Kabanata 33

20.7K 599 49
                                    

Worth It



Hindi nga 'ko nagkamali. Tila imposibleng dalawin ng antok matapos ang nangyari.

Kahit nakahiga lang naman ako ay tahip-tahip ang kabog ng dibdib ko. The last time I felt like this was years ago—when a project of mine trended for the first time. Tila magic na biglang lumobo ang dami ng followers ko at binaha ako ng magagandang feedback. Weird comparison but it's true. I barely slept that time because my heart was pounding like crazy and my mind was active the whole night.

Parang ngayon lang. Naghaharumentado ang sistema ko. Panay din ang lipad ng isip ko.

Was I too harsh on him?

No, no, no. Pinilig ko ang ulo. Hindi puwede 'to. Hindi ako titiklop dahil lang sa biglang pagbabago ng tungo niya sa 'kin. Eh, ano ngayon kung wala palang namamagitan sa kanila ni Danelle?

Tama. Hindi sapat na dahilan 'yon para bumigay ako! Deserve niya pa ring masupalpal. Kahit pa humingi na siya ng tawad. Kahit pa ako lang daw ang mahalaga sa kanya at wala nang iba. Kahit pa naging maingat at malumanay siya sa akin. Kahit pa inasikaso niya 'ko buong gabi.

Napanganga 'ko. What the hell? Why is my own mind making me feel guilty?

You know what? Forget it. Bukas na bukas din ay aalis na ako sa lugar na ito. Hindi na kami muli pang magkikita. Dito na natatapos ang koneksyon namin kaya't wala na akong dapat ikabahala.

'Yun ang akala ko. But things didn't seem to go as planned the next day.

I woke up with a severe headache. Oo nga't halos tatlong oras lang ang tulog ko pero hindi naman na bago iyon. I'm often sleep deprived because of work but it never got to this point.

Isinantabi ko ang nararamdaman at pinilit bumangon. I fixed myself in the bathroom despite my swirling vision.

Nang makalabas sa silid ay nagulat pa ko nang matanaw sa dining area si Colton. It's just six in the morning. Kumpiyansa pa man din akong hindi kami magpapang-abot ngunit naunahan niya pa rin ako sa paggising.

His eyes automatically darted to me as soon as he felt my presence. Tumikhim siya.

"Have something first before you leave..." aniya habang nilalapag ang bagong lutong almusal sa hapag. Nakumpira kong barado ang ilong ko dahil wala akong maamoy.

Umiling ako ngunit lumapit pa rin doon para uminom ng tubig. My throat feels so dry that it hurts. Ni wala akong enerhiyang magsalita.

Ramdam ko ang pagsunod sa 'kin ng mata ni Colton.

"What's wrong?" his forehead knotted in concern. "You doesn't look so well..."

Sinamaan ko siya ng tingin.

Ha! Doesn't look so well pala ah? Anong gusto niyang sabihin? Na ang pangit ko ngayong umaga?

Ganun ba?!

Sinasabi ko na nga ba! Trial card lang ang pagiging mabait niya! Now he's back on being an ass.

Sa pag-irap ko sa kanya ay kumirot ang ulo ko. I winced. Napapikit ako.Bago ko pa man mahilot ang sintido ay may mainit na bagay nang kumapa sa noo ko.

"You're burning." nasa tabi ko na si Colton nang dumilat ako. His palm was on my forehead.

Nag-igting ang panga niya. Bago ko pa maibuka ang bibig ay hinawakan niya na ang pupulsuhan ko at maingat akong giniya sa kwarto.

"Lie down for a bit first," napaawang ang labi ko. "I'll cook some porridge..."

Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa bibig ko. Dahil ba paos ako? Siguro. Basta't nang alalayan niya na ako pahiga sa kama ay tila hinila na rin ako ng bigat ng katawan. It's not just my body but my head too. Ang aga aga ngunit ang tindi ng pagod na nararamdaman ko.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon