CHAPTER 10

15.4K 658 71
                                    

Last Dance

WALA ako sa mood. Paano kasi ilang linggo nang hindi nagpapakita si Puppy Gaston. Ang huling kita ko pa sa kanya ay noong inihatid niya ako sa bahay pagkatapos niyang gamutin ang gasgas sa tuhod ko at pagalingin ang paa ko. Ang sabi ni Timothy ay marami raw inaasikaso ang kuya niya sa Maynila. Kaya hindi niya rin alam kung kailan iyon makababalik dito. Baka nga raw matagalan bago iyon makabalik.

Pero bakit kahit isang text wala man lang siyang ipinadala? Ang dami ko nang text sa kanya. Araw-araw ko nga siyang tini-text, e. Pero kahit tuldok wala man lang reply. Birthday ko pa naman na bukas.

Lalo akong nalungkot nang maalala kong magdidise-otso na ako kinabukasan pero nai-imagine ko nang parang walang buhay ang party ko. May ipinadala kasing budget si Tiyang Sol sa amin. Minsan lang naman daw akong mag-18 kaya dapat daw ay may kaunting salu-salo man lang. Pero paano naman ako magiging masaya kung wala na nga akong Puppy Gaston, wala pang BFF na makaka-attend?

Naospital kasi ang Papa ni Zia Lynn. Pangalawang beses na iyon naospital ngayong taon. Marami yatang komplikasyon sa katawan. Kaya si Zia Lynn na raw muna ang magbabantay ngayong gabi hanggang bukas sa pasyente nila para makapagpahinga ang Mama niya. Kauuwi ko nga lang galing doon. Pagkagaling kasi namin ni BFF sa eskuwelahan ay dumiretso kami roon.

Parang hindi ko nga maatim na magpa-party gayong problemado ang BFF ko. Kaya lang ay naihanda na nila Nanay ang lahat. Diyan lang naman gaganapin sa beach report malapit sa amin. May pavilion kasi roon. Kumpare rin ni Tatay ang may-ari kaya may discount. Tanging mga malalapit lang na kamag-anak namin at classmates kong ka-close ko ang invited. Pero hindi naman lahat ng classmates ko ay makapupunta dahil nag-uwian ang mga iyon sa bahay nila sa kabilang bayan dahil weekend.

Hay. Matulog na lang kaya ako buong araw bukas?

"Kung makabuntonghininga ka parang pasan mo ang daigdig, ah. Ano na naman ang iniisip mo?"

Napaangat ako ng tingin nang bigla na lang magsalita si Nanay. Hindi ko napansing nakarating na pala siya galing sa beach resort. Tiningnan niya yata kung okay na ang lahat doon.

"Nay, kung 'wag na lang kaya natin ituloy ang party ko? Wala naman si Zia Lynn, e. Nakokonsensya akong mag-party nang problemado sila."

"Gaga! Ngayon ka pa nagsabi kung kailan nabayaran na ang venue at nakatay na ang mga panghanda bukas. Kung nagsabi ka kaagad e 'di sana nabawi ko na 'yon, sayang din 'yon!"

"Ay, grabe! Sumang-ayon naman kayo agad, Nay? Akala ko naman iko-comfort mo pa ako. Napipilitan lang yata kayong magpahanda sa birthday ko, e."

Kinaltukan ako ni Nanay sa noo. "Biro lang, ito naman. E 'di dalhan mo na lang ng pagkain ang best friend mo. Wala naman tayong magagawa dahil nangyari na ang mga nangyari. Sino naman kasi ang mag-aakalang maoospital ang tatay niya?"

"Sabagay, pupuntahan ko na lang ulit sila bukas ng umaga, Nay. Sa gabi pa naman ang party," nasabi ko na lang.

"Oh, siya. Padadalhan na lang kita ng mga niluto bukas. Nga pala, magpasalamat ka kay Señorito Timothy kapag nakita mo siya. Nagbigay pa naman 'yon ng dagdag na budget para sa birthday mo. Ayaw ko ngang tanggapin dahil ang dami na nilang naitulong sa pamilya natin kaya lang mapilit siya."

Speaking of Payatot. Nagulat ako nang makitang paparating siya. Pero simple lang ulit ang suot niya. Tuwing nagagawi siya rito sa amin, hindi na siya nagdadala ng kotse at lagi siyang nagko-commute. Hindi ko na talaga maintindihan ang trip ng lalaking ito.

"Ayan na pala siya, e."

Nakita rin pala ni Nanay na paparating siya. Ano na naman kaya ang sadya niya rito?

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon