Chapter 10

16.8K 586 142
                                    




IF THAT'S WHAT YOU WANT


"Madam!" Natatarantang itinago ni Helena ang newspaper na binabasa nang makita ako sa kusina. "G-good morning po!"


Maaga akong nagising ngayon. It's quarter to six. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. And my brain is messed up.


"Is that about Ansel and I? Nasa dyaryo na rin?" I chuckled but there was slight bitterness in my voice. I don't know where it came from.


Bakit ba ako nagkakaganito? Dapat nga magcelebrate ako!


Alanganin siyang ngumiti. Helena bit her lip and nodded. "Opo e."


I just gave her a small smile before sitting down. Manang Inday also entered. Nakita niya 'yung hawak ni Helena. Her eyes widened. Pinanlalakihan niya ito ng mga mata.


"It's okay, Manang. Alam ko na 'yan," natatawang sabi ko. Although my laugh is dry. Nako Iana, umayos ka.


Manang looked at me and I didn't like the pity in her eyes. "Napakabait na bata ni Ansel. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka niya itinatago sa mga tao. Kung bakit ka niya tinatanggi."


Mabait? I scoffed at the back of my mind. I think not. He's more of a devil reincarnated. Sino ba namang tao ang oportunista at gagamitin ang utang ng mga may atraso sa kanya para hingin ako na kapalit? That for me is not considered kind.


Umiling ako. "Ako po ang may gusto nito, Manang. Sinunod lang ho ni Ansel."


"Hala," Helena covered her mouth using her palm
"Bakit po? E mukhang maha–"


"Oo, Helena ano may niluluto ka pa diba? Kailangan mo pa na tapusin diba?" Pinandilatan siya ni Manang Inday.


"Ah hehe. Oo nga po pala," Helena cleared her throat and turned around to face the stove.


"Hija, hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niyo ni Ansel pero kung ano man iyan ay sana maayos niyo," she gave me a soft smile. "Bagay pa naman kayo nung ginoo na iyon."


'Ms. Torres is just an acquaintance..'


'I'm already dating someone as of now...'


"Panindigan mo, Iana. Ginusto mo 'yan. You should celebrate and be happy!" I hissed to myself.


This day, I planned to go visit my Mom before attending the practice. I'm the model who will open the runway fashion show so I really have to do my best. I was chosen by the management and it was such a pleasure for me. Hindi pa matanggap ni Paula na ako ang napili kaya mas lumaki ang galit niya sa akin.


"Mang Tasyo, paantay na lang ho ako. Pero pwede naman pong umalis ho muna kayo at tatawagan ko na lang po kayo kapag uuwi na ako," I told him when we are in front of my parent's house. The house I once called as home.


"Ah sige ho, Ma'am," mabilis siyang lumabas para sa pagbuksan ako ng pintuan pero nauna na ako. Mang Tasyo scratched the back of his head. "Antayin ko na lang po kayo rito. Magpapark na lang po ako."


"Or do you want to come inside the house na lang po?" Magalang kong tanong.


Nahihiya siyang umiling. "Hindi na po, Ma'am. Antayin ko na lang po kayo rito."


Tumango ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay napahawak ako sa dibdib ko nang may tumili.


"Iana, hija! Jusko kang bata ka!" I was overwhelemed when I felt Manang Jocelyn's hand around me as she hugged me. "Na-miss kita!"


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon