CHAPTER 9.5

4.2K 244 29
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 9.5

Traitor
---------------------------
--------------------------------------


BUMUNGAD kay Nephrite at sa mga bata ang mga kalalakihang panauhin na ilan sa mga ito ay pamilyar sakaniya, subalit ang mga bata naman na kasama niya ay dismayadong makitang ni isang bata ay wala roon na kasama ng mga kalalakihang panauhin.

"Kiddos, your main place is in the greenhouse, so let me take you there." ika ni Callen na binabaan ng tingin ang mga bata na nakatitig ang mga ito sakaniya. "You too, Nephrite, come along, because you didn't bring a maid, so you'll be the one to watch over your nieces and nephews." ani Callen.

"Yeah, yeah, whatever." walang ganang ani Nephrite. Nginisian lamang siya ni Callen saka tumalikod at nagsimula nang igiya sila sa mismong lugar na para sa mga bata.


MIDNIGHT's POV

Hindi ko na mabilang ang mga minutong lumipas simula nang iwan namin sina Nightfall at ang mga bata sa greenhouse. Kanina pa ko nakikipag-usap sa mga dating kaibigan at mga kakilala rito ngunit si Eri parin ang laman ng aking isipan. Hindi ako mapalagay kung ano na ang nagaganap sakabila at kahit na alam ko namang kasama nito si Kuro ay may kakaiba parin sa pakiramdam ko na may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko alam kung bakit, dala kaya ito nang pagkasabik kong makitang muli si Eri?

"Hey twin-bro, chill." biglang bangga sa akin ni Twilight sa tabi ko habang may hawak itong baso na may lamang juice. "Kasama naman ng mga bata si Kuro, you don't have to worry about them." tipid na ngiting ani Shiro. Nginitian ko na lamang siya pabalik at tinuon na lamang ang atensiyon sa mga kaibigan.

"I heard that Erden Sonneillon Castello has a daughter too." biglang pag-iiba ng usapan ng isa pa naming kasama dahilan upang maibuga ni Twilight ang iniinom nitong juice.

Pati ako ay nanlaki ang mga mata sa narinig, bakit biglang si Castello na ang pinag-uusapan namin ngayon?

"Wow, really? That demon has a daughter? hahaha ridiculous, then that child is dead now?" natatawa at hindi makapaniwalang ani ng isa pang kalalakihan na kasama namin.

"Erden Sonneillon Castello? Familiar but i don't know who he is."

"Who's that? And what do you mean that his daughter is dead now?"

Natikom ang bibig ng lalaking kaninang nagsalita dahil sa kaniyang sinabi dahil sa anak ni Castello. May ibang panauhin nga pala na hindi kabilang sa organisasyon o sa mafia, ang iba rito ay mga ordinaryong businessman at malalawak din ang impluwensya ngunit hindi sila kabilang sa mafia.

"Uhm--i mean, his daughter has been nowhere to find, and there is some rumors that his daughter has been kidnapped and killed by the kidnappers." palusot ng lalaki habang hindi makatingin ng maayos sa iba. 

"What!? She's been killed? Then why did you laugh about that child is dead?" galit na ani ng lalaking isa sa mga nagtanong kung sino si Erden.

"N--No i--it's not that, i don't mean..."

Umalis na ko sa puwesto dahil ayoko nang makinig, mas lalo akong nai-stressed lalo na't pag nababanggit ang pangalan ng lalaking iyon. Dahil ang totoo niyan ay buhay pa si Eri at na sa aming pangangalaga. Hindi ko na nga malaman ang gagawin namin kapag nalaman ni Castello na nasa amin ang bunsong anak nito, at hindi ko na rin alam ang gagawin ko kapag nalaman ng mga Orcus na nasa amin din ang kinikilalang anak ni Lord Jadeite na anak naman talaga ni Erden Castello ay baka pati ako ay idispatsa ng mga taong iyon. 

Buti na lamang ay pinayagan ako ni Lord Jadeite na magresign, pansamantala nga lang. Gumawa na ako ng paraan lahat-lahat huwag lamang niya akong patayin pag sinabi kong gusto ko magresign. Pinagbigyan niya nga ako sa hiling ko ngunit pansamantala nga lang. Para lamang ako nagbabakasyon at babalik muli sa trabaho pag kailangan niya ulit ako.

Napabuntong-hininga ako dahil sa dami ng iniisip.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko dahil bigla na lamang ako umalis sa aming puwesto. Balikan ko na lamang kaya sina Kuro sa greenhouse? Gusto kong makita si Eri, ang aming baby Fuyumi namin. Wala na akong pakialam kung ano na ang susunod na mangyayari saming tatlo pag nalaman ng mga Orcus, Crescente at Castello na nasa amin ang bata. Bakit ko nga ba sinama ang Crescente? Ayon kay Kuro ay nabihag din ni Fuyu ang brutal, malamig at singtigas ng bato ang puso at sing-bangis ng lobo ang nag-iisang anak ni Don Sergio Zahir Crescente na si Scorpious Zillah Crescente o mas kilalang Sirius. 

Hindi na ko magkokomento kung bakit pati si Lord Sirius ay gusto ding makuha si Eri.

Babalik na sana ako sa pinanggalingan ko para puntahan ang greenhouse nang makita ko ang mga taong pamilyar sa akin na kasama ni Callen. Sino iyon? pati ang mga batang kasama nito ay pamilyar din sa akin. Mga panauhin din ni Callen? Pinakatitigan ko ng mabuti ang mga iyon na mukhang papalapit sa puwesto nina Twilight at ng iba pa naming kausap namin kanina.

Ngunit huminto sila na mukhang may sinasabi si Callen sa lalaking katabi, hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila ngunit hinayaan ng lalaking pamilyar na isama ni Callen ang mga bata sa direksiyon papuntang greenhouse. At ang lalaki naman na naiwan ay tumayo lamang sa gilid ng mahabang mesa na nakalatag ang mga pagkain at pinagmasdan lamang ang mga tao sa paligid. Medyo ang weird niya sa sitwasyong iyon dahil hindi man lang siya lumapit sa ibang kalalakihan upang makipag-usap man lang o makipagkilala.

Lalapitan ko sana ito nang makita kong papunta si Shiro sa direksiyon ko kaya napahinto ako sa paglakad.

"Twin, pupunta lamang ako sa restroom, huwag mo kong mamimiss bigla, okay?" mapang-asar ani Twilight.

Umarko lamang ang kilay ko na tiningnan siya, tinapik nito ang balikat ko saka nilagpasan ako paalis na may ngisi sa labi. Siraulo.

Napailing lamang ako saka nagpatuloy muli sa paglakad upang lapitin ang lalaking pamilyar. Nagulat ako nang humarap ito sa direksiyon ko at nanlaki ang mga mata sa nakita. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng maging pamilyar ay bakit siya pa?

Lord Nephrite?

Anong...Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko si Lord Nephrite na umayos ang tindig nang makita niya rin ako sa gulat na mga mata.

Nabablangko ang isipan ko at naguguluhan kung ano ang una kong gagawin sa sitwasyon ko ngayon. Tatakbuhin ko ba si Nightfall na nasa greenhouse o si Twilight na pumuntang banyo?

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Hindi pwedeng makita ni Lord Nephrite sina Twilight at Nightfall na kahit alam ko namang walang problema na makita niya ang dalawa kong kambal. Ngunit na sa amin ang kinikilalang anak ni Lord Jadeite kaya malilintikan talaga kami.

Nakita kong kumakaway pa si Lord Nephrite sa direksiyon ko, mukhang nakilala niya kaagad ako.

Ayoko namang maging traydor ang paningin ng mga Orcus sa akin dahil na sa amin ang pekeng anak ni Lord Jadeite talagang mayayari talaga ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, bahala na!





=======================
Dapat Jan 1 palang may update na eh, kaso yung katamaran ko talaga nananaig eh kaya pasensya na talaga wahahahaha. Happy 1st Anniv sa TMIC Book 2 at 23rd Monthsary sa TMIC Book 1. 

Pinipilit ko na talaga mag update kasi magrerelease ako ng mga panibagong kuwento hehehe. 

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon