Treinta Y Seis

147K 3K 310
                                    

Treinta Y Seis

-FLASHBACK-

"Boss, nagsalita na yung sumabutahe ng sasakyan mo. Tama nga kayo. Pinakita namin ang litrato ni Lucas Saavedra dito at kinumpirma nga ito nung lalaki. Binayaran daw siya ng malaki nung taong 'yon para isabutahe ang preno ng sasakyan mo. Mabuti at umamin." Ani ng lalaking kausap ni Theo dahil nahuli na ang lalaki.

Nahuli na kasi ang lalaki sa tulong ng mga hidden cctv's sa loob ng village na kung na saan ang rest house nito. Nabalitaan din nya na ibinenta na daw ng lalaki ang bahay na 'yon.

Pinasadya talaga ilagay ng mga nakatira sa village ang mga hidden cctvs in case na may mangyaring masama dahil medyo naka-isolate ang village mula sa pinaka malapit na bayan.

Meron pa rin naming visible na mga cctvs kaya nga akala ng mga nagtangkang mangloob sa mga bahay doon ay lusot na sila dahil alam na alam na nila kung paano sila hindi makikita sa mga cctv.

Nagulat si Theo noon ng malamang meron ng bahay ang dating kaibigan doon. Hindi naman ito ganon kayaman para makabili ng property sa nasabing lugar pero ang sabi nito ay regalo ito ng isang sobrang yaman na kliyente na natuwa sa trabaho niya.

Lucas is rich but not rich enough that time unlike today.

Napakuyom si Theo ng kamay. Sinasabi na nga ba't ang gago talagang 'yon ang may pakana ng pagpatay sa kanya. Alam na alam niyang sinadya iyon. Ayos naman ang preno ng sasakyan niya ng pumunta siya sa bahay ni Luke. Heck, bagong bili niya ang sasakyan kaya malabong aksidente lang ang pagkawala ng preno.

A foul play indeed pero dahil sunog na sunog nga ang sasakyan nya ay hindi na iyon napansin ng kinauukulan na nag sagawa ng imbestigasyon.

"Incompetent." Naiiling na ani Theo sa isip.

"How the heck did he do that so fast? Hindi naman ako nagtagal sa bahay ng Lucas na 'yon?" Kunot noo niyang tanong sa lalaki.

"Skilled ho ang taong hinire niya kaya madali lang nagawa ang inutos sa kanya. Kilala na ho ito sa mga ganong gawain." Detective Rico explained to him.

Theo blankly stared at him. Hindi mo mababasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"I see. Bantayan niyo mabuti ang lalaki para hindi makatakas. Just gather all of the evidences laban sa Lucas Saavedra na 'yon. From cctv footages up to whatever it may be." He coldly commanded.

Tumango naman ito at nagpaalam na kay Theo. He will do anything para lang makulong si Luke sa ginawa nito sa kanya. It's not just for revenge or what kaya niya ginagawa ito. Dapat lang kasi na makulong si Luke. Lumabag ito sa batas kaya tama lang na pagbayaran nito ang ginawa niya.

-END OF FLASHBACK-

Naputol ang kaniyang pag iisip sa pinagusapan nila ng maaasahang detective ng ama niya na si Detective Rico noong nakaraang araw ng mag ring ang kaniyang telepono.

"Boss, kayo na ang bagong may ari ng 50 percent shares ng SMH. Titignan ko din ho kung mapapapayag natin si Luke na ibenta ang iba pa niyang mga shares." Masayang pagbabalita ng tauhan niya na inutusan niyang bilhin ang shares na binebenta ni Luke.

Sumilay ang isang nakakakilabot na ngiti sa napaka gwapong mukha ni Theo. "Good job. Dadagdagan ko ang binayad ko sa'yo. Intayin mo lang sa account mo."

"Wala hong anuman, Mr. Inoue. Maraming salamat." Bakas sa boses nito na mas lalo itong sumaya dahil nadagdagan ang binayad sa kanya ni Theo.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon