SPECIAL CHAPTER

69 3 1
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

SPECIAL  CHAPTER

CRISHA didn't expect that after Wreizz proposal will be hold into another moment and that's their wedding. The wedding wasn't grand as like what she dreamed but a surprise beach wedding. Napansin niyang kulay asul ang motif ng bawat guest nila. Napansin niya ang mga taong malalapit sa kanya ay halos kumpletong sinaksihan ang fairy tale niyang hindi akalain na magkakatotoo. Ang mga kuya niyang nag effort pang nilangoy ang dagat para lang hawakan ang mga balloons na nakaform sa words na CAN YOU BE MY WIFE. May mga divers pang kasama ang mga kuya niya at hindi na siya nagtanong dahil masyado siyang masaya sa araw na 'yun. Inagahan niya siguro ang paggising eh di sana maaga din niyang makikita ang surpresa ng mga taong mahal niya sa buhay. Wreizz was the master mind of the things happen within one day. Sobrang saya niya sa bagay na 'yun.

Oo nga't nag expect siyang may Will you marry me ito pero dahil sa nakasal na nga sila, hindi na siya nagsisising sapat na sa kanya 'yung sinabi nitong Can you be my wife. Ang mahalaga sa kanya ngayon, ay gampanan ang pagiging mabuting asawa nito. Walang katapusang pasasalamat ang ginawa niya sa mga kuya niya habang nagbibigay siya ng speech after ng kasal nila. Sa beach na din kasi ang reception venue nila at thankful siyang ang kuya Creill niya ang nagprepared ng mga tao para sa mga guest nila. Ang mga decorations ng mga asul na bulaklak, mga kurtina, mga upuan lahat ng mga iyon ay naoriented mismo ng kuya Chance niya at ang asawa nito. Sobrang swerte niya na may kuya siyang ganito ka-ready. Ang mga yate naman na sinakyan ng mga bisita ay mismong pag aari pa ng kuya Neith niya at sobrang thankful sya sa bagay na 'yun at ang Singer pa sa Kasal nila ay ang mismong pinsan niyang si Chase at kinidnap lang naman ito ng kuya Kihl niya para makadalo ng surprise wedding niya. Maging an model niyang kaibigan na matagal na panahon niyang hindi nakita ay nakadalo, si Thea. Umiiyak pa ito sa kaalamang nahospital siya at hindi man lang daw ito nakadalaw. Ang kuya H niyang siya mismong umorder ng pagkain ng mga bisita at ang nakakatuwa pa, puro sikat na mga chef ang kinuha nito kaya lahat ng guest nila ay busog na busog. And lastly, ang kuya Aether niyang may naambag lang naman na photographer. Wala na daw kasi siyang maisip na maitulong para sa kasal nila ni Wreizz kaya naghire na daw ito ng Photographer  kaya naman masayang masaya siya sa kaalamang lahat ng kuya niya ay hindi nagkulang para pasayahin siya.

"Babe.."

"Hmm?"

Hinawakan ni Wreizz ang kamay niya habang nakaupo lang silang dalawa sa dalampasigan at nakatingin lang sa papalubog na araw. Ang ganda sa mata ng nakikita niyang karagatan na kasabay ang papalubog na araw. Punong puno ng galak ang puso niya sa kadahilanang kasama na niya ang taong mahal na mahal niya at ngayon ay asawa na.

"Nung pinapalaya mo ako, binibigay mo ako kay Chloe ayos lang ba talaga sayong gawin 'yun?"

Muli niyang naalala ang nangyari bago siya nabangga.

"Ang totoo hindi ayos sakin 'yun. 'Yung utak ko sinasabing mas okay 'yun pero ang puso ko hindi okay. Iniisip ko pa lang na binibigay kita sa iba nadudurog na ang puso ko na parang gusto ko na lang mamatay pero hindi ko pweding gawin ang mamatay dahil hindi ko din kayang iwan ka. Oo nga't  maaaring hindi ka maging akin at sa iba mapunta but atleast, makikita pa din kita. Mas gugustuhin kong masaktan ako kesa ang makita kang masaktan kapag wala na ako."

"I wanna cry with your words."

Pinagpag niya ang balikat at ngumiting tumingin dito.

"Come, my shoulder is  always welcome for your sob."

Akala niya ay isasandal nito ang ulo sa balikat niya pero pinulupot nito ang kamay sa bewang niya at nilagay ang baba nito sa balikat niya habang hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now