KABANATA CCXXIX

4.1K 52 17
                                    

Nagtinginan naman ang nagulat na sina Dax Sanders at Nancy Lee sa katabi nilang booth sa first floor ng bar.

"Ano ang nangyayari? Bakit nakikipagdate ang asawa ni Darryl sa ibang lalaki?"

Nag ingat naman ng husto si Sanders matapos ang himalang pagtakas ni Nancy sa mga taong nagtangkang dumukot dito, palagi na niyang sinasamahan si Nancy saan man ito magpunta.

Isinama niya si Nancy sa bar na iyon matapos siyang imbitahan ng ilang mga housing developers para makipag usap. Interesado sila sa isang bahagi ng lupa pero mayroon ditong nakatira na ilang mga matitigas na residenteng ayaw umalis sa kanilang tinitirhang lupa.

Gusto sanang hingin ng mga land developers ang tulong ni Dax para mapaalis ang mga residente sa lupang ito.

Pero hindi inasahan ni Dax na makikita niya si Lily matapos niyang makipag usap sa mga land developers.

"Siya ba talaga ang asawa ni Darryl?" Agad na napakunot sa kaniyang noo si Nancy.

Hindi rin siya sigurado dahil malabo na rin ang kaniyang paningin, mayroon ding makapal na salaming humaharang sa pagitan ng dalawang Booth.

Nagbuntong hininga nanan si Dax at sumagot ng. "Sigurado ako rito. Tingnan mo ang suot niyang Workship of Crystal, dalawang pares lang nito ang makikita sa buong Donghai City."

Napansin ni Dax ang nalalasing nang si Lily. Tumayo ito mula sa sofa para pumunta sa washroom.

Nakita niya ang ngiting ginawa ni Donoghue habang kinukuha ang isang pack ng kulay puting powder na kaniyang nilagay sa inumin ni Lily.

Agad namang bumagyang mukha ni Dax nang makita niya ito.

"Sinusubukan niya bang painumin ng gamot ang asawa nv kaibigan ko? Wala na ba siya sa kaniyang sarili?"

"Maghintay ka lang dito dear. Titingnan ko lang ang nangyayari sa booth na iyon." Sabi ni Dax bago mabilis na umalis sa kanilang booth.

Tumango naman dito si Nancy.

Hindi ganoon karami ang mga lalaking may kakayahang hamunin ang kaniyang asawa sa Donghai City kaya confident si Nancy na aalis ang lalaking iyon sa sandaling sabihin ito ni Dax.

Lumabas na si Lily sa washroom at bumalik sa booth.

"Cheers! Isa talaga itong napakasayang araw na dapat nating ipagdiwang." Ngiti ni Donoghue habang itinataas ang hawak niyang wineglass.

Tumango naman dito si Lily. Hindi siya magaling sa pag inom pero naging maganda naman ang mood niya noong araw na iyon.

Itinaas niya ang hawak na wineglass, nakipagtoast kay Donoghue at sinimulang humigop dito.

Dito na pumasok ang isang tao sa kanilang booth at agad na hinila ang kamay ni Lily.

Splash!

Hindi na nakapagreact pa sa tamang oras si Lily kaya agad na natapon ang kaniyang inumin.

"Dax Sanders?"

Nagpanic si Lily nang makita niya si Dax, alam niyang malapit ang lalaking ito kay Darryl.

Dito niya naalalang tapos na rin pala ang relasyon nula ni Darryl Kaya wala na dapat siyang ikahiya pa.

Agad na binalik ni Lily ang kaniyang postura habang kumukunot ang kaniyang noo. "Ano ang ginagawa mo Dax?"

"Hindi mo ito pupwedeng inumin." Nagmamatigas na sinabi ni Dax.

Tumitig siya nang husto kay Donoghue habang nagsasalita.

Tahimik namang tiningnan ni Donoghue si Dax.

Nagpatuloy ito ng ilang segundo bago ngumiti si Donoghue at sinabing. "Sino ka ba kaibigan? Ano ang nangyayari?"

Naging kalmado na walang kahit na anong uri ng panic o galit ang tonong ginamit nito sa pagsasalita.

Dito na nagkaroon ng tensyon ang pagtingin na ginagawa ni Dax.

"May ibubuga ba talaga ang isang ito?"

Siguradong magpapanic ang isang ito pangkaraniwang tai sa sandaling may makahuli sa binabalak niyang painumin ng gamot ang isang babae.

Pero naging kalmado pa rin siya hantsa mga sandaling ito.

Walang kahit na sinong lalaki na may kahanga hangang background ang magiging ganito kakalmado dahil hindi mapepeke ng kahit na sino ang kanilang manners.

"Sino ka ba?" Tanong ni Dax pabalik.

Nanatili ang ngiting iyon sa mukha ni Donoghue habang kalmadong sumasagot ng. "Ang pangalan ko ay Donoghue Dixon."

Donoghue Dixon?

Hindi pa naririnig ni Dax ang pangalang iyon.

Walang pamilya sa Donghai City na may apilyedong Dixon. Siguradong nagmula ang lalaking ito sa isang maimpluwensyang pamilya, hindi nagpakita ng pagiging isang pangkaraniwang tao ang kilos na ginagawa ni Donoghue sa mga sandaling ito.

Mayroong isang pamilya Dixon na nakatira sa Jiangnan na hindi kalayuan sa Donghai City. Isa itong lugar na tinatawag bilang Yunzhou City.

Ang mga Dixon ay kilala bilang isang makapangyarihang patrician family, at ang bawat isang miyembro ng pamilya Dixon ay isang cultivator kaya agad na kumalat ang kanilang impluwensiya sa paligid.

Baka....

Nagmula Kaya ang Donoghue Dixon na ito sa pamilya Dixon na iyon?

Inaamin ni Dax sa kaniyang sarili na makapangyarihan ang pamilya Dixon. Pero nahihibang pa rin siya para gawin ito sa asawa ng kaniyang kaibigan!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now