CHAPTER 4

22 2 4
                                    

"O, BAKIT nandito ka pa't nagpapakalat-kalat, Kia? 'Di ka pa ba late sa flight mo?"

Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na tanong ni Zeph at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Six AM na noon at bahagya nang sumisilip ang papasikat na araw sa hilera ng mahabang kabundukang nakapalibot sa maliit na village namin. The sky looked promisingly clear—perfect sign para kay Mommy na maglalaba ngayon.

Magkakahalong ingay ang maririnig sa paligid. There were birds singing above those tall Gmelina trees that surrounded the whole place. Sumasabay rin doon ang pamilyar na tunog ng bell sa bisikleta ni Manong Caloy na kanina pa iniikot ang buong Zabali para maglako ng mainit-init pang pandesal. It was a busy Sunday morning. Maaga pa lang pero buhay na buhay na ang paligid dahil sa mga residenteng nagsisimula na sa kani-kanilang mga gawain.

I inhaled. Pinuno ko ng malamig at sariwang pang-umagang hangin ang lungs ko at itinodo ang volume ng music sa phone na nasa bulsa ng suot kong running shorts. I continued running until I was out of breath. Tagaktak na rin ang pawis ko pero hinayaan ko lang tumulo iyon. Umaasa akong sasamang umagos doon ang indifference na dama ko pa rin hanggang ng mga oras na iyon.

Ten days nang nakararaan mula nang ibagsak ni Evil Brenda ang masamang balitang hindi ako matutuloy sa Singapore. And today was supposed to be my flight. Very excited pa naman ako when I informed my parents and even Zeph about it. I promised them that I would stroll around and would bring souvenirs once I came back. But sadly, none of it happened.

Sinayang lang naman ang efforts ko. Pinalitan ako nang wala akong kamalay-malay!

Naalala ko pa kung paanong umiyak ako nang umiyak when I came home that day. I felt cheated and disappointed. Hindi ko lubos maisip na sasayangin lang nang gano'n ang sacrifices ko. Wala naman akong naging lapses. Hindi ko kailanman hinayaang ma-compromise ang competition na iyon kahit pa sandamakmak ang trabahong ibinibigay ni Evil Brenda. At aware na aware ang letseng bruhang 'yon doon!

And Jiro...

After that meeting, I received a call from him. He said he was sorry and was really hesitant to say yes at first. When he told me about it, I knew he was sincere. Pero kapag naaalala ko ang sinabi ni Evil Brenda about him gladly accepting the mentorship, sumasakit nang husto ang puso ko. Since that day I had this doubts towards him na ayaw ko sanang maramdaman.

Mataas ang tingin ko sa kaniya. Kahit minsan hindi ko binigyan ng ibang kahulugan ang effort niyang tulungan ako as I prepared for that competition. I thought he was doing that because I really was special to him and that I also had a special place in his heart...

Pero mukhang iba ang meaning no'n sa kaniya.

The thought made my heart ache. Mula sa mabilisang pagtakbo unti-unting bumagal ako. For a moment naramdaman ko ang saglit na paninikip ng dibdib ko.

"Kaya naman pala hindi mo ako naririnig, Korean song na naman na hindi ko ma-gets ang lyrics ang nasa playlist mo."

Biglang naputol ang emotional voice ni Eunkwang sa chorus part ng Alone nang marahang kinuha ni Zeph ang isang pair ng ear pods na nakapasak sa tainga ko. Tuluyang tumigil ako saka siya nilingon.

"O, nand'yan ka pala?" painosenteng tanong ko though it was obvious that he wouldn't buy it.

"Kanina pa. Kaya nga hinabol kita, eh. Pero tinakbuhan mo ako na para bang nakakita ka ng pogi at hot na multo," mahangin na sabi niya.

Tumaas tuloy ang kilay ko saka siya inirapan. There he went again with his haughty side na wala sa timing. Masama ang tingin na hinablot ko ang ear pod na hawak niya. Mayamaya sinimulan ko nang maglakad. Pero mukhang walang balak si Zeph na itigil ang pang-uusisa niya. Maagap siyang sumunod sa 'kin.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon