Chapter 20

1.7K 69 2
                                    

CHAPTER 20

"MAUNA na kami, Mr. And Mrs. Mc'Svoi, ikinagagalak kong makausap kayo ng ilang oras. Maraming salamat sa magandang pakikitungo na inyong ibinigay sa akin." magalang na sabi ni Elijah na may kasama pang bahagyang pagyuko.

Napairap naman si Justine, kung umakto kasi si Elijah sa harapan ng lolo at lola niya akala mi talaga may respeto. Hmp, pakitang tao lang naman. Napansin naman ni Elijah ang pasiring ng kaibigan niya sa kaniya. Psekreto niyang inambahan ito ng suntok.

"Natutuwa din kami na makita at makausap ka ng personal." senserong sabi ng lolo ni Justine. "Sa pag-alis mo, sana ay huwag mong kalimutan ang mga napag-usapan natin."

Napangisi naman si Elijah. Inang yan, sabi na nga ba niya e. Tungkol padin sa nakatagong yaman ng angkan nila e.

"Isang kalapastanganan ang pagsira sa usapan, Mr. Mc'Svoi. Hindi ko gawain yan, may isang salita ako kaya't magtiwala ka. Mauna na kami. Malayo layo pa ang aming lalakbayin."

Saglit na yumukod siya ulit at hindi na hinintay ang sasabihin ng dalawang matanda. Basta na lamang niyang hinila ang kaibigan niya na hindi na nakapagpumiglas dahil sa gulat.

Nang makalayo na sila.."Yung kamay ko, kaasar, ang higpit ng kapit mo. Pag talaga yan nag marka, gigilitan kita ng leeg." banta ni Justine.

Mabilis naman na binitawan ni Elijah ang kamay ni Justine. Sinuri ni Elijah ang buong mukha ni Justine. Saka siya tumawa, yung tawang nakakainsulto.

"Ako?" pagturo niya sa kaniyang sarili na may kasama pa ding pagtawa. "Gigilitan mo ng leeg?" paninigurado niyang tanong, baka kasi nabingi lang siya at mali ang narinig niya. "HAHAHA, nagpaoatawa ka ba?" natatawang taning niya kay Justine na mas lalo lamang sumama ang tingin sa kaniya. Natigilan naman si Justine ng biglang mawala ang maoang asar na ngisi ng dalaga sa kaniyang labi. Mabilis na nagbago ang reaksyon na ipinapakita ng mukha nito, ang nakangising labi ay biglang nagseryoso. "Bago mo magawa yun, napatay na kita."

May kakaiba sa boses at sa ekspresyon ng mukha ni Elijah. Kaya naman aminado si Justine na kinabahan siya. Legit, grabi. Para ngang nagsitayuan balahibo niya sa kamay at binti e.

Alanganing tumawa si Justine."Ikaw naman, nagbibiro lang ako. Masyado kang seryoso." naglulumikot ang mga mata niya. Hindi niya kayang tumingin ng daretso sa mga mata ni Elijah.

Biglanalang tumawa si Elijah. Gumaan ang loob ni Justine dahil dun.

"Kalma, nagbibiro lang din ako." mapang asar na sabi ni Elijah.

Nakahinga naman ng maluwag si Justine sabay sabing. "Sira ka talaga, tara na nga." nagsimula na sila muling maglakad.

Nauuna si Justine. Habang si Elijah ay nakasunod lang sa kaniya. Naisip niyg magbukas ng pwedeng pag usapan.

"Kumusta kayo ni Finligh?"

Nagtaka naman si Elijah ng mapansin niya na parang natigilan si Justine pero saglit lang naman. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya ng hindi sinagot ng binata ang tanong niya.

"Avoiding my question eyy."

Huminto sa paglalakad si Justine, hinarap niya si Elijah. Titig na titig siya sa dalaga.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon