Chapter 44 - Acting is Over

274K 7.6K 1.3K
                                    


Iika-ika akong naglalakad habang dumedepende ng balanse sa pader ng mga nagtataasang gusali. Kailangan kong bumalik as soon as possible para mai-hack ang CCTV footages ng school sa mga lugar na dinaanan ko.


Napatigil ako nang maramdaman ang hapdi ng sugat ko sa hita. Ni hindi rin tumitigil sa pagdurugo ang ilan ko pang natamong palo. Mabuti na nga lang at nalinis ko ang ilang patak ng dugo ko sa opisina dahil kung hindi, maaari nilang ipatest 'yun at tiyak na mapapatalsik ako sa eskwelahan just right before the graduation.


Mariin kong hinawakan ang parteng nananakit. Mabibigat pa rin ang paghinga ko at pati ang mga talukap ng mga mata ko ay tila bumabagsak na. Kung iisipin mo nga naman parang ang bilis ng panahon. It seems like yesterday when I first stood up against Spade and his friends. Ngayon, it's almost the end of February.


Halos mapaupo na ako sa sobrang panghihina nang makarinig ako ng mga mabibilis na yabag at maiingay na pagdaan ng mga binti na iyon sa damuhan. Pagtingin ko, para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.


Mabuti naman at ayos lang sila. Kasama na rin nila sina Dash. And speaking of Dash and my reapers, how come alam ni Kirsten ang tungkol sa kanila? She is somewhat suspicious for that. Ni ang mga heads nga walang kaalam alam kung sino sila kaya nga mabilis na pumorma ang mga misunderstandings eh pero bakit siya, bakit alam niya?


"Hey! Oh my God. I wanna kill that woman right now! She sent some men to hold us still so that we won't reach you in time and then maaabutan ka namin na ganito? Damn! If I got my hands on her, I'll surely grab her heart out of her body!" Rennei exclaimed with a murderous look. Pinalilibutan na nila ako ngayon. Lahat sila may mga mapag-alalang mga ekspresyon sa mga mukha nila.


"Fuck, I'm not dead yet. Don't put up that kind of face, idiots." I told them. What's done is done. Nandito na ang mga sugat ko so ano pa bang magagawa namin di ba?


Napansin ko namang ang tahimik ng mga personal guards ko. Paulit ulit ko silang inobserbahan sa iba't ibang anggulo upang tignan kung may problema ba pero ikinagulat ko nang bigla silang tumingala mula sa pagkakatungon kanina.


"Why are you crying?" di ko mapigilang masurpresa sa pagkakita sa mga butil ng luhang nanggagaling sa mga mata nila. You will notice how hard they are trying just to hold those tears but they end up rubbing their eyes.


Naisip ko kaagad, marahil ay sinisisi nila ang mga sarili nila about sa nangyari sa akin. Ang tumatakbo siguro sa mga utak nila ay ang hindi pagsagip muli sa kanilang master sa pangalawang pagkakataon. It's not their fault at all. It just happened na may mga pinagawa ako sa kanila at ako ang nag-utos sa kanila na unahin 'yun bago bumalik. Hindi nila kasalanan na wala sila sa tabi ko nang mangyari ang pambubugbog.


"F-for the s-second time around, hi-hindi ka na naman namin na p-protektahan. Sorry, we're really sorry! S-sorry for being so useless! We can't even g-guard our mistress well and yet we c-call ourselves your personal reapers! Tatanggapin po namin ang ka-kahit anong parusa para sa pagkukulang namin! Even the w-whole mafia's wrath for our unworthiness, we are willing to have it!" nanginginig na boses na tugon sa akin ni Dash. Bawat isa sa kanila ay nanginginig ang mga kamay. Lahat sila nakaluhod sa harapan ko. Para bang wala silang mukhang maiharap sa akin dahil mas pinili nilang iyuko ang kanilang mga ulo.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon