Chapter 2-Last words nina Tita Mommy

18.1K 636 72
                                    

A/N:

Si Cassandra po ang nasa pic sa itaas :D 

***

Chapter 2-Last words nina Tita Mommy

Cassandra's POV


Papauwi na ako ng bahay  may mga naririnig akong sigawan, may nakita akong mga ibang tao sa bahay nagtago muna ako sa may poste para di nila ako makita.

"nasaan ang anak ng mahal na Reyna"sabe nung lalakeng naka black robe na kausap si... auntie? huh? sino sila?

"anong anak??? Sinong Reyna???" nauutal na sabe ni auntie...parang may tinatago ata si  auntie the way sya tumingin sa lalakeng naka itim at sumagot

"Wag ka ng magmaang-maangan, alam kong alam mo ang sinasabi ko, Nasaan sya ? ibigay nyo sya sa amin"sabi ulit ng lalake bakit iba pakiramdam ko sa nangyayare? kakabasa ko  ba to ng wattpad? pero bakit nila ako hinahanap at bakit niya ako kailangan?


Biglang napagawi ang tingin ni auntie sa akin kaya natkot ako baka kung anong gawin sakanya ng lalake. Magsasalita na sana ako nang sumenyas sa akin na 'wag-mong-gagawin-yan'Sumenyas ako na nangangahulugang 'baket-pano?' at pasimpli ng tinuro ang  bintana sa itaas


Dali dali akong tumakbo ako papunta sa puno at umakyat ako, buti nalang talaga madaming naturo sa akin sina papa. Sa bintana ako dumaan at nakita ko sina mama at papa na may binabasa sa libro. Parang familiar sa akin yung librong hawak ni papa, iyon yung  may maraming weird na words. Patago kong binabasa yun sa sobrang curious ko kung ano yun, halos na memorize ko na nga iba.

"Ma-mama??pa-papa?? anong ginagawa nyo"nauutal kong sabi napatigil sila at dali dali nila akong niyakap ng mahigpit. Bakit iba pakiramdamm ko?


"Cassandra, making ka ng mabuti sa amin, hindi tayo mortal"sabi ni mama 

"mortal? diba yun yung mga tawag sa atin mortal, we are humans right? Right??"tanong ko kay mama dahil sa term na ginamit nya which is 'mortal' kabaligtaran nya is immortal right? mortal is human at human kami, tao kami.


"oo tama ka, mortal ang mga tawag sa kanilang mga tao. Pero hindi tayo tao cassandra, immortal tayo alam ko nakakbigla at naguguluhan ka sa mga nangyayari pero may mahika tayo "mabilisang sabi ni papa na halatang may hinahanap sa libro

"Pero pa—-"di na ako pinatapos sa pagsasalita


"Cassandra di ito ang oras ng pakikipagtalo, at isa pa hindi kami ang tunay mong mga magulang. Kami ay kapatid lamang ng iyong mga magulang, ako ay kapatid ni mama mo at sya ay kapatid ni papa mo, pasensya na at ngayon lamang namin na sabi sa iyo"sabi ni mam. So all this time pala kasinungalingan lang buhay ko?at Unti-unti ng tumulo ang aking mga luha


"eto kunin mo tong librong to nandito ang ilang bagay na kailangan mong malaman ,"sabi ni papa or should I call him tito instead?

"Makinig ka Cassandra pag pasok mo sa portal na bubuksan namin agad kang magpunta sa White Immortal Academy, tandaan mo White Immortal Academywag kang magtitiwala mga taong kapanipaniwala"sabi ni tita mommy, yun nalang siguro ang itatawag ko sa kanila, tito daddy at tita mommy


"kahit anong mangyari wag kang susuko sa mga Dark Wizards"sabi naman ni tito daddy at tumango nalang ako. Tama si tito daddy hindi ito ang oras para magreklamo o makipagtalo kailangan ko tandaan mga bilin nila.


"At pag dating mo sa loob ng White Immortal Academy sabihin mo ang buong pangalan mo, nakasulat sa notebook na yan ang pangaln ng tunay mong mga magulang at ang tunay mong apilido "sabi ni tita mommy


"eto dalhin mo itong mga notebook dito, asahan mong adalas kang mawawalan ng malay pagdating mo doon at mawawalan ng memorya. Mahirap malaman kung nawalan ko ba ng memorya o maynagbura ng memorya mo kaya araw araw kang magsusulat ng mga importanteng na nangyayari  sa magiging buhay mo."sabi ni tito daddy

 "suotin mo to,eto bag mo nandito lahat ng gamit "dagdag ni tito daddy at pinasuot sakin ang robe na  may hood wizard robe ata ito at bigyan nya ako ng bag 


"naiintindihan mo ba ng sinasabi namin sayo cassandra???"tanong sa akin ni tita mommy

"sa totoo po nalilito parin ako, pero kung ang sabi nyo immortal tayo at meron akong magic ano naman po yon???"umamin ako sa kanila at tinanong ko ang kanina ko pa gustong itanong


"ang alam lang namin ay lahat ng iisipin mo ay mangyayari pero malalaman mo sa tak—dito ka lang, wag kang lalabas magtago ko lang dyan" sabi ng kapatid ni mama pero biglang dumating mga lalakeng naka black robe kanina, madami na sila ngayun. 

Pinagtago ako sa likod ni tita mommy at nilabanan nila ang mga lalakeng naka itim at biglang sumagi sa isip ko ang spell galing duon sa libro ni papa na sa tingin ko ay  makakapagpalabas ng portal papuntang immortal world


να ανοίξει την πύλη για να αθάνατο κόσμο

(meaning-'Abra-Portal-Esuande-Immortal'-)


pero yun nga ba yon? ayokong sabihin baka mali tapos baka ano pang mangyari sakin pero nahihirapan na sila. Nakita ko ang libro at kinuha ko para siguraduhing tama yung spell na yon.

"pigilan nyo ang dalaga sa pagbabasa ng spell book" utos ng lalakeng nakaitim or should I say dark wizard, Spell book pla yun *__*


"Takbo na... Cassandra"sigaw ni tita mommy at sinaksak sila ng mga dark wizard 

"so Cassandra, pwede natin tong gawin sa dalawang paraan, easy way and hard way mas maganda kung easy way yun ang sumama ka na sa amin"sabe ng dark wizard habang papalakad papunta sa kin. D ko na alam gagawin ko kaya lalo akong nataranta 


"'να ανοίξει την πύλη για να αθάνατο κόσμο!!" sigaw ko at lumabas ang isang malaking bilog na maliwanag at sila ay nasilaw. Ito na siguro yung portal kaya dali dali akong pumasok ako dito at nahulog ako sa isang............


—————————————————————————

Bakit kaya nila gustong kunin Si Cassandra???

Bakit at paano naging prinsesa si cassandra???

Saan kaya nahulog si Cassandra???



A/N: Comments your Thoughts and  Reactions


White Immortal Academy Book 1:  Battle between Dark and White WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon