Chapter 27

1.3K 46 0
                                    

CHAPTER 27

"KUYA!!!! Hindi na ba talaga magbabago isip mo? Sure na ba talaga yan? Ipapadala mo talaga ako sa ibaba para mag espiya? Hindi ka ba naaawa sakin? Paano kung masunog ako? Paano kung umitim ako? Ang init init kaya duon sa baba, kahit saan ako tumingin may apoy. Tapos puro pangit pa andun. May mga sungay, e kuya, anghel ako. Ang angel may pakpak tapos ringlight sa ulo. Dali na, huwag nalang kasi ku----


Hindi niya pa man natatapos ang dapat niyang sabihin ng may lumilipad na unan na tumama sa bunganga niya. Ang walang utang na loob na kuya Luci niya ay binato siya ng unan, sapul sa mukha. Sinamaan niya ito ng tingin pero ng tumaas saglit ang isang kilay nito, kaagad namang ngumiti ng alanganin si Elijah.

Syempre, takot siya 'no. Kayo kaya humarap sa demonyong' to. Tingnan natin kung di kayo maihi sa takot.



"Pero kasi ku---

Itinaas ni Elijah ang dalawang kamay niya, itinikom niya din ang bibig niya ng akmang babatuhin na naman siya ng unan ng kuya niya.


" Ang sama ng ugali, parang hindi niya ako tinuturing na kapatid ah. Hmp! "


"Stupid"

Mas lalong humaba ang nguso niya ng tinawag siya nitong stupid. Hindi kaya siya ganun, smart siya, smart. "Grabi ka talaga sakin, kuya. Hindi ka man lang naawa. Huhuhu, hindi naba talaga kapatid ang turing mo sakin?"


Hindi sumagot ang kuya niya. Sa halip mas pinagtuonan nito ng pansin ang anak nito. Inayos nito ang pagkakahiga ni Luka sa dibdib niya. Habang hinahaplos ng isang kamay nito ang buhok ng asawa nitong natutulog sa tabi nito.

Napasimangot lalo si Elijah. Paano ba naman kasi para lang siyang hangin sa kuya niya. Pero kapag may inuutos wagas.


"Nagdurugo talaga ang puso ko. Huhuhu, grabi, ginaganiyan niyo na ako ngayon. Ni hindi ka nga nagpasalamat sakin ng ihatid ko sila dito. Tapos hindi mo pa ako pinapansin. Tapos yang anak mong manang mana sayo hindi man lang nagpasalamat sakin. Huhuhu. Grabi na talaga kayo. Hindi ko deserve 'to. I deserve better than this. Huhuhu! "



Nang maramdaman ni Elijah ang matalim na tingin sa kaniya ng kuya niya at ang pag-iinit ng buong silid. Pinagpapawisan na nga siya.


Tumawa siya ng may pag-aalinlangan saka nag peace sign."Hehehe, ikaw naman kuya. Hindi ka na mabiro. Jokiejokie lang."



Walang emosyon ang mukha ng kuya niya. Hindi man lang natuwa sa kacutean niya. Well, sino ba naman kasi ang matutuwa sa isang gaya niyang puro kalokohan nalang sa buhay.



Napalunok si Elijah ng magbanta ang kuya niya."Pag si Luka nagising dahil sa ingay mo, ako mismo ang puputol diyan sa dila mo."


Inilabas ni Elijah ang dila niya, parang tanga niya itong tinitigan. Iniisip kung ano ang magiging itsura niya kapag putol ang dila niya. Iniisip palang niya pero nandidiri na siya at kinikilabutan kaya dali dali niyang tinakpan gamit ang sariling mga palad ang bibig niya saka lumayo lalo sa kuya niya


Napailing iling naman ang kuya niya sa kaniya. Sobrang pagod na siya sa kabaliwan ni Elijah. Kung pwede nga lang e pinakain na niya si Elijah sa mga alaga niyang ahas.


Nakangusong umupo si Elijah sa lapag. Tahimik na pinakatitigan niya ang kuya niyang hinahaplos haplos ang buhok ng anak. Napangiti na lang siya.

Maraming takot sa kuya niya. Kumakalat din ang sabi sabi na isa siyang masamang nilalang dahil nga siya ang namumuno sa underworld. Mali sila, maling mali. Isang mabuting asawa, ama at kapatid ang kuya niya.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon