Cinyla’s POV
DAHAN-DAHAN akong nag-unat at napansin kong may kakaiba sa kama ko. Maluwag at tila parang wala akong katabi. Hindi ko alam kung nasaan siya, ang alam ko lang ngayon nagmamasid ako na para bang may hinahanap.
Nasaan kaya siya?
Inayos ko na lamang ang higaan at binaliwala ang nasa isip ko. Hindi maganda kung iisipin ko siya. Inayos ko na lang ang kama ko hanggang sa makarinig ako ng katok sa pintuan.
“Teka lang, palabas na rin!” sigaw ko pagkatapos kong maayos ang mga unan sa harapan ko.
“I need to go home, Cinyla. But I will come here at the afternoon.” Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang boses ni BenChua. Wala ako sa sarili binuksan ang pintuan at nakita ko na naman ang malulusog niyang abs.
“Can you please wear you t-shirt!” Utos ko rito habang nakatakip ng kamay sa mata ko.
“Oh sorry, I don’t know it. Aalis na talaga ako, ginising lang talaga kita.” Sinuot niya ang blue t-shirt niya sa harapan ko. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ang sagot niya o sadyang inaakit niya lang ako. Nasa gitna pa siya ng pintuan ko na para bang sinasadya niyang makita ko ang walong pack abs niya.
“Alam mo, kung aalis ka, umalis ka na. Hindi yung ganiyan ka, napaka mo!”
“Napaka ano?” Lumapit ito na para bang may gusto pang gawin. Tinulak ko nga ito dahilan para tuluyan siyang tumabi sa kalapit nitong pintuan kung saan sa guestroom.
“Ang lakas mo naman. Sige na, aalis na talaga ako Cinyla. Susunduin kita mamayang hapon. I don’t know the exact time basta susunduin kita.” Kasalukuyan ng seryoso ang awra nito dahil sa boses niyang buo at diretso ang tingin. Minsan talaga hindi ko alam kung anong klase siyang lalaki. Bigla-biglang nagbabago ang mood niya.
“Bakit mo pala ako susunduin?” tanong ko rito habang nakatingin sa mga mata niyang nangungusap. His pure brown eyes telling me something and the curves of his lips is really awesome dahil sa natural na pamumula nito.
“Just be with me, ako ng bahala sayo. Teka, may problema ba sa mukha ko?” takang tanong nito at napahawak sa mukha niya, dahil sa akala niyang may dumi ito. Pero ang totoo, hindi ko rin alam bakit ako napapatitig sa kanya ng ganito. I was amazed for his perfect face.
“Hey! Are still with me?”
“Cinyla.”
Hanggang sa nagising ako sa katotohanan ng tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ko akalain na napapatitig na pala ako ng matagal sa kanya. “Y-yeah, I am here. Sige na umalis ka na BenChua. Just text me if pupunta ka pa o hindi na.” Bilin ko rito at inayos ang sarili ko. Nakahihiya sa inasta ko kanina, baka isipin niya pa na pinapantansiya ko siya. Malabo.
Nagpaalam na nga ito at sa wakas nakahinga na tin ako nang maayos dahil sa totoo lang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag nag-iiba siya ng awra.
Bumababa na rin ako at hinanap ng mga mata ko si mommy, pero ni anino niya ay wala akong nakita. Nasaan kaya siya?
*****
@Faith Restaurant
Kasalukuyan na nga kaming nandito sa isang 5 star restaurant na kilala sa Laguna. Hindi ko alam kung bakit nandito kami at napansin ko lang din na kaunti ang mga tao. Simple lang din ang sinuot ko dahil hindi ko naman inaasahan ang ganitong pangyayari. I am just wearing a red dress and 2 inches of black sandals.
Kulay ginto ang paligid at samo’t sari ang mga halaman na nakapaligid sa restaurant. Bago kami makapasok sa loob may dalawang guard din nasa entrance. Diretso lang kami at may inabot lang na dalawang maliit na papel si BenChua sa isang guard na nasa kanan.
YOU ARE READING
Unforgiven Sins
RomanceLove that no one can't break. A love that continues the history itself. A love that she can't forget. The more you hate, the more you want. Cinyla will fall in love with a man that he doesn't know. She will allow the man who is also part of their pa...
