Chapter 22

1.6K 71 11
                                    

CHAPTER 22


"Papi, hehehe. Anong ginagawa mo dito? Na miss mo ako 'no? Yiee, na miss niya ako. Naks naman, kikiligin na ba ako? Hmm, papi ko?"



Saglit na napanguso siya ng hindi man lang nag abalang sumagot ang papi niya. Kaya mas kinulit na lamang niya ito. Pasasaan pa at bibigay din ito.



"Papi, halika. Samahan mo ako." sinubukan niyang hilahin ang papi niya. Pero maliit lang naman nag katawan niya, sumuko na lamang siya. Feeling niya naghila siya ng malaking tipak na bato ng subukan niyang hilahin ang papi niya. "Papi, naman e." pagrereklamo niya, suko na siya. Hindi talaga siya pinapansin ng papi niya. Bukod pa duon, ang sama ng tingin nito sa kaniya.




Lumapit siya sa papi niya saka kumapit sa braso nito. "Ano ba kasi ang problema? Bakit ang sama ng tingin mo sakin? Hmm? Kakabahan na ba ako?" gusto niyang matawa sa mga pinaggagawa at pinagsasabi niya. Para kasi siyang ewan sa inaakto niya ngayon, tapos ang tono ng pananalita niya, daig pa ang bata. Tsk.




"Papi, sure ka na ba diyan? Hindi ka ba talaga magsasalita? Sure na yan? Hundred percent na yan? Legit?"



Tinodo na niya ang pagnguso niya, yung tipong mapagkakamalan na siyang pato sa haba ng pagnguso niya. Kasi naman, itong papi niya. Pinaglihi sa sama ng loob.




"Cloud"


Napalunok siya. Promise, wala talaga siyang kinatatakutan, bukod syempre sa aso at sa papi niyang nag iibang anyo kapag galit.



Napatawa siya ng alanganin. Ang lalim kasi ng titig ng papi niya sa kaniya. Tagos hanggang buto buto.



"What about him?" clueless na tanong niya. Aba malay naman kasi niya. Ano bang meron sa Ulap na yun at parang galit na galit ang papi niya.



Habang iniisip niya kung bakit parang galit ang papi niya ng banggitin nito ang pangalan ni Cloud. Si Coldy naman ay sinusuri ang mukha ni Elijah.

Nag igting ang panga niya ng maalala niya ang eksena kanina sa labas ng company niya.


FLASHBACK

Naglalakad si Coldy papasok sana sa company niya. Nagmamadali siya dahil may urgent meeting siya kasama ang dad niya at ang iba pang mahahalagang panauhin.


Natigilan siya sa paglalakad ng may mapansing pamilyar na mukhang aso. Nawala ang magaang pakiramdam na nararamdaman niya, napalitan ito ng pagngingitngit.




Nakangising lumapit ito sa kaniya. Sinubukan siyang akbayan pero umiwas siya. Ayaw niyang mahawaan ng virus na dala dala nito.



"What do you need?" walang emosyon ang kaniyang mukha. Malamig din ang kanuyang boses. Halatang ayaw niyang manatili sa iisang lugar kasama ito.





Ngumiti naman ang lalaki. "Ikaw naman, masama bang dumalaw sa isang kaibigan?"




Nandiri si Coldy dahil sa sinabi niya. "Kaibigan? Ikaw? Tsk, wala akong kaibigang may mukha ng aso."


Nawala ang ngiti sa mga labi ni Cloud, napalitan ito ng pantay na pagkurba at matalim na pang tingin kay Coldy na pa cool na nakatayo lang isang metro ang layo kay Cloud.




"Kung wala kang sasabihin, mauna na ako. Sinasayang mo ang oras ko." nakatalikod na siya at nakahakbang na ng dalawang hakbang ng magsalita si Cloud na ikinakulo ng dugo niya.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon