko na parang may mga matang nakatingin sa amin, kaya mabilis ko siya naitulak at nakita ko si Cain na nakatingin sa amin.

"C-cain, that's not what you think,' nauutal na wika ko habang iniwan si Zach at naglakad papalapit sa kanya

"Why explaining yourself? You know I don't care," madiin na wika niya

"C-cain," sambit ko sa pangalan niya

"Next time bago ka lumandi huwag mong kalimutan na may kasama ka at matuto kang magsabi para hindi kana isipin pa kung saan ka man magpunta, kung hindi lang dahil kay Jewel ay hindi ako mag aaksaya ng oras na hanapin ka kung saan tapos nakikipaglandian ka lang naman pala," diretsong saad nito 

Hindi mapigilan ni Monique ang pagtulo ng kanyang mga luha dahil sa narinig sa binata, maya maya pa ay hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Zach. 

"What's going on? Why are you crying Monique? What did this guy do to you?" tanong nito habang hawak ang balikat ng dalaga

Mabilis naman na umaling si Monique. "W-wala, nag usap lang kami."

Pero mukhang hindi naniwala ang binata sa kanyang sinabi at bumaling kay Cain. "Anong sinabi mo sa kanya? Hindi siya iiyak ng ganyan," akusa nito

"Wala kanang pakialam kung anong pinag usapan namin o baka gusto mo pang ulitin ko ang mga sinabi ko sa babaeng 'yan?" sagot naman ni Cain

"May pangalan siya! You should respect her."

Pumagitna na si Monique para mapigilan na magkainitan ang dalawa. "Please tama na, Cain, Zach. Nakakahiya sa mga tao," pakiusap nito

"Sabihan mo 'yang lalaki mo, hindi siya dapat nakikisali sa usapan ng iba," madiin na turan ni Cain

"Aba gago ka ah! Wala kang karapatan na bastusin si Monique."

"Sino ka para sundin ko? Huwag kang magpakahero," banat naman ni Cain

Napasigaw ni Monique ng bigla na lang sinuntok ni Zack si Cain.

Mabilis na nilapitan ng dalaga si Cain dahil dymugo ang gilid ng labi nito sa suntok na iginawad ng binata. Gaganti pa sana si Cain pero lumapit nasa kanya si Monique.

 "Zack ano ba! Tigilan mo nga 'yan." sigaw niya sa kabigan. "Cain are you okay?" baling niya naman kay Cain.

Pero iwinakli lang ng binata ang kanyang kamay. "Hindi ko kailangan ng concern mo! Pagsabihan mo 'yang lalaki mo masyadong pakialamero," galit na turan ni Cain at tumalikod na

"I guess you are fine, you can go home alone. Wala ng pabigat pa sa akin," dagdag pa nito at tuluyan ng  naglakad

"Zack ano bang ginagawa mo, ha? Hindi mo siya dapat ginanun!" 

"At ano hahayaan ko lang na bastusin ka niya? Wake up Monique! Huwag kang tanga," anas nito

"Hindi mo naiintindihan, you don't know anything," sabi nito at tinalikuran na ang binata

Kailangan niyang sundan at kausapin sa Cain dahil alam niyang mas lalong nadagdagan ang galit ng binata sa kanya.

Halos lakad takbo ang ginawa niya para lang hanapin kung nasaan si Cain mabuti na lang at namataan niya ito na naglalakad malapit sa tabing dapat.

"Cain!" sigaw niya ngunit parang wala lang narinig ang binata at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Kaya ang ginawa niya ay tumakbo para mahabil ito kahit na nahihirapan siya dahil sa buhangin. At ng makalapit siya rito ay hinili niya ang braso nito." C-cain, kanina pa kita tinatawag."

Ngunit tiningnan lang siya ng binata at akmang lalakad na naman ito ng mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak nito. Halata sa mukha ni Cain ang pagkairita pero hindi niya ito ininda.

"Ano bang kailangan mo, ha?" inis na tanong nito

"Kailangan natin mag usap, please Cain. Pati tungkol kay Zack"

"Ganyan kana ba ka desperada na kahit ayaw ka ng kausapin ay naghahabol kapa rin? Wala na tayong dapat pag usapan Monique. At isa pa wala akong pakialam sa lalaki mo," madiin na turan nito

"Cain pakinggan mo kasi ako. Ayaw kung tuluyan pa tayong magkasira. Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na."

Natawa namam ng bahagya ang binata. "Nasasaktan ka? At ako sa tingin mo hindi? Putangina Monique! Ginago mo ako! Pinaniwala mo ako at nagsinungaling ka sa tingin mo hindi masakit 'yon?" panunumbat nito sa kanya 

"Hindi mo alam ang pakiramdam ng mawalan ng tiwala sa taong ni minsan hindi sumagi sa isip mo na magagawa 'yon sayo. Of all the people Monique ikaw ang sisira sa samahan ng mga kaibigan ko. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon ha, na ang taong mahal ko ang sumira sa relasyon ng mga kaibigan ko, na ang taong minahal ko ay pinagmukha akong tanga. Hindi mo alam 'yon dahil hindi ikaw ang nasa lugar ko! Kaya kung nasasaktan ka mas nasasaktan ako dahil putangina minahal kita Monique, pero anong ginawa mo? Sinira mo ang lahat ng meron sa atin." galit na sigaw pa nito sabay napahilamos sa kanyang mukha na animo'y pagod na pagod

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ni Monique dahil sa sinabi ng binata, masakit para sa kanyang makita harap harapan kung gaano ka nasasaktan ang lalaking mahal niya at 'yon ay kagagawan niya lahat.

Sinubukan niyang hawakan ito ngunit umiwas lang. "C-cain," tawag niya pero umiling lang ang binata at naglakad.

Hinabol niya ulit ito at niyakap patalikod. "C-cain, please. Alam kong nagkamali ako, alam kung nasaktan kita ng sobra pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makabawi."

"Let me go Monique, bitawan mo ako."

Umiling lang ang dalaga. "Ayaw ko, hanggat hindi tayo nag uusap ng maayos."

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, hanggat nakakapagpigil pa ako bitawan mo ako."

Ngutni sadyang nagmatigas ang dalaga. "Kahit ipagtabuyan mo ako hindi ako aalis, hindi ako bibitaw Cain. Kahit na sumuko kana, hindi pa rin kia susukuan."

Marahas na tinanggal ni Cain ang pagkakayakap sa kanya ni Monique at tinulak ito na ikinagulat ni Monique. "Sinabi ko na sa 'yo huwag mong sagarin ang pasensiya ko. Wala kana bang dignidad talaga ha? Matapos mong lumandi at makipaghalikan sa ibang lalaki sasabihin mong gusto mong maging maayos tayo? Ginagago mo ba talaga ako? Pwes, hindi ako tanga tandaan mo 'yan. Sana pagkatapos ng bakasyon na 'to tigilan mo na ako." kitang kita ng dalaga ang nag aalab na galit sa mata ni Cain habang sinasabi ang mga 'yon sa kanya 

Halos hindi alam ni Monique ang sasabihin at ng tumalikod na ito at naglakad papalayo ay hindi niya na nagawa pang habulin, masyado ng maraming nangyari sa kanila sa gabing 'yon at ayaw niya ng mas lumala pa.

Agad siyang bumalik ng suite kung nasaan sila at niligpit ang kanyang mga gamit. Nakapagdesisyon na siya na mauuna ng umuwi at huwag ng sumabay sa lima, mag iiwan na lang siya ng note o kaya magpapadala ng mensahe kay Jewel para hindi na siya hanapin pa.

Napag isip isip niya na masyadong madaming nangyari sa loob ng nakaraang mga linggo kaya mas lalo lang nadadagdagan ang problema lalo na sa pagitan nila, pero hindi ibig sabihin na sumusuko na siya dahil alam niya sa sarili niya na walang siyang balak na sukuan si Cain. Hahayaan niya na muna na pareho silang makapagpahinga dahil hindi naging madali ang mga nangyari sa kanila.

'Sana dumating ang araw na buksan mo ulit ang puso mo para sa 'kin,' - bulong nito at nagpatuloy na sapag aayos ng kanyang gamit.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon