CHAPTER 1

40 4 1
                                    

IMPIT NA NAPATILI pati ang kumukulong blood cells ko nang madatnan ko ang pamilyar na coffee cup ng L'espresso kasama ang isang tangkay ng red rose, sa ibabaw ng table ko. It was seven in the morning at saktong-sakto ang timing ng mga 'yon para i-boost ulit ang energy ko ngayong araw. Unti-unti nag-switch sa calm mode ang kanina lang ay beast mode na sistema ko.

Dapat naman talaga ay maganda ang mood ko. Pero dahil nakasabay ko sa pag-clock in si Evil Brenda—nasampolan lang naman ako ng signature busangot face niya na sinabayan pa ng pagbibigay niya ng first load ng trabaho—instantly, nasira ang supposedly masaya sanang Friday morning ko.

Acid reflux is waving! nang-aasar na warning ng inner self ko ng akmang hahawakan ko ang cup sa ibabaw ng table ko.

Pero tinaasan ko lang ng kilay ang pakialamerang inner self ko. Dedma! Marami pa akong stock ng Gaviscon sa drawer ko kaya keri lang. Saka masyadong precious ang kapeng ito para ipamigay or itapon ko lang, 'no!

Kasi special ang nagbigay? Tse!

Abot hanggang tainga ang ngiting kinuha ko ang mainit pang cup at nilanghap ang mabangong aroma ng kape from my "special someone". Cappuccino's not my favorite pero okay lang. 'Yong effort ng nagbigay ang mas mahalaga. Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti ko habang inaayos ang mga gamit sa table. Naglaho na ring parang bula ang kakaunting trace ng pagkayamot na kanina lang ay ramdam na ramdam ko.

"Sana all na lang talaga!"

Mula sa pagbubukas ng computer, napahalakhak na nag-angat ako ng mukha sa pambungad ng boses na iyon na noon ay kapapasok lang sa faculty room.

"Good morning, Ellie!" masiglang bati ko sa closest friend slash co-teacher ko na parang may lahing Korean pero pure Filipino naman ang blood line. "'Ganda ng OOTD mo ngayon, beshy!"

She looked like a KDrama college girl in her white chunky sweaters—which matched her short bob haircut and fair skin tone—and a long checkered skirt. She paired it with a cream colored ankle boots. Though, medyo chubby si Ellie bumagay pa rin sa kaniya ang suot dahil nag-compliment iyon sa height niya—kaparehas ko siyang five feet and two inches ang height.

Napansin kong hindi rin siya naka-glasses today. I bet she replaced it with her contacts again. Well, mas prefer ko ang ganitong look ng friend ko na nafi-flex niya every Friday. Mas maganda ang bukas ng mukha niya kapag wala siyang glasses dahil mas nae-emphasize ang expressive na almond shape eyes niya at matangos na ilong.

"S'yempre! Hindi p'wedeng ikaw lang ang maganda dahil may pakape at pa-flowers ang special someone mo!" natatawang sagot niya then settled herself on the seat beside mine.

Elliena Guerrero was my friend for six years already. College friends kami at blessing in disguise na nagkasabay kaming pumasok sa Brentwood three years ago. Siya kasi ang nagsilbing karamay ko sa taxing and toxic life ko as a high school teacher.

My name's Kiara Guanzon, but people often called me "Kia". Turning twenty-five na ako next month and on December I would be four years in the service. Teaching was never my dream job. High school pa lang ako, never ko nang nakita ang sarili in this profession. I originally wanted to become a doctor, but it was not granted dahil nalugi ang business ni Daddy noong twelve years old ako. That was also the reason why my family, which was from Manila, moved back here in Baler noong first year high school ako.

Dalawa lang kaming magkapatid. Si Kuya Kade—na nakakuha ng item as an Engineer I sa municipal office ng Baler—at ako. In the present, my family was doing well. Retired public servant na si Daddy—after his failed business he applied for an administrative job in the provincial office of Aurora—while si Mommy naman ay abalang-abala pa rin sa pagbabantay ng sari-sari store namin. Though, hindi na katulad ng dati ang status namin financially, still I was able to enjoy my life in general. At kahit hindi ako napunta sa Med school noong college, nagawa ko namang ma-appreciate ang tinapos ko kahit malayo iyon sa dream course ko.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon