Chapter 10

299 14 3
                                    

My chest tightened seeing the two person I've trusted years ago, they're now in front of me and both of them are staring at me, waiting for me to talk first. I almost swallowed my tongue, I don't know where to start and I have a lot of untold words I want to say to them but I cannot open my mouth to speak up.



"Uhm.. Noe, I-I have something for you," Shekainah broke the silence.



She gave me a small smile before handing a small paper bag to me. Tila nag-aalinlangan pa 'kong tanggapin iyon pero kinuha ko pa rin mula sa kaniya. I opened my mouth to thank her however there were no words came out from my mouth. Tumango lamang si Shekainah sa akin bago hinatak si Drake sa braso nito at iginiya patungo sa kaharap kong couch.



"Pinatawag mo raw kami? Totoo ba 'yon?" si Drake nang makaupo. "At saka.. narinig namin iyong pinahayag mo sa prescon."



I slowly nodded my head. "Everything I said at the prescon were from my heart."



"You don't have to apologize to us, Noe," Shekainah murmured. "We should be the one who have to apologize to you," panimula niya. "Noe, we are here to talk to you. I want to explain my side and I will tell you those scenes of us you missed. Gusto ko rin na magkalinawan tayo kasi hindi ko naman gustong nagkakaganito tayo, eh. Ayokong kalimutan at itapon lang iyong pinagsamahan natin, Noe. You were the true and real friend I ever had but I betrayed you. What I did to you keeps haunting me, Noelani. I am sorry kasi pinalagpas ko pa ng ilang taon bago muling magpakita sa 'yo at humingi ng tawad. Ngayon lang kasi ako nabuhayan ng loob at.. nahihiya ako sa 'yo, hindi ko alam kung ano pa ang ihaharap ko sa 'yo. Having you as my friend is a blessing from God. Masaya ako kasi naging kaibigan kita, Noe, kahit na hindi ako ganoon kabuting kaibigan sa 'yo."



"Shekainah," Drake uttered her name, trying to calm her down but Shekainah did not bother to mind him.



"Masakit para sa akin ang lahat at naintindihan kita kung hindi mo 'ko mapapatawad," she continued instead, telling that to me. "I was so unfair to you, I never been a good friend to you, Noe. God gave me a new beginning and I won't repeat my mistake.. I'm really sorry..."



"Zani, ako muna ang pakinggan mo," si Drake na biglang sumulpot. "Ako ang nagsimula nito at bago ka magalit ulit kay Shekainah, sa akin ka muna magalit dahil ako ang nangako sa 'yo noon na maging kontento ako sa 'yo," pahayag niya. "Zan, minahal kita talaga, pero mas mahal ko si Shekainah, eh. Ginawa ko naman ang lahat para pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa, kasi hulog na hulog na 'ko sa kaniya kahit na tayo pa. When.. you stripped in front of me when we were still together. That time, mas lalo akong nasaktan kasi.. kayang-kaya mong ibigay ang sarili mo sa akin kahit na hindi ako naging tapat sa 'yo.. kahit na naging gago ako. You are fully naked in front of me, pero kahit pagnanasa ay wala akong naramdaman, Zan, kaya tinalikuran kita at iniwanan. I don't deserve you, Zani. Hindi rin ako ang lalaking para sa 'yo. Zan, simula nang dumating si Shekainah.. nagbago na ang lahat, naglaho ang nararamdaman ko para sa 'yo sa unang kita ko sa kaniya. We met first, Zani. Nakilala ko si Shekainah, 'yong hitsura niya lang, noong hindi mo pa siya nakilala. Nasaktan kita, pero hindi ako nagsising pinili ko siya, Zan. Mahal ko siya, eh. Kung kaya ko na wala ka sa piling ko, pero hindi ko kakayanin 'pag siya ang mawala sa piling ko, Zani. I'm sorry if I cheated on you. Iyon ang pinagsisihan ko, Zan, ang niloko at pinagtaksilan kita. You can't blame Shekainah, Zan, hindi niya gustong lokohin ka namin.. pero ramdam kong mahal niya rin ako, eh, kaya lumalapit pa rin ako sa kaniya at patuloy siyang sinusundan. I am sorry to say this but I must admit this, Zan. When she and I partnered together.. I can't describe the happiness I felt. Zani, natuto na 'ko ngayon.. at gusto kong bumawi sa 'yo sa ginawa namin ni Shek noon. If begging and kneeling down on you are the ways to make you forgive us wholeheartedly, I am eager to do it, Zani. Kahit hindi lang ako pero si Shekainah sana.. patawarin mo talaga at sana ay mabigyan mo siya ng pagkakataon na bumalik kayo sa dati. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit nasira kayo, eh, sa akin nagsimula ang lahat."



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now