KABANATA CCXXVIII

3.4K 19 6
                                    

Handang mamatay ang mga lalaki makaone night stand ang isang napakagandang babae na gaya nito.

Hindi na nakakumportable ang loob ni Lily sa mga tinging ginagawa sa kaniya ng mga tao sa kaniyang paligid.

"Nasaan na ba si Mister D? Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?"

Dito na niya narinig ang isang tunog mula sa isang sasakyan.

Isang McLaren na sports car ang dumating at pumarada sa tabi ng kalsada bago bumaba ang isang binata mula rito.

Nagmukhang attractive at guwapo ang lalaking ito na may magagandang anggulo sa kaniyang mukha. Siguradong isa siyang uri ng lalaki na siguradong makapagpapakilig sa sinumang babae na tumingin sa kaniya. Nagmukha siyang habulin ng babae at swabe sa suot niyang pangkaraniwang suit.

Dito na napalunok ang mga kinikilig na babaeng may kumikinang na mga mata.

"Napaka guwapo ng lalaking ito;"

Isang ngiti ang namukadkad sa mukha ni Lily nang mapansin ang lalaking ito na naglalakad papunta sa kaniya.

Hindi maaaring ito si Mister D! Napakabata at napakaguwapo pala nito! Sigurado ring nasa ilang milyon ang halaga ng sasakyan na kaniyang dinala papunta rito!"

"Hi, Ms. Lily. Ako nga pala si Donoghue Dixon. Ako ang may username na Mister D sa iyong Livestream."

Ngiti ng lalaki habang naglalakad palapit kay Lily. Agad na napaganda ng magalang niyang pagpapakilala ang unang impresyon sa kaniya ni Lily.

Ninenerbiyos nang kaunti si Lily nang makipag kamay siya sa lalaking ito.

"Hi, ako nga pala si Lily Lyndon. Pwede mo naman akong tawagin bilang Lily."

Hindi malaman ni Lily kung bakit siya ninenerbiyos sa harap nito.

Lumaki siya sa isang mayamang pamilya at nakakilala na rin ng maraming mga mayayamang binata.

Pero ito ang unang beses na makakausap siya ng isang lalaki na kasing guwapo at kasing galang ni Donoghue. Hindi niya maiwasang tingnan ito ng ilang beses.

Hindi pa siya nakakatanggap ng kahit anong alahas na gawa sa silver mula kay Darryl sa tatlong taon nilang pagsasama, paano pa kaya ang isang diamond ring na kagaya nito.

Kung ikukumpara kay Donoghue na nagawa siyang bigyan ng ganito kagandang regalo sa una nilang pagkikita.

"Hindi ito tama, masyado itong mahal. Hindi ko ito matatanggap." Ilang segundong pinakalma ni Lily ang kaniyang sarili bago mahinhing sumagot kay Donoghue.

Nagpakita naman si Donoghue ng isang assuring na ngiti. “Bakit naman hindi? Walang silbi ang isang diamond ring na gaya nito kung hindi ito maisusuot ng isang napakagandang kamay, kahit gaano pa ito kamahal.”

Kinuha ni Dononghue ang kamay ni Lily habang nagsasalita at maingat na isinuot ang singsing sa daliri nito.

Nagdadalawang isip pa rito si Lily pero masyado siyang naoverwhelm ng kaniyang kasiyahan nang maisuot ni Dononghue ang singsing sa kaniyang daliri.

“Salamat.” Mahinang sinabi ng yumuyukong si Lily. Nakaramdam siya ng pagkahilo sa pangyayaring ito.

Isang hindi maipaliwanag na emosyon ang bigla niyang naramdaman. Dito niya magkasabay na naramdaman ang nerbiyos at pagkasabik sa kaniyang dibdib.

Ngumiti si Dononghue at sinabing. “You’re Welcome. Halika na, nagpareserved na ako ng boot para sa atin. Iinom lang tayo ng kaunti.”

Hindi naman siya nagawang tanggihan ni Lily, naglakad siya papasok sa bar kasama si Dononghue.

Maririnig ang tumutugtog sa loob ng bar ang isang masiglang tugtog na sinasayawan ng napakaraming tao sa dance floor.

Nakasuot naman ang naggagandahang waiter ng bar ng mga sexy na costume ng bunny habang nagseserve ng maiinom sa kanilang mga customers.

Maraming mga binate at dalaga ang buong pusong umindak sa gitna ng dance floor.

Ito ang unang beses na pumasok si Lily sa isang lugar na kagaya nito kaya natural lang na makaramdam siya ng nerbiyos.

Pero sa isang hindi maipaliwanag na rason, nakaramdam siya ng pagiging safe sa tabi ni Dononghue.

Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niyang ligtas siya sa tabi nito.

Buong galang na yumuko ang ilang mga waitress nang marating nila ang isang marangyang booth sa unang floor ng bar.

“Young Master Dixon.”

Tinangian naman ni Dononghue ang mga ito at agad na dinala si Lily sa isang upuan, nagawa pa itong hilahin ang upuan para kay Lily.

Dito na mas lumalim ang nararamdaman ni Lily kay Dononghue. Tama nga siya sa nagging desisyon niya na makipagkita rito.

“Dononghue, bakit mo naman nagawang magdonate ng ganoon kalaking pera sa akin?” tanong ni Lily.

“Naniniwala k aba sa love at first sight?”

Nakangiting tumitig sa kaniya si Dononghue habnag humihigop sa kaniyang inumin.

“Agad na makakapagdesisyon ang ilang tao na makasama ang tao na kanilang nakita sa sandaling makilala na nila ang taong iyon. Nainlove ako sa iyo noong una kitang makita. Kaya deserve mo lang ang lahat ng pera na ibinigay ko sa iyo.”

Natuwa naman si Lily nang marinig ang mga salitang iyon.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now