KABANATA CCXXVI

3.6K 25 6
                                    

Ginamit ni Abby lahat ng kuneksyon at kapangyarihang mayroon siya para maghanap ng mga Godly pill pero wala siyang nahanap na kahit isang piraso nito.

Ang isang Godly yay naibenta sa halagang umaabot ng limang bilyong dolyar sa isang aucion na hawak ng pamilya Roger.

Hindi nakaattend si Abby sa auction na iyon kaya agad siyang nagsisi nang marinig ang balita.

Nakahanda siyang magbigay ng limang bilyon, o maging fifty billion dollars para lang maging isang master general. Nakahanda siyang ibenta ang kaniyang bahay, sasakyan, at maging ang kumpanya na kaniyang pinaghirapan para lang makatawid sa susunod na domain!

Habang si Darryl ay walang kahirap hirap na naglabas ng ilang piraso ng mga Godly pill sa kaniyang palad! Sa sobrang pambihira, maging mga major na sekta sa bansa ay hindi nagawang makapagtago ng kahit isang piraso nito!

Agad na namangha si Abby nang makita niya ang mga ito!

Pero malademonyong ngumiti si Darryl habang iniilagan ang kamay ni Abby bago sabay sabay na inumin ang mga hawak na Godly pill.

Gulp.

Nagawa niyang lunukin ang lahat ng ito nang sabay sabay.

"Ano?"

Dito na nanginig sa galit ang buong katawan ni Abby bago tumitig kay Darryl habang naglalabas ng nakamamatay na aura.

"Pinaglololoko mo ba ako?"

Nagalit dito nang husto si Abby, naramdaman niya na gusto niyang hampasin si Darryl ng latigo nang nasa isang daang beses!

Nagawa niyang lunukin ang ilang piraso ng pambihirang Godly pill ng sabay sabay!

Isa itong napakalaking kawalan! Nakatutulong ang mga Godly pill na ito para makalampas ang isang cultivator sa kasalukuyan niyang domain.

At bilang isang Level four master, walang naging epekto ang mga pill na ito kay Darryl, kaya sinayang niya lang ang lahat ng ito.

"Gusto mo na bang mamatay?"

Agad na kumislap ang liwanag sa paligid na bumuo sa isang napakahabang espadang nakatutok kay Darryl sa kamay ni Abby!

Nanlalamig na nagsalita si Darryl habang nakatutok sa layong dalawampong centimetro mula sa kaniyang puso ang espadang ito.

"Hinding hindi ka makakakuha ng Godly pill sa sandaling patayin mo ako."

"Hayop ka! Iniisip mo bang ibibigay ko nang ganon ganon na na lang ang mga mga pills na iyon matapos mo akong latiguhin ng dalawampong beses? Mas maigi nang inumin at sayangin ko na lang ang lahat ng ito!"

Agad na napatalon at inalis ni Abby ang itinutok niyang espada nang marinig niya ito.

"Inubos mo na ang mga hawak mong pills kanina. Pinaglololoko mo ba ako?" Nanlalamig na sinabi ng may nagdidilim na mukhang si Abby.

Bahagya namang ngumiti si Darryl habang sinasabi na. "Godly pill lang ang mga iyon. Kaya kitang bigyan nito, kahit ilan pa ang gusto mo."

"Ano?"

"Mayroon siya ng kahit ilang pills na gusto ko?"

Dito na tumitig nang husto si Abby kay Darryl.

Itinuturing na isang pambihirang kayamanan ng mga cultivator ang godly pill! Maging ang mga nakakatandang miyembro ng anim na mga Orthodox na sekta at angkan ay nastuck sa kasalukuyan nilang mga domain at hindi makatawid nang dahil sa kawalan ng Godly pill.

Pero nagawang sabihin ni Darryl na kaya niyang maglabas ng kahit ilang pills na gusto ni Abby.

"Mayroon ba talaga siya nito, o niloloko niya lang ako?"

Nang makita niyang magbago ang itsura ni Abby na parang isang mangmang, agad na natuwa si Darryl sa paghihiganting ginawa niya.

Hindi talaga gustong makipagkwentuhan ni Darryl kay Abby kaya agad siyang kumuha ng isang container na nagmula sa Qing Dynasty na ginamit ni Abby bilang dekorasyon, naglakad papunta sa kusina at naglagay ng mga sangkap sa paggawa ng mga Godly pill bago sinimulang lutuin ang mga ito.

Ang Godly pill ay ang pill na pinakamadaling gawin sa lahat dahil magagawang makita ng kahit na sino saan man sila magpunta ang mga sangkap ng mga sangkap sa paggawa ng mga ito.

Sumagot si Abby at sinabing. “Ano ang gagawin mo?”

“Malalaman mo rin mamaya!”

Wala sa mood si Darryl para ipaliwanag ito kay Abby. Nagpatuloy siya sa bihasang paggawa sa mga pills na nakapagpatulala kay Abby.

Nangangailangan ang Alchemy ng matinding pang intindi at karanasan.

Nagawa mang mamaster ni Darryl ang paggawa nito sa mga sandaling iyon kaya maituturing na nating nasa ibang level na ang pamamaraan na kaniyang ginagamit sa paggawa ng mga pill.

Ang paggawa sa isang Godly pill ay pangkaraniwang umaabot ng tatlong oras.

Pero nangailangan lang si Darryl ng kulang kulang isang oras noong mga sandaling iyon.

Pop!

Dahan dahang binuksan ng nakangiting si Darryl ang takit ng porselanang container nang maamoy niya ang amoy ng gamot na nanggagaling dito.

Dito niya nakitang nakalatag ang dalawang mga Godly pill sa loob ng container.

Agad na binalot ng mahinang amoy ng gamot ang buong kuwarto.

"Ano? Nagsanay ba siya ng alchemy para mabuo ang mga pills na iyon? At nagawa niyang magtagumpay sa paggawa ng mga ito."

Nakangiti naman siyang tiningnan ni Darryl, mayroon na itong dalawang mga pills na hawak sa kaniyang kamay bago isinubo ang isa sa mga ito za kaniyang bibig!

"Ikaw!"

Agad na ipinadyak ni Abby ang kaniyang paa sa sobrang panic.

"Bakit niya ginagawa ang bagay na ito? Isang pill na lang ang natitira sa kaniyang palad!"

"Pakiusap Darryl! Huwag mo na itong ubusin! Ibigay mo na ito sa akin."

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now