CHAPTER THIRTEEN

499 13 3
                                    

"So you fucking ran away?!" eskandalosang tanong ni Bok sa akin, napatayo pa ito sa kinauupuan niya ng dahil sa gulat. Noong gabi na nag desisyon akong umalis sa Batangas ay si Bok agad ang unang pumasok sa isip ko, sa kanila ako ni Cedy tumakbo noong napadpad ako sa Manila, tatlong buwan na noon ang tiyan ko noong mga panahon na iyon.

Sa umpisa ay ayaw nila akong tanggapin dahil tiyak na sa kanila raw ako unang hahanapin ng mga magulang ko, plus the fact na kapag tinago nila ako ay madadamay sila sa problema ko. Ngunit sa huli ay wala rin silang nagawa nang sabihin ko na buntis ako at iyon ang dahilan kung bakit ako naglayas.

They never asked kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko. They helped me, itinago nila ako sa pamilya ko, hindi ako hinayaan ni Bok na tumira kasama sila sa iisang bahay kaya naman hinanapan nila ko ng maliit na apartment sa Caloocan habang sila ay nasa QC. Ang unang tatlong buwan ko sa Manila ang pinaka-mahirap, nahihirapan ako sa pagbubuntis ko maging sa mga sariling gastusin ko, dagdag pa ang hirap humanap ng trabaho dahil sa kalagayan ko. Hindi naman ako hinahayaan nila Bok at Cedy na magtrabaho, ako lang ang mapilit dahil nahihiya na akong i-asa sa kanila maging ang gastusin ko at ang perang gagamitin ko sa panganganak ko. Walang gabi noon na umasa ako na sana kahit papano ay hanapin ako ni Chaste, but to no avail, ni minsan ay hindi man lang ako hinanap ni Chaste kila Bok at Cedy gaya ng ginawang paghahanap ng mga magulang ko sa akin. I am a fool for expecting too much, nag expect ako na baka sakaling kapag umalis ako ay ma realize niya na mahal niya ako, o kahit man lang mamiss niya ako?

"Mama!" naputol ang pag sesentimento ko nang marinig ko ang matinis na boses ng batang lalaki, tumatakbo ito palapit sa amin ni Bok, nakasuot ito ng spiderman shirt at maong pants kasunod nito ay ang isang batang babae na naka suot ng dress at pusturang-pustura ang buhok, sa likod ng dalawang bata ay naka-alalay si Cedy, naka-kunot ang noo at halatang stress na stress na sa mga batang alaga.

"Ethan don't run!" sigaw ni Cedy, na siyang ikinatawa ko.

"Baby, pasaway nanaman ba kayo kay Daddy Ced hmm?" malambing na tanong ko sa anak ko matapos niyang kumandong sa akin.

"Si Kuya Ethan lang Nanay, he's so makulit kanina sa bahay, ako po behave lang," sagot ni Haven sabay asar sa kuya niya sa pamamagitan ng pag flip ng kulot niyang buhok sabay irap.

"Look Nanay, your daughter is so mataray, she's not respecting her Kuya!" reklamo ni Ethan. Natatawa ko na lamang silang pinagmasdan. Kung magtalo at magsalita ang dalawang ito akala mo naman ay mga high school na, samantalang grade one pa lang naman sila ngayong darating na opening.

"You are just two minutes ahead kaya!" pangangatwiran ni Haven sa Kuya niya.

"Enough na mga anak," saway ko sa kambal, tumigil naman sila sa pag-aasar matapos ang ilang paglabas-labas ng dila na parang ahas. "What does my babies want to eat?"

"Jollibee!"

"Mang Inasal!" magkasabay na sagot ng kambal, nagtitigan sila ng matagal nang marealize na magkaiba sila ng nais kainan.

"Nanay, sa Inasal po tayo. I want inihaw and maraming rice," naka pout na ani Ethan habang nag be-brautiful eyes pa sa akin.

Kapag ganiyan ang itsura ni Ethan ay hindi ko maiwasan g makita si Chaste sa kaniya. Parehong-pareho ang tabas ng mukha nila mula sa makapal na kilay, mahabang pilik mata, malalim at magandang mata ay pareho sila. Pati na sa kurba ng labi at korte ng ilong ay walang pinagkaiba sina Chaste at Ethan. Nagbitaw ako ng isang bunting hininga at ginulo ang buhok ng anak ko, hinalikan ko ang tungki ng ilong niya sabay ngiti kay Haven na naka-kandong sa Daddy Bok niya.

"Jollibee tayo today Kuya, last time noong lumabas tayo nag Inasal na tayo. It's Ate Haven's turn to decide now hindi ba?" napakamot ng kaniyang ulo si Ethan nang ma-realize na tama ako.

"Okay!" he cheerfully answered. Ibinaba ko si Ethan mula sa aking binti para i-ready ang gamit ko, si Bok naman ay kinarga si Haven. Maya-maya pa ay nakita kong nasa harapan na ni Cedy si Ethan at nakataas ang dalawang kamay.

"You want Daddy Ced to carry you?" tanong ni Ced, tumango naman si Ethan bilang sagot. Walang pag dadalawang isip na binuhat ni Cedy si Ethan at sumabay kay Bok ng paglalakad papunta sa Jollibee sa loob ng Mall habang ako naman ay nakasunod lang sa kanila. Ako na rin ang nag order ng mga pagkain na gusto nilang kainin.

"Nanay are we going to school na po ba?" tanong ni Ethan sa akin habang inaayos ko ang kama nila sa maliit na apartment namin.

"Grabe naman iyan anak, ayaw mo ba mag vacation? Kaka-vacation n'yo pa lang last week ah?" natatawang tanong ko sa aking anak.

"I love learning Nanay, kasi teacher Dianne told us na kapag nag learn kami ng maayos we will be able to help our parents, that's why I want to study and learn so I can help you," mangha akong napatitig sa aking anak, sa edad niyang ito ay hindi ko inaasahang ganito na siya mag-isip.

"Me too Nanay, I am learning so much from school so I can help you po," sabat ni Haven sa usapan namin ng Kuya n'ya, naka-upo na rin ito sa harapan ko gaya ni Ethan.

"What do you want to become ba Ate?" tanong ko kay Haven, natahimik ito sandali at nilagay ang kaniyang kamay sa chin niya na para bang nag-iisip.

"Alam ko na!" She excitedly exclaimed. "I want to be a model Nanay! Sabi ni Daddy Ced maganda ako and I'll be a great model!"

"You're not that pretty to be a model naman," bulong ni Ethan pero hindi iyon naka-ligtas sa pandinig ni Haven.

"Nanay oh!" naiiyak na sumbong sa akin ni Haven habang ang mga mata ay paiyak na. She also got her father's eyes, minsan gusto kong isampal sa harapan ni Chaste ang pagmumukha ng mga anak ko, wala kasi silang masyadong nakuha sa akin, lahat sa ama, tanging mahabang kulot na buhok lamang ang namana sa akin ni Haven.

"When you become a model magsusuot ka ng kung ano-ano tapos mga revealing pa and then makikita ng buong mundo, it's not a decent dream Haven!" pakikipag-talo ni Ethan sa kapatid.

Madalas kapag gan'yan sila ay natatawa ako, they act like a grown up man and woman.

"Ahh my babies, don't grow up so fast," sinakop ko sila parehas sa aking dalawang braso sa kanan ko si Haven sa kaliwa naman si Ethan.

"I can be a model right Nanay?" Haven asked. Ayaw n'ya talaga making sa kuya.

"You can baby," sagot ko sabay halik sa noo ng dalaga ko. "Ikaw Kuya? What do you want to be?"

"Lawyer Nanay," mabilis na sagot ni Ethan, parang sure na sure na siyang Law ang kukunin niya kapag nag college na siya.

"Hmmm, what a expensive dream you have there Kuya," komento ko. Mukhang kailangan ko talagang kumayod ng matindi ah. "But if that's what you want, Nanay always got your back. Both of you."

"I love you Nanay!" magkasabay na sambit ng dalawa, bumangon sila para papakin ang aking pisngi ng halik.

If I have this two by my side, pakiramdam ko ay wala akong kapaguran. Their laughter, kisses and love, sapat na sapat na.

Buong bakasyon ay ginugol ko ang oras ko sa paghahanap ng bagong trabaho, nag close kasi ang school na pinagta-trabahuhan ko kaya napilitan akong umalis doon. Medyo malayo ang Gardner College sa Davidson International College kung saan nag-aaral ang mga anak ko but the good thing is along the way lang din naman kaya hindi ako mahihirapan sa paghatid at pagsundo sa mga bata kapag nag start na ang pasukan.

"Umamin ka nga sa aking bakla ka, si Chaste ba ang ama ng mga paslit na iyan ha?!" tanong ni Cedy sa akin, nandito kami ngayon sa apartment na tinutuluyan nila ni Bok, nagyaya kasi ang mga bata na lumabas pero ayaw nila sa Mall, nang tanungin ko sila ay gusto raw nila rito sa apartment nila Cedy dahil malapit sa park. Kakatapos lang maglaro ng dalawa at natutulog na sa guest room.

"Paano mo naman nasabi?"

"Girl ako ang baby sitter nila since birth at habang lumalaki si Ethan ay nakikita ko ang pagmumukha ni Chaste sa kaniya. Maging si Haven, parehas sila ng mata ni Chaste, kapag ginupitan mo ng panlalaki ang unica ija mo ay para na silang triplets nina Chaste!" litanya ni Cedy. I just shrugged my shoulder. I did not confirm nor deny anything. Alam ko naman na alam na niya ang sagot.

To be continued...
SeductiveLau

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now